Descargar la aplicación
0.77% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 3: Stalker

Capítulo 3: Stalker

Habang naglalakad tiningnan ko yung paligid. Napakatahimik kahit kung tutuusin City na ang Laoag pero wala ng halos tao na naglalakad sa kalsada. Sabagay sinu nga ba namang lalabas ng eleven ng gabi maliban saking nagugutom.

"Hay naku!" Nasabi ko sa sarili ko para kasi akong timang Ano bang aasahan mo sa tao sa probinsiya na mas pipiliin pang matulog na lang kaysa maglakwatsa ng ganitong oras.

Patawid na ko sa kabila nang may pansin akong kasabay. Siya parin yung lalaki sa Van mukang parehas kami naghahanap ng makakainan. Naka suot parin siya ng itim cup at ganun parin ang suot niya naka suot ng itim na t-shirt at pantalon na maong at naka black ding rubber shoes.

Walang ibang customer sa seven eleven maliban saming dalawa. Agad akong lumapit sa counter para check kung anong rice meal nila pero sa kasawiang palad ubos na daw.

"Hays!" Napabuntong hininga nanaman paano mukang mauuwi nanaman ako nito sa cup noodles na kahapon ko pa kinakain. Paano kasi laging late na ko natatapos sa trabaho ko at di ako maka alis para bumili ng pagkain nung maaga pa.

Kaya walang choice kundi isang beef cupnoodles, iced tea drinks at asado siopao ang kinakain ko habang nakaupo sa loob ng store.

Nakatanaw ako sa kalsada habang kumakain binibilang ko yung sasakyan. Ito talaga mahirap pag bumabyahe ka mag isa, wala kang kasamang kumain, walang kausap para ka lang tanga.

"Hays!" Muli kong buntong hininga.

Bigla kong napansin na may umupo s banda kong kanan, nung tingnan ko siya uli yung lalaki at take note parehas kami ng kinakain cupnoodles din at siopao tubig nga lang pares niya. Parehas kaming walang choice. Bigla akong napailing habang nakangiti kasi napaso siya.

"Karma!" Usal ko.

Sinagot naman niya ako ng matalim na tingin kaya di ko na siya muling tiningnan.

Mabilis akong natapos kumain at iniligpit ko yung kalat ko na diniretso ko na sa basurahan. Muli kong sinipat yung lalaki di pa sya tapos kumain.

Muli akong namili kailangan ko para di na ko lalabas. Bumili ako ng tinapay, palaman at kape para almusal bukas. Kumuha rin ako mineral water saka mga tsitsirya pang tsitsa sinamahan ko narin ng chocolate bar pang refill ng energy.

Nakapila na uli ako sa counter ng mapansin ko yung lalaki na tumayo narin sa pwesto niya.

"Bale two hundred fifty seven pesos po lahat Ma'am!" Sabi ng cashier na ikinagulat ko panu nakatingin parin ako sa lalaki. Agad kong inabot yung five hundred para sa bayad na agad naman niyang kinuha habang naka ngiti. Mukang nahuli ako ng cashier na nakatingin sa lalaki. Bigla tuloy akong nahiya.

"Ito po sukli" Abot ng cashier kasama yung pinamili ko.

Agad akong umalis papuntang pinto at nang mapansin ko yung lalaki naka tayo sa may labas ng pintuan hawak-hawak yung cellphone mukang may ka text. Agad ko siyang nilagpasan at naglakad na ko papuntang Hotel pero naramdaman kong sumunod siya sa akin Siguro nasa dalawang dipa lang ang pagitan naming dalawa kasi rinig ko yung yabag niya.

Di ko na yun binigyang pansin kasi alam ko naman na sa iisang hotel lang kami naka check-in kaya hinayaan ko lang siya maganda nga rin yun may kasama akong maglakad. Gumamit lang ako ng hagdan paakyat sa second floor, exercise kahit di naman talaga ako nabusog sa kinain ko. Sa buffet ako kakain bukas pagkukumbinse ko sa sarili ko.

"Ewan ko nga lang kung may buffet dito sa Laoag." Muli kong sabi sa sarili ko.

Naka sunod parin yung lalaki sa akin nasa corridor na kami ng second floor. Pagtapat ko sa pinto ko napilitan akong lumingon sa kanya kasi nga naglalakad din siya papunta sa direksyon ko.

Agad kunot ang noo ko nung makita kong papalapit na siya sa akin.

"Di kaya siya stalker?" Sabi ko isip.

"Parang di naman!" Agad ko ding bawi.

"Eh, bakit kanina pa siya sunod ng sunod?"

"Baka may gusto sakin?"

"Weh.. parang di naman kasi kung may gusto sayo di sana hinayaan ka niyang matulog sa balikat niya."

"Oo nga naman!" Bawi ng utak ko

"Ano ba yang iniisip ko para akong tanga!" Huling conclusion ko.

Pero laking gulat ko ng huminto siya sa harap ko. Muli kaming nagtapat na dalawa at parehas din kami nagkatingin sa muka ng isat-isa.

"Thump... thump...!" Tibok ng puso ko dibdid ko.

"Sasakalin niya ba ako?"

"Baka reypen niya ko?"

"O kaya patayin niya ko!" Kung ano-ano ng pumapasok sa utak ko habang nakatayo ako sa harap niya. Paano naka tingin lang siya sa akin at walang sinasabi.

Maya-maya bigla siyang tumagilid sa akin at binuksan yung pinto sa gilid.

"Akalain mo may pinto pala dun di ko napansin." Sabi uli ng utak ko.

Di ko tuloy mapigilang kaltukan yung ulo ko.

"Tanga!" Usal ko.

"CRAZY!" Sambit niya at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya.

Biglang namula ung pisngi ko dahil sa sinabi niya at natawa narin paano ba naman sinabihan niya kong baliw sabagay para talaga akong baliw dahil sa pinag iisip ko.

"Haha... haha! Di ko napigilang mapahalakhak.

"Silly me!"

Pumasok na ko sa kwarto pero napapailing parin ako sa sarili ko. Pinatong ko yung pinamili ko sa maliit na lamesa. Agad na kumuha ng damit pang tulog sa maleta kailangan kong maghalf-bath nanglalagkit na yung katawan ko sa biyahe. Agad kong hinubat yung cardigan kong suot, sunod ang pantalon at itim na t-shirt. Naka panty at bra nalang ako ng abutin ko yung tualya na nakapatong sa kama at cellphone na hinagis ko kanina pag pasok ko ng kwarto.

Agad akong pumasok sa CR. Nagpatugtog ako ng cellphone ng dance music. Habang nagtatangal ng panty at bra. Inayos ko yung pagkakatali ng buhok ko ng bum para di mabasa ng tubig. Agad kong itinapat yung pagod kong katawan sa shower.

"Sarap...!" Nasambit ko habang nakapikit pero di ko maiwasan maisip uli yung lalaki kanina.

Kayumangi yung balat niya, matangos yung ilong yung matang singkit malamang nasa six footer siya at ma-muscle na katawan kasi body fit yung suot niyang t-shirt at wala akong makitang tiyan doon at ang mga braso ang titigas.

"Akala ko ba pangit!" Sabi ng devil side ko.

"Hindi guapo eh, parang Richard Gomez!" Sabi ng angel ko naman.

"Bakla yun!" Banat uli ng devil.

"Parang di naman!" Sabi ng angel.

"Ewan ko sa inyo!" Sagot ko habang sinasabon ko yung muka ko.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C3
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión