"Lahat kami may mga anak na, ikaw nalang ata ang wala…. Wala ka bang
balak na humabol samin?" Habang nasa kalagitnaan ng tuksuhan, isang
kaibigan ni Chen Yang, na mas bata ng isang taon, ang dali-daling
tinungga ang beer na laman ng hawak nitong baso at tumingin kay Qiao
Anxia, "Sis, maganda ka at gwapo rin si Chen Yang kaya walang duda na
magandang lahi ang kalalabasan ng mga magiging anak niyo. Kung
magbubuntis ka ngayon, next year sainyo naman kami makikicelebrate."
'Magiging anak ninyo…. Kung magbubuntis… Ngayon….' Ang mga salitang
ito ay parang matatalas na kutsilyong galit na galit na tumarak sa puso ni
Qiao Anxia. Sa anggulong hindi nakikita ng lahat, nanginginig niyang
ikinuyom ang kanyang mga kamay, na sa sobrang diin ay halos bumaon na
ang kanyang mga kuko sakanyang mga palad. Pero dahil ayaw niyang
mapahiya si Chen Yang sa harap ng mga kaibigan nito, pinilit niya pa ring
ngumiti at magpanggap na normal lang ang lahat.
Ngunit sa tagal na nilang nagsasama, imposibleng hindi ito maramdaman
ni Chen Yang, na nakaakbay sakanya, kaya dali-dali itong sumabat para
maiba ang usapan. "Tama na nga yan. Bakit hindi nalang natin pagusapan
ang asawa mo? Diba kanina ka pa nagdadrama sa WeChat?"
Dahil dito, napabuntong hininga nalang ang kaibigan ni Chen Yang at
umiling. "Ano pa nga bang magagawa ko? Siguro totoo nga ang tinatawag
nilang 'seven- years-curse'. Wala na kaming ibang ginawa kundi mag-away
ng mag-away…. Pero alam mo ba? Sa tuwing naiisip kong maghihiwalay
kami, parang mababaliw ako sa sobrang lungkot…
Lahat ng dumalo sa party ay pamilyado na, at ang pinaka maagang nag-
asawa ay may anak na nagaaral sa elementarya, kaya nang sandaling
maumpisahan ang usapin tungkol sa away magasawa, maraming
nakarelate, na naging magandang oportunidad din kay Qiao Anxia para
makaiwas sa nakakailang na tanong. Dahil dito, bigla siyang nakahinga ng
maluwag at napayuko nalang habang nakatitig sa hawak niyang wineglass.
Mula noong ikasal sila, palaging idinadahilan ni Chen Yang sa lahat ng
nagtatanong sakanila, tungkol sa pagkakaroon ng anak, na ayaw nito sa
mga bata at kahit kailan ay hindi nito sinabi sa kahit kanino ang tungkol sa
pagiging baog niya dahil ayaw nitong mapahiya at malungkoty siya. Sa
totoo lang, sinubukan naman talaga nila… Pero sa kabila ng hindi na
mabilang na mga gamot at paraan na sinubukan nila, hindi talaga siya
mabuntis-buntis, kaya unti-unti, ang kapiranggot na pag-asang natira
sakanya noong nalaman niyang baka may tsansa pa ay nawawala na rin.
Habang nasa party, ilang kaibigan ni Chen Yang ang lumapit sakanya para
tanuningin siya kung bakit ayaw niya sa mga bata, at sa tuwing
mangyayari ito ay may hindi maipaliwanag na lungkot at konsensya siyang
naramdaman, na para bang sobrang laki ng kasalanang nagawa niya kay
Chen Yang.
-
Alas kwatro na ng hapon noong nakauwi sila galing sa party, at dahil
lasing na lasing si Chen Yang, si Qiao Anxia nalang ang nagmaneho.
Mukhang sobrang saya nito, dahil pagkapasok na pagkapasok palang nila
sa kwarto ay walang tigil na itong sumisigaw ng "Asawa ko, Xia Xia", na
hindi nagtagal ay hinalikan na siya hanggang sa natuloy na ang 'sexy
time', na tinanggihan niya kagabi.
Pagkatapos nila, nakatulog na ng mahimbing si Chen Yang. Sa tuwing
magsesex sila, hindi nakakalimutan ni Qiao Anxia na sundin ang posisyon
na nakita niya sa internet sa pagbabakasakaling baka mabuntis pa siya.
Pagkalipas ng kulang-kulang kalahating oras, biglang nagring ang phone
ni Chen Yang, at nang sandaling silipin ito ni Qiao Anxia, nakita niya ang
pangalang "Lin Wei".
Kilala niya kung sino si Lin Wei… Isa ito sa mga bagong artista ng Huan
Ying Entertainment na minsan na ring nakasama ni Chen Yang sa isang
pelikula, at kahit na ilang segundo lang itong nakita sa screen, tumatak na
ito sa isip niya.
Dahil bilang babae, alam niyang may gusto ito kay Chen Yang, kaya kahit
alam ng lahat na mag-asawa na sila, ay pinipilit pa rin nitong dumikit sa
asawa niya.
Kung may isang bagay sa mundo na sobrang sigurado siya, siguro ay yun
ay yung mahal na mahal siya ni Chen Yang, kaya sa totoo lang, hindi siya
natatakot na baka lokohin siya nito.
Pero nang makita niya ang pangalan ni Lin Wei sa screen ng phone nito,
bigla niyang hininaan ang volume at kinancel ang tawag.
Pagkatapos, dahan-dahan siyang tumabi kay Chen Yang para umidlip.
Hindi nagtagal, gumising rin siya kaagad ng mga bandang alas sais, pero
sa mga oras na ito, mahimbing pa ring natutulog si Chen Yang, kaya
bumaba muna siya sa kusina para magluto ng gabihan nila. At sakto, may
biglang tumawag sakanya.