ago ako tuluyang lumabs ng kwarto ko
nakita ko naman yong sliding door sa balcony
na nakabukas kaya yong kurtina ko
hinahangin, pumunta naman agad don para
sana isarado ng Makita ko si..
"Kent?" My lalaking naka-upo sa duyan ko,
nakatopless siya at nakamaong pants habang
naninigarilyo, obvious namang si Kent 'to. Ano
pang ginagawa niya dito? Akala ko umalis na
siya.
"So you're ready?" Tanong niya sakin habang
tinignan niya ako mula ulo hanggang paa,
napatango naman ako habang titig na titig sa
bibig niyang my subo-subong yosi, hindi ko
tuloy maiwasang huwag maalala yong kiss
namin kagabi, lagpas na nga ata sa age ko
yong kiss na nagawa namin last night.
Pinamulahan naman ako dahil sa naalala ko.
Tumayo siya at saka siya lumapit sakin,
inaasahan kong makakaamoy ako ng amoy
yosi pero bakit ang bango pa din niya? Amoy
baby. Umiling-iling naman ako.
"You remember something from last night?"
Nakasmirk na tanong niya sakin, agad naman
akong napa-atrass nung nilapit niya sa
mukha ko yong mukha niya at pinakatitigan
ako, hindi ko tuloy maiwasang hindi
maconcious.
"H-huwag mo nga akong titigan!" Sabi ko sa
kanya kasabay ng pagharang ko ng kamay ko
sa mukha niya. Tumawa naman siya at
umayos ng tayo. "I'll wait for you in front of
your gate." Seryosong sabi niya sakin at
isang talon lang niya mula sa balcony ko
papunta sa balcony ng room niya.
Hindi ko naman nagets yong sinabi niya kaya
tinanong ko siya agad, nung akmang papasok
na siya sa kwarto niya. "Anong wait? Bakit
mo ako aantayin sa harapan ng gate namin?"
Takang-taka kung tanong sa kanya. Umiling-
iling naman siya at kahit nakatalikod siya
sinagot niya ako.
"I'll drive you to Jiro's place." Nang madinig
ko yong pangalan ni Jiro mula sa kanya
nakaramdam agad ako ng takot at kaba. Bakit
niya ako ihahatid sa bahay ni Jiro? Sasabihin
niya ba kay Jiro yong nangyari samin kagabi?
Nakatulala lang ako sa likod niya at hindi ko
alam kung anong sasabihin ko.
Natauhan lang ako nung.. "I'm just going to
make sure you'll be safe, nothing more." At
saka siya tuluyang pumasok sa kwarto niya.
Paglabas ko naman ng gate namin, nakita ko
na agad yong pulang Chevy niya na nakapark
sa harapan ng gate namin, habang siya
naman nakacrossed arms na nakasandal sa
my driver seat.
Nakasuot na siya ng shades at naka v-neck
shirt na fit na fit sa kanya kaya yong katawan
niyang nasisinagan ng araw parang
kumikinam. Nagflashback naman agad sa isip
ko yong ginawa kung paghawak sa abs niya
at yong ungol niya nung ginawa ko yon.
Umiling-iling ako at saka umuko.
Baka tanungin na naman niya ako kung my
naalala na naman ba ako tungkul kagabi,
mapahiya na naman ako sa kanya. Mukha pa
namang mabilis lang niya nababasa yong
nasa isip ko. Nakuha lang niya yong attention
ko ng sabihin niyang pumasok na ako sa loob
ng sasakyan niya.
Hindi ko man lang napansin na nasa loob na
pala siya. Napahawak naman ako sa noo ko,
napahiya na naman ako sa kanya. Buong
byahe namin papunta sa Foot Hill Village kung
san nakatira si Jiro ay natimik lang kami.
Itinuon ko nalang yong attention ko sa mga
kalsadang nadadaanan namin habang diretso
lang yong tingin niya sa daan.
Asa pa akong kausapin niya ako. For sure
naman yong nangyari samin kagabi isa lang
yon sa mga experience niya at hindi na sa
kanya bago kung virgin man yong babae o
hindi. Napabuntong hininga nalang ako, hindi
man lang ako tumangi nung sinabi niyang
ihahatid niya ako kina Jiro, paano nalang kung
Makita ako ni Jiro na kasama siya?
Paano kung magtanong si Jiro kung bakit
kami magkasama? Anong sasabihin ko?
Magagalit na naman kaya sakin si Jiro? Pero
kapatid naman niya yong kasama ko eh. Eh
paano kung siya yong tanungin ni Jiro kung
bakit kami magkasama? Sasabihin kaya niya
yong nangyari kagabi? Bumilis naman yong
tibok ng puso ko dahil don sa naisip ko. Hindi
pwede! Hindi pwedeng malaman 'to ni Jiro!
