ZACHARY HERNANDEZ
Nang matapos ang usapan namin ni Miracle tungkol sa "BAKIT LIST"
Nagpagala-gala ako buong gabi sa Hospital... Hindi ko rin naman kasi alam kung saan ako dapat pumunta.
Napadaan lang ako sa isang chapel...?
May chapel pala sa loob ng hospital? Hmmmmmmm.... Ayy... Altar pala... Hindi chapel...
(Otor: proceed.. )
May mga tao dun... Iilan lang sa kanila ang pasyente...
"Lord... Bakit ganun? Bakit asawa ko pa?... "
"Panginoon... Sana po maging successful ang operasyon ng Tita ko... "
"Please God Save my child... "
"Diyos ko pagalingin niyo na po ako... Hindi ko na po kaya... "
Naririnig ko ang bawat panalangin nila... POSIBLE BA YUN?
"Oo... Posible yun... " nagulat ako sa isang lalaking tumabi sa akin... Parahas lang kaming nakatayo at tinitingnan ang mga nagdadasal.
Mahaba ang buhok niya, at may balbas din... Base sa suot niya hindi ko masabi kung isa siya sa mga pasyente.. Ibang iba kasi ang suot nito kumpara sa ibang pasyente.
"Sa tingin mo brad naririnig niya yung mga panalangin nilang lahat? " itinuro ko pa yung nasa harapan nila. Taong nakapako sa Krus...
"Hindi mo pa sinasabi alam na niya, hindi mo pa ginagawa alam na niya... Alam niya kung anong kailangan mo at hindi. " nagtaka ako sa sagot niya... Adik ba toh? (Psalm 139:1-2 & Matthew 6:8)
Hindi ko pinansin ang sagot niya... Imbis na ipapaliwanag ko sa kanya yung sagot niya nagtanong na lang ulit ako...
"May nakilala ka na bang tao, na sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman niya, hindi mo siya kakakitaan ng sakit. Kahit napaka lubha na ng karamdaman niya?"
"Meron, sila yung mga taong buo ang tiwala at pananalig sa kanya... " napakunot noo ako sa sagot niya... Habang siya titig na titig sa Krus...
Nang lingunin niya ako... Malapad ang ngiti niya... Ang ganda ng mga mata niya.... Green Eyes? Di ko masabi kung Green Eyes ba talaga siya basta ang masasabi ko lang napaka ganda ng mga mata niya...
"Gusto mo ng patunay? " tumango ako bilang sagot...
"Pero bago yun... May gusto ka bang hilingin? " hindi ko pa man nasabi ang hiling ko, nagsalita na siya...
"Matutupad kapatid... " naglakad siya palayo... Hanggang sa di ko na siya matanaw.
Anong hiniling ko?
Makita ko ang MAGALING na MIRACLE ANDREAH GRACIA.
-------------------
Kinaumagahan...
Nasa isang malawak na lupain ako.. Sa gitna ng palayan may isang puno na hitik na hitik sa bunga... Katabi din noon ang isang balon... Nalalakad lang ako papalapit doon ng makita ko ang lalaki kagabi... Kasama ang isang babae... Teka?
MIRACLE?
Bakas sa mukha niya ang pagkamangha... Parang unang beses niya makita ang sarili na maayos... May natural na buhok at kayumangging balat. Nawala naman ang lalaking nagdala sa kanya... Teka? Ito ba ang sinasabi niyang matutupad? Sino ba siya?
"Napaka ganda diba? " sabi ko para mapansin niya ko...
"Zach?" nagtataka pa rin ang itsura niya...
"Bakit di mo siya tanungin Miracle..." alam kong alam na ni Miracle kung sino ang tinutukoy ko... Ang kinikilala nilang Diyos... Kilala ko din naman siya... Pero di ata sapat ang pagkakakilala ko sa kanya...
"Huh? Anong itatanong ko? "
"Bakit di mo itanong sa kanya yung kalagayan mo... Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ikaw pa yung nabigyan ng malalang sakit. Bakit di na lang yung masasamang tao. Bakit di na lang iba." nasumbatan na kaya ni Miracle ang Diyos? Yan kasi ang isa sa mga narinig kong panalangin kagabi... Kung hindi HILING mga walang katapusang tanong na "KUNG" at "BAKIT"...
"Alam mo Zach... Sa totoo lang natanong ko na minsan yan sa Diyos... And I realize na ano pang point ng pagtatanong ko?" nakatitig lang ako sa kanya... Nakangiti pa siyang sumagot sa akin.
"I also think na I don't deserve this... I pity myself too... But in some point, I realize that, there are somethings that can't be explainable by our own thoughts. Only God can give explanation to my situation. I am hoping... I have faith in him... I decided to trust him. For what he has plan to me."
"Do you want to live long? "
"Yes... Prankly speaking I want to live.. For my family and friends."
"What if he don't want you to live long? "
"And that is His Plan to me."
"Ganun na lang yun?" napangiti siya...
"Yes..." a genuine smile
*Dug *Dug *Dug
"Bakit ganun kadali sayo tanggapin yun? "
"I just learn to accept on what Gods Plan to me.."
Pagkatapos niyang sabihin yun parehas kaming nabalik sa realidad...
Nakatingin lang ako sa kanya mula sa malayo... Nakangiti...
Ngayon nauunawaan ko na ang sinasabi ng lalaki kagabi...
--------------------------------------------
"For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans for welfare and not for evil, to give you a future and a hope"
-Jeremiah 29:11
---------------------------------------------
MIRA JEAN GRACIA
I am a nurse... Personal nurse ng kapatid ko... Pinag-igihan ko talaga ang pag-aaral ko para lang makapasok sa Hospital kung saan nakaconfine ang kapatid ko.
Marami akong pinagdaanan, nagmakaawa ako sa head director namin para makasama ko ang kapatid ko... Sa linya kasi ng trabaho ko, hindi dapat masali ang emosyon... Pero kahit anong gawin ko, umakto man akong propesyunal... Nadudurog pa rin ang puso ko...
Sa tuwing nakikita ko si Miracle...
Nangangayayat.
Maputla...
Lalo pang nanghihina ang katawan.
Parang ang hirap ngumiti...
Parang ang hirap niyang tingnan...
Minsan naisip ko, at idinasal ko sa panginoon... Na sana... Sana ako na lang... Sana ipasa na lang sa akin ng diyos yung sakit na nararanasan at nararamdaman niya...
Simula nung bata kami hindi niya naranasan ang normal na buhay...
Bawal siya mapagod...
Lagi siyang nahihimatay...
Halos nasa hospital ang buhay niya...
Acute Chronic lymphocytic leukemia...
Dahil sa LEUKEMIA...
LEUKEMIA... Ang cancer na yan ang nagpapahina sa mahal kong kapatid....
I always pray na gumaling na siya...
Nasa Stage IV na kasi ang sakit niya... Hindi na namin ipinaalam ni Mama at Papa sa kanya... Ayaw namin siyang panghinaan ng loob...
As her personal nurse dapat sabihin ko pero di ko kaya...
Ayokong sabihin sa kanya kase naniniwala pa rin akong makakaya niyang makasurvive sa cancer na yun...
Napaka positive ni Miracle... The way she's smile and the way she talk that she's "OKAY", I know... I feel... She only do that and say that for us. Para hindi kami mag-alala sa kanya...kahit alam namin ang katotohanang hindi siya "OKAY"...
Minsan naiinis ako sa term niya na "OKAY lang ako Ma... OKAY lang ako ate... " Bakit kasi naimbento pa ang salitang 'OKAY' kung talagang nasasaktan tayo? Bakit di natin kayang aminin na NASASAKTAN din tayo?
----------------
Mrs. MIRASOL GRACIA
Bilang ina napakahirap sa kalooban ko ang tanggapin ang sitwasyon ni Miracle.
Simula ng madiagnose siya na may cancer sa dugo, ay di matahimik ang kalooban ko araw man o gabi... Lagi akong nanalangin sa panginoon na pagalingin ang anak ko...
Lagi kong ibinibigay kay Miracle ang pagmamahal at pag-aalaga...
Dahil baka sa susunod na araw, hindi ko na siya ulit mayakap at mahalikan...
Dahil baka sa susunod na araw, di ko na makita ang masaya niyang mukha...
Dahil baka sa susunod hindi ko na siya makita...
Hindi ko alam kung kakayanin kong mawala siya...
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matitiis na makita ang paghihirap niya...
Lalo pa ngayon... Kung kailan malapit na magdebu ang bunso ko... Ang baby ko...
Saka pa siya tuluyang nanghihina...
Nabanggit niya na may misyon daw ang panginoon sa kanya...
UMAASA AKO...
UMAASA AKO NA ANG IBIG SABIHIN NUN AY HUMABA PA ANG BUHAY NIYA...
Nasa labas kami ng kwarto niya ngayon... Tulala... Kusang pumapatak ang mga luha sa aking mga mata... Hindi ko na kaya pang magsalita... Nanalangin na lang ako na SANA maging okay na siya...
Nakita ko ang mga dugo sa kamay niya kanina... Hindi ko matanggap na WALA AKONG MAGAWA....
"Shhhhh... Honey... Please calm yourself..." pag-aalo sa akin ng asawa ko...
Kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili ko na MAGIGING OKAY LANG SI MIRACLE... Nanghihina pa rin ako...
Si Doc Seb, Doc Nathan, Nurse Rj at ang anak kong si Jean... Maligtas kaya nila si Miracle?
Maraming tumatakbo sa isip ng isang Ina...
Si Doc Razzel ay nasa tabi ko na din... Inaalo din ako... Hawak niya ang balikat ko...
Napatingin siya sa katabing pintuan... Kaya naman tiningnan ko din iyon...
"ZACHARY HERNANDEZ"
"Zach? "
-------------------------------------------
A/N:
Para hindi malito readers! Lilinawin ko lang na may mga parts na nagflashback at may mga POV po ang ilang cast para mas dama yung kwento... Sa flashback basahin yung BAWAT KABANATA para mas maintindihan po... 😘
Dedicated this chapter to matheab_ Sorry kung na spoil ko na yung ending neto 😘 Anyways! Salamat sa support mo girl hahaha 😘👌
----LNWP