Descargar la aplicación
22.72% Fell in love with a Killer / Chapter 10: KUROS ASSASSINS II

Capítulo 10: KUROS ASSASSINS II

Cassandra's Pov...

Kanina pa talaga ako naiinis kay Ranzel,nagmamaneho tapos ang daldaldal paano kaya kung maaksidente kami edi bibili na naman si master ng panibagong motor.

Nang malapit na kami sa gate ng base ay nakita ko yung babaeng dinadala ni assisstant master Adam at sumisilip sya sa loob.Ayaw pa sana nyang pumasok pero wala na syang nagawa ng buhatin ko sya pero grabe ha nahirapan ako dahil lumalaban sya pero wala na syang nagawa ng pinaandar ko na yung motor.

Tawa ng tawa si Ranzel dahil sa ginawa ko kasi sumisigaw pa si Miss Heidi eh.Napatigil kami ng biglang sumigaw si Gian...

"Sandali!"

Heidi's Pov..

Tumigil sa pagmamaneho yung babae dahil sa pagsigaw ni Gian at pagtingin ko ay nagtatanguan na lang sila at maya maya ay pinatakbo na naman nung babae yung motor ng mas mabilis pa sa kanina eh medyo malayo pa yung templo dito.Biglang pinreno ng babae yung motor at pagtingin ko ay nasa likod kami ng templo pero medyo malayo pa.Bumaba si Gian at yung isa pang babae sa mga motor nila at may nilabas na mga maliliit na parang kutsilyo pero kakaiba yung itsura medyo mataba sya at may benda.Sabay nilang binuksan yung upuan ng motor at nagulat ako sa nakita ko,may katana hindi lang isa kundi iba iba.Nagtinginan si Gian at yung isa pang babae at nagtanguan at sabay na sumugod sa dinaanan namin kanina.Yung babaeng nagbuhat sa akin ay nakaupo lang at pinakikiramdaman ang paligid.

Napakatahimik pa rin ng paligid hanggang sa may mga inda na akong narinig mula sa kinaroroonan nila,hindi kaya..pero lalaki yung boses na naririnig ko.Nakinig lang muna akong mabuti at may naririnig na naman ako pero hindi na inda kundi tawa.

Gian's pov...

"Hahahaha napakaganda ng dugo sige maglabas pa kayo hahaha"kung hindi ko kilala itong si dugo aakalain kong baliw ito,pinaglalaruan ba naman ang mga katawan ng mga natapos nya."Tumigil ka na dyan sa paglalaro mo marami pa tayong tatapusin at gusto ko ng magpahinga"hindi lang nya ako pinansin,ah oo nga pala nakalimutan kong lumalaban pa nga pala ako.

Pagkalingon ko sa gilid ko ay may nakahanda ng katana para sa akin pero mabilis ko iyong naiwasan at mabilis ko lang syang nabato ng kunai sa ulo.Hindi nyo maasahan si Amasona dito dahil hindi naman sya galit at mayroon pa syang binabantayan.Nabubwisit na ako.

Dahil nabubwisit na ako ay inilabas ko na lahat ng kunai na mayroon ako at binato paikot sa paligid ko at napatumba ko silang kaagad.

Pagtingin ko kay dugo ay hindi talaga natitinag pinaglalaruan nya pa rin yung katawang tinapos nya pero may umaatake sa kanya at walang hirap lang nya silang nahihiwa ng katana kaya ayan dahil mukhang napabayaan nya ay pinalibutan na sya.Lalapit na sana ako ng ngumiti sya ng kakaiba at sinabing.

"Gusto nyo rin bang maging laruan ko hahahaha"Pagkasabi nya nun ay hinugot nya yung isa pang katana at iwinasiwas iyon sa kanyang dinaraanan at mabilis nyang natapos lahat ng mga kalaban ng nakangiti.No wonder tinawag syang smiling demon.

