Chapter 1169: Masisira ang Sarili Kapag Patuloy Gumagawa ng Masama (10)
"Love isn't something to be said, it's something to be made."
"Fine, panalo ka na." Tinakpan ni Huo Mian ang mukha niya, handang magmakaawa sa harap niya.
Ginawang bastos ni Qin Chu ang confession of love niya.
"Pero back to business, kinausap ka ba ni Mom tungkol kay Huo Zhenghai?" tanong ni Qin Chu.
Masaya, sumagot si Huo Mian, "Huy, not bad… tinawag mo siyang 'mom'. Ang galing talaga ng pera, binigyan ka ng mom ko ng 20,000 yuan."
Hindi nakaimik si Qin Chu. "Hindi na ba tayo pwedeng mag-usap nang maayos?"
"Pwede, haha, oo, kinausap ako ni mom tungkol kay Huo Zhenghai. Pinagsamantalahan na naman niya yung nanay ko. Muntik na siya maloko ulit."
"Ano sabi mo sa nanay mo? Sana hindi ka masyadong naging harsh, malulungkot siya masyado," sabi ni Qin Chu, ayaw niya sanang malungkot si Yang Meirong.