Descargar la aplicación
62.11% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 241: ASAP

Capítulo 241: ASAP

"Bakit naka uniform ka?" Tanong ni Martin ng balikan niya ko sa kwarto para tawagin para magbreakfast.

"Kailangan kong pumasok sa office." Sagot ko naman sa kanya habang inaayos ko yung kuwelyo ng polo shirt ko.

"Hon, mag-file ka nalang muna ng leave. Samahan mo nalang si Mama sa pagbabantay kay Papa." Sabi ni Martin na tulyan ng yumakap sa likod ko.

"Andun naman si Mike, kaya na nila yun. Saka isa pa sinabihan ko naman sila na once may problema tawagan ako kagad. Saka kailangan kong magtrabaho."

"Di ba sinabi ko naman sayo kung pera lang yung problema, ako na ang bahala!"

"Hon naman! Sinabi ko na sayo di ba kahapon ako na muna bahala kaya wag ka ng mag-alala!" Sagot ko sa kanya ng tuluyan na kong humarap sa kanya ay yumakap sa leeg niya.

"Michelle!" Tawag niya sa pangalan ko, dahil di siya kumbinsido sa gusto kong mangyari.

"Hon, please!"

"Pagnahihiarapan ka na! Humingi ka na ng tulong sakin ha!" Sabi niya sakin sabay haplos sa muka ko.

"Opo!" Malambing kong sabi sabay dampi ng labi ko sa kanya. Bibitaw na sana ako ng muli niya kong kabigin at siniil ng halik.

"Hon, ma-late na ko!" Reklamo ko kasi parang wala siyang balak tumigil lalo pa nga at nasa loob ng ng damit ko yung isang kamay niya habang ang pinupuno niya ng halik yung buo kong muka.

"Wag ka ng pumasok!"

"Wag kang makulit!" Galit kong saway sa kanya habang inalis yung kamay niya na kung ano-ano na yung kinakalikot sa loob ng damit ko.

"Sungit naman! Naglalambing lang eh!"

"Lambing mo muka mo!" Sagot ko sa kanya sabay layo. Muli kong inayos yung damit ko na nagulo dahil sa kagagawan niya.

"Hon!" Muling tawag niya na para bang nagmamaka-awa.

"Mamayang gabi na! Wag na ngayon at ma-late na tayo!"

"Yes!" Masayan sigaw niya sabay hawak sa kamay ko at tuluyan na kaming lumabas para mag-almusal.

"Michelle! Tawag ka ni Boss Helen!" Sabi nung secretary ni Boss Helen. Kasalukuyan na kong nasa office, kaya agad akong tumayo para pumunta sa office niya.

"Good Afternoon po Boss!"

"Maupo ka Michelle!"

"Salamat po!" Sagot ko naman pagkatapos kong umupo sa upuan sa harapan niya.

"Nabalitaan ko yung nangyari sa Papa mo, kamusta naman na siya?"

"Okay naman na po Boss, nkaaraos naman na po sa operasyon pero under observation pa po siya."

"Mabuti naman kung ganun. May maitutulong ba ako?"

"Actually Boss, babale po sana ako para sa hospital bills." Kinapalan ko na yung muka ko, kasi nagtanong naman siya.

"Okay, magkano ba?" Tanong naman nito sabay kuha sa cheque book niya.

"Pwedi bang bumali ng 100K Boss?" Lakas loob kong sabi.

"Kasya na ba yun?" Muling tanong nito sakin. Napakamot nalang ako ng ulo ko kasi di ko alam kung Oo ba ako o tatangi. Sa tingin ko kasi aabutin talaga ng 500k yung bill ni Papa pero nahihiya naman akong bumale ng malaki baka kasi di ko na kayang bayaran.

"Gawin ko ng 200K!" Si Boss na ang nagsabi, sabay sulat sa cheke at abot sakin.

"Wala ka bang papipirmahang kontrata sakin Boss or kasunduan man lang?" Di ko maiwasang maitanong.

"Para kang iba, isa pa pag di ka nagbayad si Martin ang sisngilin ko." Mabili na sagot ni Boss Helen sakin.

"Boss naman, wag mo ng damay si Martin dito."

"Hay naku Michelle! Di ka mapapakain ng pride mo."

"Boss naman!" Muli kong reklamo.

"Oh siya! Ikaw naman ang nakaka-alam ng dapat mong gawin at desisyun mo naman yan. Basta pag kailangan mo ng pera wag kang mahhiyang lumapit sakin at ibabawas ko naman yan sa sahod mo! Haha... haha...!" Tuwang-tuwa sabi ni Boss Helen.

Napangiti nalang ako sa reaksiyon niya at tuluyan ko na siyang iniwan para bumalik sa trabaho ko. Pagbalik ko doon may nakita akong envelop na nakapatong sa lamesa ko at naglalaman yun ng pera. Kahit di nila sabihin alam kong galing yung sa team member ko.

"Thank you Guys!" Sigaw ko habang naluluha yung mata ko.

Pagdating ng uwian nasa baba na si Martin at hinihintay na ko. Dumiretso na kami sa hospital para kamustahin yung sitwasyon dun.

Papalapit palang kami ng kwarto ng inukopahan ko para kina Mama ng marinig kong umiiyak siya kaya mabilis akong tumakbo para malaman yung sitwasyon.

"Ma!" Sigaw ko ng tuluyan akong makapasok. Nadatnan ko si Mama na umiiyak sa balikat ni Mike at ganun din yung kapatid ko.

"Ano nangyari?" Natataranta kong tanong.

"Si Papa!" Sagot ni Mike sa akin pero di niya matapos yung sasabihin niya kasi nga umiiyak.

"Ano nangyari kay Papa?" Sigaw ko kasi nga kapag lalong tumatagal lalo akong natataranta. Nung wala parin akong makuhang sagot, aakma na kong tatalikod para sana sa Doctor ko na itatanong.

"Ako na! Sabi ni Martin ng pigilan niya ko. Mabilis siyang lumabas at iniwan kami. Muli kong nilingon si Mama at dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Magiging okay si Papa, Ma! Pray lang tayo ha!" Malumanay kong sabi habang tinatapik ko yung balikat niya.

"Sundan mo si Martin at wag mong hayaang magbayad siya kahit piso sa bill ng Papa mo!" Matigas na sabi ni Mama at nasa mata niya yung galit na di ko maintindihan.

"Kumilos ka na!" Sabay taboy sakin ni Mama kaya kahit naguguluhan ako ay sumunod ako kay Martin.

Nadatnan ko siyang kausap yung Doctor ni Papa.

"Kailangan natin siyang muling operahan para matanggal yung tubig sa baga niya at ng maiwasan yung pamamaga ng puso niya." Sabi ng Doctor.

"Ano po bang nangyari?" Tanong ko ng tuluyan akong makalapit. Mabilis naman akong inakbayan ni Martin bilang suporta.

"Nagkaroon ng kumplikasyon yung pasyente kaya kailangan natin siyang muling operahan!" Sagot ng Doctor sakin.

"Magkano po ang aabutin?"Diretso kong tanong.

"Hon, wag mo ng isipin yung pera. Pa-operahan na natin kagad si Papa." Sabi ni Marin sakin. Di ko siya pinansin at nanatili lang akong naka tingin sa Doctor at hinihintay ko yung sagot niya.

"Aabutin ng half million!"

"Hanggang kailan?"

"Asap!"

"Sige po gagawan namin ng paraan!"

"Michelle!" Tawag ni Martin sa akin. Di ko siya sinagot at nginitian ko lang. Umalis yung Doctor ng masabi niya yung gagawin kay Papa.


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
pumirang pumirang

Thanks, Sa pag Add ng First Novel ko.

I have 800 collections!!!

Please send me some power stone din!!!

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C241
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión