Descargar la aplicación
20.61% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 80: BAD BOY

Capítulo 80: BAD BOY

"Bakit kasi wala kayong blower dito sa bahay niyo?"

Tanong ni Martin sa akin.

Nasa rooftop na kaming dalawa habang tinutuyo ko yung basa niyang buhok.

"Di kami nun gumagamit."

Matipid ko naman sagot.

"Eh paano pag naliligo kayo paano niyo tinutuyo yung buhok niyo?

"Eh di punasan ng tuwalya lang tapos okey na yun!"

"Paano pag papasok na kayo ng trabaho eh di basa pa yung buhok mo nun?"

"Matutuyo rin yan sa biyahe kaya di na naming kailangan ng blower!"

Napa iling na lang si Martin sa sagot ko sa kanya pero di na niya kinuwesyun yung kakulangan naming ng blower sa bahay. Isinampay ko na yung tuwalyang ginamit niya nung maramdaman kong medyo tuyo na yung buhok niya kunting hangin na lang okey na pwedi ng matulog.

"Alaga mo 'to sila?"

Tanong niya uli habang tinitingnan yung mga ibon sa kulungan.

"Oo, Wait lang ha! kuha muna akong suklay."

Pagpapa-alam ko sa kanya at tuluyan ko na siyang tinalikuran para pumunta sa kwarto ko.

"Ang liit naman ng kwarto mo!"

Nagulat ako ng biglang magsalita si Martin di ko akalaing sumunod siya. Agad kong tiningnan yung pinto kung sinarado niya buti na lang at iniwan niyang bukas kaya hinayaan ko na lang siyang pagmasdan yung kabuuan kong kwarto.

"Para sa akin okey naman yung size ng kwarto ko di ako maliligaw!"

Pagbibiro ko sa kanya habang sinenyasan ko siyang umupo sa kama para masuklayan ko yung buhok niya na agad naman siyang sumunod. Puwesto ako sa pakitan ng mga paa niya para masuklayan ko siya ng maayos.

"Michelle!"

"Hmmm…"

"Nanalo ako sa pustahan natin!"

"So?"

Nakataas kong kilay na sagot. Habang tinitinggnan yung muka niyang naka tingala sa akin.

"So… alam mo na! Matutulog ka sa bahay ko?"

Tuwang-tuwa niyang sagot habang niyakap ako sa baywang at kinabig palapit sa kanya habang ang pisngi niya ay nasa tiyan ko.

"Sa Friday na siguro or Saturday!"

"Bakit ang tagal? Bukas ka na sa bahay matulog."

Mahinang sagot sa akin ni Martin na nagmamaka-awa.

"Di pwedi aalis ako bukas."

"Saan ka pupunta?"

Takang tanong niya sa akin. Sabay hila sa baywang ko at pinapaupo ako sa kandungan niya. Pero mabilis ko siyang tinanggihan at pinandilatan ng mata para pagbantaan siyang mag behave. Tinabig ko yung binti niya at tulyan na kong umupo sa tabi niya at pinaliwanag kung bakit kailangan kong umalis.

"May project ako sa Panggasinan, kaya aalis ako papunta dun bukas."

"Kababalik ko lang tapos aalis ka!"

Pagmamaktol niya sabay gabig sa muka ko para halikan pero agad kong iniharang yung palad ko kaya doon lang tumama yung labi niya.

"Martin… tumigil ka nga baka mamaya makita tayo nila Papa at Mama nakaka hiya!"

Mahina kong saway sa kanya at bahagya akong umusog para magkaroon ng space ang pagitan naming dalawa.

"Tulog na sila di na yun aakyat!"

"Martin!"

"Hays!"

Malalim na buntonghininga niya sabay higa sa kama habang nakalambitin yung dalawang paa sa kama at ginawa niyang unan yung dalawa niyang palad. Hinayaan ko na lang siya at nag-umpisa na kong mag impake ng dadalhin ko bukas.

"Wag ka ng umalis! Tawagan ko si Boss Helen mo na may kailangan kang tapusin under sa akin para iba na lang ipadala niya sa Panggasinan."

"Matin… diba sabi ko sayo wag mong gamitin ang posisyun mo bilang big client naming para impluwensyahan yung schedule at trabaho ko magka ibang bagay yun so please tigilan mo yan!"

"Pero gusto kitang makasama eh… miss na miss kita! Sige na!"

Sabi niya sakin at tumayo na sa pagkakahiga sa kama at mabilis akong niyakap sa likuran. Agad akong humarap sa kanya at hinawakan ko yung dalawa niyang balikat na bahagya ko pang hinaplos haplos para aluin siya.

"Bibilisan kong matapos dun para makabalik ako kagad tapos sa bahay mo na ko didiretso. Kaya tigilan mo na yang pagmamaktol mo at pumapangit ka!"

Pero sa halip na sumagot sa pang-aasar ko hinalikan niya ko ng torrid kiss. Pagkatapos ng halikan naming agad akong tumingin sa pintuan ng masigurado kong walang nakatingin agad ko siyang hinampas sa braso.

"BAD BOY!"

"I'm not a boy but I can make a boy!"

Seductive na sagot niya sa akin. Sabay smack uli sa labi ko.

"Ewan ko sayo!"

"Nasan na pala yung pasalubong ko sayo?"

"Nakalimutan kong iakyat. Kunin mo sa baba!"

Sumunod naman siya sa utos ko at tuluyang umalis.

Kaya nailigpit ko na rin yung mga underware ko na kanina ko pa nais ilagay sa bag ko.

Pagbalik niya tapos na rin akong magligpit at inaayos ko na yung higaan ko ng iniabot niya sa akin yung paper bag. Agad ko naman yung kinuha at umupo ako sa kama. Tumabi din sa akin si Martin at halatang exited sa pasalubong niya sa akin.

Pagbukas ko ng paper bag mayroon doong maliit na box na may nakataling pulang ribbon.

Sa unang tingin alam mon a kagad na jewelry ang laman nun kaya di ko binuksan at tiningnan ko siya.

"Buksan mo na!"

Pag-uudyok niya sa akin.

"Baka naman sobrang mahal nito? Di ko ito matatanggap!"

"Paano mo malalaman na mahal kung di mo pa nga binubuksan. Saka kahit mahal yan pasalubong ko yan sa iyo kaya bawal mong tanggihan."

Tuluyan ko ng binuksan yung regalo at doon tumambad sa akin ang isang chain bracelet na may nakasabit na mga Merlion.

"White Gold?"

Mahina kong sabi habang tinititigan yung bracelet na nakapatong sa box.

"Ang ganda di ba? Tinupad ko yung request mong dalhan kita ng merlion at madaming merlion yan!"

Sabi ni Martin sa akin habang dinampot niya bracelet at ikinabit sa kanang wrist ko na siyang may hawak ng box. Doon ko lang naalala yung biro ko sa kanya nung tanungin niya ko kung anong gusto kong pasalubong.

"Magkano 'to?"

Muli kong tanong kay Martin habang iniangat ko yung kamay ko para mapagmasdang mabuti yung pasalubong niya.

"Bagay sayo eh! Tagal kong inisip kong anong pasalubong ang dadalhin ko sayo buti na lang at nakita ko yan."

"Di ko ito matatanggap napaka mahal nito."

"Pasalubong ko yan sayo bakit di mo tatanggapin?"

"Pero Martin!"

"Walang pero-pero tapos ang usapan!"


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C80
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión