26
"Krisel, let's go. Nandiyan na sila!"
Hindi ko na nagawang tingnan pa ang sarili ko sa salamin sa huling pagkakataon nang kaladkarin na ako ni Ma'am Mira palabas ng kanyang silid, pababa ng hagdan, patungo ng kanilang malawak na sala.
"Oh my gosh, Krisel! Ang laki ng ipinagbago mo," as usual tila manghang-manghang puna ni Faye.
"Habang tumatagal, gumaganda ka yata. O baka may pinapagandahan ka, ano?" Kantyaw ang natanggap ko nang dahil sa sinabing iyon ni Pat. Tinulak-tulak pa nila ang tahimik na si Felix sa akin kaya ako tuloy ang nahiya.
"Uh..." Pakamot-kamot ng batok si Felix kaya tumikwas ang kilay ko. "H-hi Krisel," anito. Tudyo na naman ang iginawad ng tatlo sa amin sa simpleng pag-hi na iyon ni Felix.
"O siya, siya, nagkakahiyaan na sila. Mabuti pa't bigyan natin sila ng privacy," kuda ni Ma'am Mira. Pagkatapos nun ay nagsialisan silang tatlo na pare-parehong may mga malisyosong tingin sa amin. Mga adik, taken na kaya ako.
"Krisel, may aaminin ako..." Inangat ko ang tingin ko kay Felix nang magsalita ito. Habang titig na titig ako sa makinis at gwapo nitong mukha ay may napansin ako. Parang kakaiba ang aura niya ngayon. Gwapo na siya dati pero ngayon lalo pa siyang gumwapo. Siguro may pinapagwapuhan siya. Hala! Baka si Ma'am Mira? May gusto si Felix kay Ma'am Mira! Siguro iyon ang aaminin niya?
Tinapik ko ang kanyang balikat dahil mukhang kinakabahan siya. "Ayos lang 'yan Felix, ilalakad kita kay Ma'am Mira, akong bahala sayo. Suportado kita," ngiting-ngiting hayag ko.
"Ha?" pangungunot ng noo niya. Ang poging ito, nahiya pa!
"E diba may gusto ka--"
"Krisel!" Sabay kaming napalingon ni Felix sa gawing hagdanan nang umalingawngaw ang boses na iyon. Napalunok ako nang makita ang busangot na mukha ni Sir Rod, ang aking gwapong gwapong kasintahan. Hihi.
Ay takte, nagawa mo pa talagang kiliging bruha ka, asik ng utak ko.
Umayos ako ng tayo saka tumakbo palapit kay Sir Rod. "Sir, magandang umaga!"
"Sa palagay mo, may maganda sa umaga ko?" pilosopong tugon nito bago muling bumalik paakyat ng hagdan. Akmang hahabol ako nang marinig ko ang boses ni Felix.
"Krisel... let's go outside. Pasyal tayo. Ang tagal din nating 'di nagkita, bawi ka naman." Tinapunan ko ng tingin ang taas ng hagdan, wala na roon si Sir Rod, pabalik sa nakangiting si Felix.
"Uhh..."
"Please, Krisel? My treat."
"Kasi Felix... hindi ako papayagan ni Nay Lordes lumabas." Totoo 'yun, kanina ibinilin sa akin ni Nay Lordes na 'wag akong lalabas ng mansiyon.
"Kahit diyan na lang sa garden, usap tayo. I have so much to tell you."
"Uhh..." Humugot ako ng malalim na hininga bago nagdesisyon. "Sige, Felix." Umukit ang malapad na ngiti sa kanyang labi nang marinig ang pasya ko. Para siyang nanalo sa lotto habang naglalakad kami patungong hardin.
"You don't know how happy I am right now." Ramdam ko ang umaakyat na kamay niya sa baiwang ko. Medyo naiilang ako pero natural lang naman yata ito sa mga magkakaibigan.
"Felix, may nagugustuhan ka na ba?" pagtatanong ko at baka aminin niya na ring gusto niya si Ma'am Mira.
"Meron." Sabi ko na nga ba, e!
"Talaga? Sino?"
"Secret." Napabusangot ako samantalang tawa naman siya nang tawa.
"Ang daya! Sino kasi? Ahh sige, describe mo na lang."
"Hmm... maganda siya." Uy maganda si Ma'am Mira, check! "Mabait." Mabait din si Ma'am Mira, check! "May magandang ngiti, may magandang pares ng mata, busilak ang kanyang kalooban. Siya 'yung tipo ng babaeng dapat na ginagawaran ng tunay na pag-ibig dahil punong-puno siya ng pagmamahal. Para siyang baso na kailangan ng matinding pag-iingat dahil isang pagkakamali lang, maaari siyang mabasag." Natigil kami sa paglalakad dahil sa intensidad ng bawat salitang namumutawi sa bibig ni Felix. Seryosong-seryoso ang kanyang mga titig. Dalang-dala ako, sa puntong pakiramdam ko ako ang tinutukoy niya.
"A-ang swerte naman ng babaeng 'yun," wika ko na tinugunan niya ng isang ngiti.
Marami ngang baon na kwento si Felix. Halos lahat ng nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw na hindi kami nagkita ay isinalaysay niya. Dumagdag pa sina Ma'am Mira, Faye at Pat pagkakuwan kaya lalong humaba ang usapan.
Inabot kami ng tanghalian. Doon na sila sa mansiyon kumain bago tuluyang umalis para sa kani-kanilang personal na pinagkakaabalahan.
"Where's Roderick, Mira?" tanong ni Señorita Theressa sa anak pagkaalis ng mga kaibigan nito. Kanina kasing tanghalian ay hindi ito bumaba para kumain.
"Baka nasa kwarto niya, mom."
"Call him, tell him to eat." Palihim na nagmaktol si Ma'am Mira sa utos ni Señorita dahil abala ito sa kanyang cellphone.
"Ako na lang ho Señorita ang tatawag kay Sir." Tiningnan ko si Ma'am Mira at kumindat ito sa akin. "Thank you," bulong nito. Sinuklian ko siya ng ngiti bago ako umakyat ng hagdan.
Boyfie, here I come!
"Sir?" katok ko sa pinto ng kanyang silid. Nang nakailang katok na ako at wala pa rin siyang sagot ay binuksan ko na ang pinto. Hindi naman iyon naka-lock.
Nakita ko siyang nakaupo sa harap ng kanyang computer.
"Sir Rod..." Hindi ako nilingon, hindi yata ako narinig. "Sir?" pag-uulit ko, mas malakas kaysa sa nauna pero wala pa rin. Kaya naman lumapit na ako sa kanya.
"Sir Rod, kumain na raw kayo sabi ni Señorita Theressa."
"Wala akong gana," walang kagatol-gatol na tugon nito.
"Pero Sir--"
"Sinabing wala akong gana!" Natigilan ako nang medyo tumaas ang boses niya. Nakatingin na rin siya sa akin pero aburido naman siya. "Lumabas ka na."
"S-sir..." Nagsisimula nang mangilid ang luha ko. Bakit ganito siya?
"Ano ba Krisel? Sinabing lumabas ka na!"
"Ayoko!" pagmamatigas ko. Tumayo siya bigla kaya napaatras ako. Lumapit siya sa akin saka siniil ako ng mapag-angking halik. Ramdam na ramdam ko ang pagkakasugat ng labi ko dahil sa rahas ng ginagawa niya.
"S-sir..." daing ko kasabay ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata. Iba ito sa mga halik na itinuro niya. Puro sakit. Mapagparusa.
Hindi ang literal na sakit na dulot ng halik niya ang dahilan ng mga luha ko kundi ang katotohanang si Sir Rod ay kayang gawin ito sa akin. Ang saktan ako.
Patuloy ang hikbi ko magpahanggang sa pinutol niya ang paghalik sa akin. Walang ano-ano'y tila nahimasmasan si Sir Rod at kaagad akong niyakap.
"Damn! Sorry Krisel, I'm so sorry. Fuck! I... I didn't mean to hurt you. Na... nagseselos lang ako. Shit! Bakit kasi sumama ka sa Felix na iyon? I expected you to follow me. Seloso akong tao, Krisel. Inaamin ko iyan. I can't control my feelings when I'm jealous. Kaya sorry na. Sshhh... I'm so sorry. Hindi na mauulit. Krisel, I'm sorry. Please, stop crying."
"Bitiwan mo ako, Sir!"
"No, no, Krisel... Please... Damn! Hindi na mauulit, promise. I'm sorry, please."
"Sir, bitiwan mo ako!"
"No! I won't. You're mine, Krisel. Akin ka lang."
"Ano ba, Sir? Ang kulit! Hindi na ako makahinga. 'Pag ako nalagutan ng hininga, mawawalan ka ng minamahal." Kaagad siyang kumalas saka hinarap ako. Hindi ko napigilang bumunghalit ng tawa nang dahil sa mukha niya. Para siyang batang inagawan ng kendi.
"Hindi ka na galit?"
Umiling ako. "Hindi naman ako galit."
"Still, I'm sorry," sinserong aniya. Napangiti ako. Ang pogi, e. Niyakap ko siya.
"Kasalanan ko rin naman. Sorry din. B-boyfriend na kita kaya may responsibilidad ako sayo," nahihiyang wika ko. Ngumiti siya saka lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
"That's right, may responsibilidad ka sa akin. Kaya tara, third base tayo?" malokong bulong niya. Kaya ayun, nakatanggap siya ng batok.
"Biro lang, mahal! Seryoso mo naman," aniya sabay dampi ng magagaang halik sa aking labi.
Teka!
Ano raw?
"M-mahal?"
"Yes, mahal?"
Ay takte! Humirit pa.