Chapter 850: Mabuhay Bilang Lalaki (1)
Ang lalaking puno ng tattoo ay sanggano lang sa mga kalye; ngayon lang siya nakakita ng ganito, at bumigay agad ang mga paa niya…
Kinuha ni Huo Mian ang pagkakataon para tumakbo kay Zhixin at tulungan siya.
Tinutok ni Qin Chu ang baril sa lalaking puno ng tattoo, mas malamig pa lalo ang ekspresyon niya…
"Boss… nabaril ka!" Takot na takot ang mga alagad ng lalaki.
"Bakit nakatayo lang kayo diyan? Dalhin niyo ako sa ospital!"
Tumakbo ang lalaking puno ng tattoo at ang 6 o 7 niyang mga alagad, takot na takot. Hindi sila hinabol ni Qin Chu.
Ito ay dahil pagkababa nila, nandoon si Gao Ran para batiin sila…
Tungkol naman sa gunshot wound, alam ni Gao Ran kung paano ito gamutin.
"Zhixin, okay ka lang?" Nalungkot si Huo Mian para sa kapatid niya.
"Sis… please, paki-check si Yue para sakin." Bugbog sarado si Jing Zhixin, pero nag-aalala pa rin siya kay Huang Yue.