Tinitigan ni Lin Wei ang natutulog na itsura ni Chen Yang, at habang
tumatagal, ay lalo niya lang nararamdaman kung gaano niya ito kamahal.
Ito ang lalaking na'love at first sight siya, pero ang nakakalungkot lang ay
kasal na ito sa isang napaka ganda at napaka taas na babae.
Medyo matagal niya ring inilihim ang nararamdaman niya para kay Chen
Yang. Hindi sa hindi niya pinangarap na magkaroon sila ng relasyon, pero
siguro dahil ayaw niya lang maging makasarili lalo na alam niyang wala
siyang pinanghahawakan.
Kaya ngayon na nasa harapan niya na ito, pakiramdam niya ay para siyang
nasa isang sobrang magandang panaginip.
Pakalipas ng halos sampung minuto, dahan-dahan niyang hinaplos ang
mukha nito, pero nang sdandaling dumampi ang kanyang mga baliri sa balat
nito, bigla itong gumalaw kaya dali-dali siyang napaatras.
Pinagmasdan niyang maigi ang sunod nitong galaw at nang makumpirma na
natutulog pa rin ito ng mahimbing, buong tapang siyang yumuko para halikan
ang mga labi nito.
Oo, kailangan ng tapang para magawa ito.
Kahit na alam niyang drinoga si Chen Yang ng sarili nitong asawa, at hindi
niya na kailangan pang pwersahin ito para magawa niya ang mga gusto
niyang mangyari, kailangan pa rin ng tapang at sapat na lakas ng loob.
Nag ilang pulgada nalang ang layo ng mga labi nila, biglang bumilis ang tibok
ng puso ni Lin Wei kaya napahawak siya ng mahigpit sa kumot na nasa tabi
ni Chen Yang at pumikit. Habang papalapit ng papalapit, kitang-kita
nananginginig ang kanyang mga pilikmata.
Nang malapit na malapit na ang kanilang mga labi, naramdaman ni Lin Wei
ang init ng katawan ni Chen Yang, pero noong saktong lalapat na sana ang
kanyang mga labi sa mga labi nito, si Chen Yang, na hinang hina, ay bigla
siyang itinulak papalayo ng sobrang lakas.
Kaya literal na tumilapon siya palabas ng kama at napaupo sa sahig.
Pinilit ni Chen Yang na tumayo at naglakad siya papunta sa CR. Nilock niya
ang pintuan at hindi nagtagal, nabalot ang buong kwarto ng tunog galing sa
shower.
Pagkalipas ng halos dalawang oras, muling nagbukas ang pintuan ng CR,
kaya si Lin Wei na nakaluhod pa rin sa sahig, ay dali-daling tumingin. Noong
sandaling 'yun, nakita niyang lumabas ang bagong ligo na Chen Yang na galit
na galit na lumabas.
Huminto ito ng medyo may kalayuan sa pwesto niya, at nakatitig lang
sakanya na para bang kinukwestyon siya nito kung ano ba talagang nangyari.
Kahit na hindi naman si Lin Wei ang nagplano ng lahat, siya pa rin ang nahuli
ni Chen Yang kaya nanginginig siya sa sobrang takot, na bandang huli ay
nauwi siya sa pagiyak.
Pero nanatiling tahimik si Chen Yang habang hinihintay siya nitong
magpaliwanag.
At dahil ipit na ipit na siya, hindi na kinaya ni Lin Wei ang tensyon at
nanginginig siyang umamin, "Brother Chen Yang, patawarin mo ako… Si Miss
Qiao ang nagpapunta sa akin dito… Nagkita na rin kami dati…"
Pagkatapos maligo ng malamig na tubig, tuluyan ng nawala sa sistema ni
Chen Yang ang epekto ng drogang pinainom sakanya ni Qiao Anxia. Sa totoo
lang, kinutuban na siya sa nangyari, at kagaya ng inamin ni Lin Wei, tama
nga siya, kaya hindi niya galit na galit siya.
Galit na galit siya dahil hindi niya maintindihan kung bakit ang babaeng
minahal niya ng sobra sa loob ng walong taon ay bigla nalang siyang
ipapamigay sa ibang babae!
"Drinoga niya ako at pinapunta ka niya rito? At talagang pumunta ka naman?"
Bakas sa boses ni Chen Yang ang sobrang galit na nagpakilabot kay Lin Wei.
Dahil dito, dali-dali siyang yumuko at wala ng nagawa kundi umiyak ng
malakas.
Dismayadong tumingin si Chen Yang sa bintana. Hindi nagtagal,
nahimasmasan siya at naisip na hindi naman talaga dapat siya magalit kay
Lin Wei, kaya huminga siya ng malalim at muling tumingin dito. "Ano pang
sinabi niya sayo?"
"Sabi niya sa akin, alagaan daw kita kasi hindi ka raw niya kayang bigyan ng
kumpletong pamilya at wala raw siyang ibang gustong mangyari kundi ang
maging masaya ka kaya ibinilin ka niya sakin." Humihikbing sagot ni Lin Wei.
Mula noong araw na nagkita sila ni Qiao Anxia, hindi na mapalagay si Lin
Wei, pero nang makita niya si Chen Yang na mahimbing na natutulog, bigla
siyang kumalma.
Hindi nakapagsalita si Chen Yang. Alam niyang ginawa ito ni Qiao Anxia dahil
nanaman sa issue ng pagkakaroon ng anak, pero kahit na ganun, hindi niya
pa nagagalit pa rin siya dahil hindi niya matanggap na para lang magkaroon
siya ng anak ay iiwanan siya nito?
"Sinabi niya sakin lahat ng ginagawa mo sa araw-araw, sabi niya hindi ka raw
umiinom ng gatas at kumakain ng mamantika sa gabi, paborito mo raw ang
karne ng Dongpo…
"Tsaka…sinabi niya sakin na sa buhay daw ng isnag tao, hindi lang laging
tungkol sa pagmamahal. Sabi niya sakin… karapatan mo raw na magkaroon
ng isang perpektong pamilya… Ilang taon na rin daw ang nasayang niya sayo
at ayaw niya na raw na magdusa ka ng mas matagal."
Pagkatapos sabihin ni Lin Wei ang lahat ng sinabi sakanya ni Qiao Anxia,
dali-dali siyang tumingin kay Chen Yang, "Baka umalis na si Miss Qiao
ngayong gabi…"
Pero bago pa siya matapos sa pagsasalita, biglang kumunot ang noo ni Chen
Yang at nagmamadaling tinignan ang orasan. Hindi nagtagal, kumaripas ito
ng takbo palabas ng hotel.
-
Sobrang tagal na umiyak ni Qiao Anxia at noong sandaling kumalma na siya,
tinignan niya ang orasan. Dalawang oras na mula noong umalis siya sa hotel,
at sa mga oras na ito siguradong may nangyari na kina Chen Yang at Lin
Wei….
Dahil dito, muli nanamang sumakit ang puso niya.
Isa na siguro sa pinaka masakit na pwedeng maramdaman ng isang tao ay
yung siya mismo ang maghatid sa taong mahal niya sa iba tao.
Aminado siyang madamot siyang tao, pero para sa kapakanan ni Chen Yang,
handa siyang magsakripisyo.
Pinunasan ni Qiao Anxia ang namamaga niyang mga mata at naglakad
papunta sa kwarto para mag'ayos ng gamit. Habang nageempake, muli
nanamang bumuhos ang mga luha niya.
Nang masigurong wala na siyang nakalimutan, inilapag niya sa lamesa ang
divorce papers na inihanda niya noong mga nakaraang araw, at gamit ang
isang ballpen, puno ng pagaalinlangan niya itong pinirmahan. Noong oras na
'yun, ang luha na pinipilit niyang pigilan ay muli nanamang bumuhos.
Pagkatapos, dali-dali niyang tinakpan ang ballpen at noong ilalapag niya na
ito sa lamesa, biglang nagbukas ng malakas ang pintuan.
Kaya bigla siyang napatingin at bumungad sakanya ang basang-basang Chen
Yang na nakatayo sa may pintuan.
Literal na nanigas siya sa kanyang pwesto pero bago pa man din siya
makapagsalita, bigla itong naglakad papalapit sakanya at kinuha ang
pinirmahan niyang divorce papers. Kitang-kitang niya sa mga mata nito ang
sobrang galit at hindi pan din niya napoproseso ang mga nangyayari, bigla
nitong pinagpupunit ang mga papel at itinapon sa mukha niya.
