"Sa tatlong taon natin bilang mag'asawa, lagi mo kong tinatratong parang
prinsesa, pero ngayon na may sakit ka, hindi man lang kita maalagaan. Ang
pangit kong maging asawa diba?"
"Ngayon na sinasabi mo yan, pangit ka nga." Walang tutol na sagot ni Lu
Jinnian.
Aminado naman si Qiao Anhao na wala talaga siyang alam na gawaing bahay,
pero hindi niya maintindihan kung bakit ito sumang'ayon sakanya, kaya parang
bata, bigla niya itong tinignan ng masama.
Nang makita ito ni Lu Jinnian, natawa nalang ito at hinimas ang pisngi niya
bago siya yakapin nito ng mahigpit. "Pero gusto ko yang pagiging pangit mong
asawa, pakiramdam ko kasi kapag ganyan ka, hindi mo ako iiwanan."
At dahil sa mga salitang ito, ang nakokonsensyang puso ni Qiao Anhao ay
biglang napuno ng magkahalong saya at kilig.
Bago magpatuloy, magingat na hinimas ni Lu Jinnian ang buhok ni Qiao Anhao
at dahan-dahang pumikit. "Hindi naman ako umaasang aalagaan mo ako, basta
hayaan mo lang akong mahalin ka, masaya na 'ko."
Hindi nagsalita si Qiao Anhao pero niyakap niya lang ng mahigpit si Lu Jinnian.
Ang sabi ng matatanda, ang love daw ay may expiration date kaya darating at
darating daw ang punto na mag-aaway ang mga mag-asawa, pero sa awa ng
Diyos, sa tatlong taon nila ni Lu Jinnian, kahit kailan ay hindi pa sila nag'away
at sa totoo pa nga ay, sa paglipas ng mga araw, parang lalo pa silang nagiging
sweet sa isa't-isa.
At three ago man o three years later, naniniwala siyang mananatili silang
ganito… naguumapaw sa saya at pagmamahal…
Kaya ano pa bang mahihiling nila?
"Lu Jinnian, bakit kaya mahal na mahal kita?"
"Talaga?" Dahil lang sa isang napaka simpleng linyang binitawan ni Qiao
Anhao, pakiramdam ni Lu Jinnian ay parang biglang nawala ang sakit niya,
"Qiao Anhao, nalilito rin ako eh, bakit kaya mahal na mahal kita!"
-
May usapan sina Qiao Anhao at Xhao Meng ngayong araw.
Alas sais na ng gabi noong natapos ang meeting ni Lu Jinnian, saktong sakto
sa paghihiwalay nina Qiao Anhao at Zhao Meng, kaya nagkasundo silang
magkita nalang.
Hindi na pumasok si Lu Jinnian sa underground parking at hinintay nalang si
Qiao Anhao sa kabilang gilid ng kalsada, at dahil hindi naman ganun kalawak
ang tatawarin, bumaba nalang siya ng sasakyan para salubungin ito.
Pero noong malapit na ito sakanya, biglang nagring ang phone nito. Sa totoo
lang, hindi niya alam kung anong pumasok sa isip nito bakit nito kinuha, pero
dahil dito, hindi nito namalayan ang paparating na motor, pero buti nalang
mabilis niya itong nahila.
"Qiao Anhao! Bakit ba nagphophone ka habang tumatawid? Alam mo ba kung
gaano ka'delikado yang ginagawa mo! Paano kung nasagasaan ka?"
Alam naman ni Qiao Anhao na mali siya, kaya hindi na siya sumagot, bagkus,
malambing niyang hinawakan ang kamay ni Lu Jinnian, pero sa sobrang inis,
hinawi lang siya nito. Ilang beses niya itong sinubukang hawakan pero paulit-
ulit lang din ang ginagawa nito, kaya bandang huli, hindi na siya nagpumilit at
malambing nalang na sinabi, "Nagiging lampa lang naman ako pag kasama kita
eh."
'Tsk… kuhang kuha mo talaga ang kiliti ko…' Sapat na ang simpleng linyang
binitawan ni Qiao Anhao para mapawi ang inis ni Lu Jinnian, kaya kahit medyo
nakasimangot pa rin siya, siya na mismo ang humawak ng kamay nito
hanggang sa makarating sila sasakyan.
Nagiging lampa lang naman ako kapag kasama kita eh…
Kasi naniniwala akong kaya mo akong protektahan…
Sixteen years ago, minahal kita at minahal mo rin ako, pero pareho tayong
natakot na umamin.
Sixteen years later, mag'asawa na tayo. Sa tuwing gumigising ako sa umaga,
ikaw ang una kong nakikita, at gusto ko lang malaman mo na naniniwala ako
sayo.
Para sa akin, ang istorya natin ay higit na mas maganda kaysa sa mga
paborito kong fairy tale…