Ano nalang ang sasabihin niya sakin? Baka
iwan niya ako!
Ano kaya kung kausapin ko na 'tong si Kent at
sabihin ko sa kanyang kalimutan nalang
namin yong nangyari kagabi? Pwede ba yon?
Papayag kaya siya? Playboy naman 'tong
lalaking 'to kaya for sure wala lang sa kanya
yong nangyari kagabi diba? Experience lang
yon.. pampalipas oras. Napahawak naman
ako sa dibdib ko dahil sa mga naisip ko, bakit
ang sakit?
"We're here." Napatingin naman ako sa
kanya. Ha? Ano daw? Mashado kasi akong
pre-occupied na hindi ko nadinig yong sinabi
niya. Lumabas na siya ng Chevy niya habang
ako na naiwang nakatitig sa driver seat.
Nagulat naman ako nung nadinig ko yong
pagkatok niya sa bintana ng shot gun seat
kung nasan ako. Agad-agad naman akong
lumabas pero hindi ko napansin na my bato
don na hindi naman kalakihan pero sapat na
para matapilok ako.
Agad naman akong napahawak sa pinto ng
kotse niya at napangiwi sa sakit ng kaliwang
paa ko. Letche naman! Mashado bang malayo
yong iniisip ko na hindi ko nakita 'tong batong
'to.
"Aray koooo~" Reklamo ko naman at saka
ako nagsquat ng upo para hawakan yong paa
ko.
"D.amn! Are you okay?" Napatingala naman
ako kay Kent na kaharap ko na ngayon,
nakasquat din siya at nakatingin sa paa kong
hawak-hawak ko. Napairap naman ako ng
wala sa oras.
"Engot mo naman! Kakasabi ko lang ng 'aray
ko' tapos itatanong mo pa yan sakin! Naiinis
ka ba?!" At saka ako tuluyang napaupo sa
kalsada. Nakaka-inis naman! Masakit na nga
yong pagkababae ko, tapos nadagdagan pa
nitong paa ko! Paano na ako ngayon
makakalakad nito?
"Uhh.. do you want me to bring you at the
hospital?" Umirap na naman ako sa kanya at
saka ko sinubukang hilot-hilutin yong paa ko,
napapapikit naman ako sa kirot. "Kylie will
you stop rolling your eyes on me and just
answer me!" Frustration is written all over his
face nung tignan ko siya.
Sinagot ko naman siya. "Kung makatanong ka
naman kasi jan, para kang walang common
sense! Hindi pa naman ako naghihingalo para
dalhin mo sa hospital!" Sinubukan kung
tumayo pero na-out balance lang ako, buti
nalang at nasalo niya ako agad.
"Psh." Siya naman ngayon ang umirap sakin
at saka niya ako inalalayang makaupo sa gilid
ng kalsada sa harapan lang ng Chevy niya.
Susubukan ko na naman sanang hilutin yong
paa ko ng kunin niya 'to at ipinatong niya sa
lap niya at siya na mismo yong naghilot.
"Uhh.." Hindi ko alam yong sasabihin ko sa
kanya. Should I say thank you? Or sisisihin
ko siya kasi kasalanan naman talaga niya.
Ginulat niya ako kaya di ko nakita yong bato
at natapilok ako. Pero bago pa ako makapag-
decide sa dalawa nadinig ko siyang tinawag
yong pangalan ni Jiro.
Napatingin naman ako sa kanya, at dahan-
dahan kung nilihis yong tingin ko papunta din
kung san siya nakatingin at ganun nalang ang
panglalaki ng mga mata ko ng Makita ko si
Jiro kasama si Aria.
Magkaholding hands sila at masayang
nagtatawanan habang palabas ng gate ng
bahay ni Jiro. Anong ginagawa ni Aria sa
bahay ni Jiro? Bumilis ang tibok ng puso ko at
unti-unti ko na namang naramdaman yong
pamilyar na sakin ng Makita kung naghalikan
sila Jiro at Aria at saka pumasok si Aria sa
loob ng SUV niya.
"Kylie.." Nadinig kung tawag sakin ni Kent
pero busy ako sa pagtitig kay Jiro na abot
tenga yong ngiti habang kumakaway kay Aria.
Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin,
pangalawang beses ko na siyang nahuli at
ngayon hindi niya alam na nandito ako at
pinanunuod siya habang masayang
nagpapaalam kay Aria.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung
ginagawa din ba nila yong nangyari samin ni
Kent kagabi.
— Un nuevo capítulo llegará pronto — Escribe una reseña