Pagkatapos matumba ng panghuling natapos nya ay tiningnan ko ang crest na suot nila at tama ako,mukhang alam na ng Jin clan na sila na ang isusunod namin.Shit,isang clan pa nga lang inabot na kami ng tatlong taon.Kailan pa kaya matatapos ang mga bagay na ito pinikit ko ang mata ng katawan na nasa harap ko at tiningnan si Dugo pero mukhang nagpipiyesta sya sa ginagawa nya.

"HAHAHAHA ang daming dugo more more"ngayon alam nyo na ang isa pang dahilan kung bakit ganon ang tawag ko sa kanya."Tumigil ka na dyan at kailangan pa nating magreport kay master tungkol dito,at para narin malinis na ito."

Heidi's Pov...

Nasisindak ako sa mga indang naririg ko kanina at ngayon napakatahimik naman.Gumalaw yung isang halaman kung nasaan nagpunta yung dalawa mukhang sila na iyan.Pagkalabas nila ay nagulat ako sa nakita ko.Na..napakaraming dugo sa kamay at katawan nung isang babae kaya napayuko ako."Nabaliw ka na naman Ranzel ano?Tingnan mo natrauma mo tuloy si Miss Heidi,at wag mong aasahang ako ang maglalaba ng damit mong iyan.Tiningnan nya ang sarili nya at nagulat din sya sa kinahantungan ng damit nya."Omygod napasobra na naman ako nakakainis favorite ko pa naman itong damit na ito.Cass *hik hik* anong gagawin ko ito nga yung gagamitin ko pag inaya ako ni crush eh"Ano?yun lang ang masasabi nya kung may dugo ibig sabihin pu..pumatay sila..at sa likod ng mga halaman na iyan ay puro...

Napahawak na lang ako sa motor at medyo nahihilo ako sa mga pinag iisip ko.Pero kasi totoo yun eh.

*Pak*Tiningnan ko kung saan galing yung tunog at nakita kong nakahawak yung babaeng may dugo sa damit at kamay sa batok nya at parang nagpapa awa sa nagbuhat sa akin kanina."Sinabing hindi ka nun aayain eh,bakit ba napakakulit mo ha?"sumimangot lang yung babae"Grabe ka talaga hindi mo naman ako kailangang batukan eh"

"Tayo na at wag ka ng masyadong maingay at baka magalit na talaga sa atin Si Adam Sensei"nanigas ako sa pangalang sinambit nya at naalala ko na ang dahilan kung bakit ako nagsisisigaw kanina na ibaba ako.Yun ay..dahil ayokong makita si Adam."Um pwede na ba akong umalis?"dahil sa tanong ko ay napansin na nila ako."No no diba may kailangan ka kay Adam sensei kaya kailangan mong pumasok sa temple"wa..wala naman akong kailangan ah,may ibibigay meron pero wala akong kailangan sa Killer na iyon at pati na rin sa mga killer na ito."Hello hehe ako nga pala si Ranzel Delos Santos isa ako sa kuro's assassins at kilala sa pangalang smiling demon hehe nice to meet you Ms.Heidi sorry kung medyo late kasi ayaw akong palapitin sa iyo ng babaeng ito eh."sabay turo dun sa isa pang babae na kinakausap si Gian.Pero huhu bakit nya ako hinawakan puro sya dugo eh.

*Pak*

Narinig ko na naman yung tunog na iyon at alam kong nabatukan na naman si Ms.Ranzel.

"Sorry Ms.Heidi nababaliw na kasi ito eh,by the way I'm Cassandra Hyphens also one of kuro's assassin and the Angry Demon and She's Gisselle Anne Kaneshiro sya ang leader namin na mas kilala bilang Emotionles demon."puro may demonyo yung tawag sa kanila at medyo alam ko kung bakit..

"So tara na"bumalik na naman yung naalala ko kanina,please gusto ko na talagang umalis dito.huhu.tatakbo na sana ako ng mabuhat na naman ako nung Cassandra at pinaupo sa motor nya.Alam nyo na ang mangyayari syempre pinahaharurot na naman nya..

Namen oh napakamalas ko naman....

A Suivre...


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C10
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión