Chapter 1079: Kasal ni Xiaowei(20)
Dumalo rin si Song Yishi sa kasal nina Wei Liao at Jiang Xiaowei. Noong una ay ayaw niyang pumunta pero pinilit siya ng nanay niya dahil prestihiyoso ang Wei Family sa syudad nila at kailangan nilang panatilihin ang maganda relasyon sa kanila. Kahit na ang tatay ni Song Yishi ang mayor ng C City, nakadugtong ang estado niya sa mga local moguls.
Ang totoo, may galit si Song Yishi kay Jiang Xiaowei dahil mahigit isang beses na siyang pinahiya siya nito… at sa tuwing mapapahiya siya ay wala siyang tsansa para lumaban.
Gayunpaman ay matapos niyang pag-isipan, nagpasyang dumalo si Song Yishi. Isa pa, pagkatapos ng kanilang Weibo exchange, maraming fans ang nagaakalang matalik silang magkaibigan. Nagpapanggap siyang isang lady kaya hindi niya harap-harapang hihiyain ang isang tao sa publiko.