"Ano pang hinihintay mo? Ipasok mo na ang catheter. Bilisan mo, sasalinan ko na siya ng dugo."
"Um, pero alam mo na ba ang blood type ng pasyente?" Tanong ni Huang Yue, hindi niya kasi alam ang gagawin. Sa loob-loob niya kasi, bakante siya , dahil ang operasyon na ito ay sobrang mapanganib. Hindi lahat ng lugar ay gumagawa ng operasyon na ganito, dahil pwede na nilang patayin ang kanilang mga sarili kapag may masamang nangyari.
"Tiningnan ko na, AB-type ang dugo niya. Naglabas na rin ako mga blood bags galing sa blood bank," kalmadong sabi ni Huo Mian.
"Mian, sabihin mo nga sakin ang hindi mo alam. Paano mo kasi alam ang lahat?"
Sobrang nagugulantang sa mga pangyayari si Huang Yue at gusto na niya maiyak. Kilala niya si Huo Mian nang higit sa isang taon, pero sa mga pagkakataong ganito, ang pangkaraniwan na si Mian ay nagiging isang tao na kaya gawin ang lahat, katulad ni Wonder Woman.