Kahit na magaan lang ang mga papel, nasaktan pa rin si Qiao Anxia sa
sobrang lakas ng pagkakabato ni Chen Yang.
Sa sobrang galit, tinuro ni Chen Yang ang asawa pero wala ni isang salita
ang lumabas mula sakanyang bibig. Bandang huli, sinilip niya ang kwarto at
nang makita niya ang mga maletang hinanda ni Qiao Anxia, muli nanaman
siyang nag'init sa galit at pinagsisipa ito ng sobrang lakas.
"Qiao Anxia, ikaw…" Pinilit ni Chen Yang kumalma dahil ayaw niyang
magbitaw ng masakit na salita lalo na para kay Qiao Anxia. Nagpatuloy siya
sa paglalakad, at pagkarating niya sa coffee table, may nakita siyang isang
malaking garbage bag na punong puno ng iba't-ibang klase ng bote.
Dahil dito, bigla siyang napakunot. Dali-dali niyang binuksan ang bag at
tumambad sakanya ang iba't-ibang klase ng gamot. Chinese… Western…
lahat ay gamot para sa matris at pampabuntis.
Tandang-tanda niya na ilang taon na rin ang lumipas mula noong pinatigil
niya itong uminom ng mga gamot. Siya nga mismo ang nagtapon ng mga ito,
pero bakit sobrang dami pa rin… Ngayon, naiintindihan na ni Chen Yang ang
lahat. Ibig sabihin, sa lahat ng taong lumipas, pinipilit pa rin ni Qiao Anxia na
makabuo, tama?
Ilang beses niya ng sinabi na masaya na siya kahit wala silang anak.
Kahit na mahilig siya sa mga bata, wala siyang pakielam kahit hindi siya
magkaroon ng sarili niya.
Pero hindi niya naman naisip na hindi pala ganun ang nararamdaman ng
asawa niya, sa puntong para na itong mababaliw sa sobrang
pagkadesperadong mabigyan siya ng anak.
Ilang minuto rin siyang nakatitig sa bag na punong-puno ng mga gamot bago
siya maglakad papalapit kay Qiao Anxia. Hinila niya ito at niyakap ng
mahigpit. "Xia Xia, wag mo 'tong uulitin, pwede ba?"
Sa pagpkakataong ito, muli nanamang umiyak si Qiao Anxia.
"Chen Yang, ayoko naman talagang iwanan ka, pero ayoko ring…"
"Alam ko, alam ko…" Habang nagsasalita, lalong hinigpitan ni Chen Yang ang
pagkakayakap sa asawa. "Pero wala akong pakielam. Alam mo ba? Mas
gusto kitang makasama kaysa magkaroon ng mga anak."
-
Pagkalipas ng kalahating taon, pasko nanaman.
"Chen Yang, hindi pa tayo manunuod ng fireworks? Bakit nandito tayo?"
Nagtatakang tanong ni Qiao Anxia habang nakatingin sa isang sira-sirang
bahay.
Hindi sumagot si Chen Yang at ngumiti lang saknya. Inalis nito ang seatbelt
nito at pinagbuksan siya ng pintuan. Habang hawak ang kanyang kamay,
sabay silang naglakad papasok sa bahay.
Halata sa itsura at amoy ng bahay na matanda na ito.
Hindi talaga maintindihan ni Qiao Anxia kung anong nangyayari pero
hinayaan niyang hilain siya ni Chen Yang papasok sa isang kwarto.
Sa loob, may isang batang lalaki na base sa pagkakatantsa niya ay nasa
walong taong gulang na-maputi ang balat nito at medyo mukhang babae.
"Chen Yang?" Naguguluhang tanong ni Qiao Anxia. Noong sandali ring iyon,
kumaway si Chen Yang sa batang lalaki, na naglakad papalapit sakanila at
magalang na yumuko. Dahan-dahang binitawan ni Chen Yang ang kanyang
kamay para lumuhod at hawakan ang balikat ng batang lalaki. Hindi nagtagal,
itinuro siya nito at malambing na nagsalita, "Gusto mo bang sumama samin.
Ako ang magiging papa mo at siya naman ang magiging mama mo."