Sa pagkakataong ito, ayaw ng pakinggan ni Song Xiangsi ang isip niya at ang
gusto niya nalang gawin ay sundin ang sinasabi ng kanyang puso.
Kaya ngayon…ibinuhos niya sa kanyang halik ang lahat lahat ng mga naipon
niyang emosyon….
Parehong-pareho pa rin ang lasa ng mga labi ni Song Xiangsi base sa naalala
ni Xu Jiamu, kaya nang maramdaman niya itong dumampi sakanyang mga labi,
halos tatlong minuto siyang nanigas bago niya maproseso ang mga
nangyayari, at 'dun niya lang din ito hinalikan pabalik.
Habang nakayakap ng mahigpit, wala silang pakielam sa mga nanunod
sakanila, at hinayaan lang ang kanilang mga sarili na ibinuhos sa isa't-isa ang
lahat ng pagmamahal at pananabik na inipon nila…. Pagkalipas ng mahagit
limang minuto, dahan-dahang kumawala si Song Xiangsi, at muli, tintigan niya
si Xu Jiamu ng diresto sa mga mata. "Jiamu, hindi pa ako kasal."
Hindi kasal…. Hindi makapaniwala si Xu Jiamu sa sinabi ni Song Xiangsi… ang
alam niya lang ay sobrang saya niya kahit hindi niya sigurado kung tama ba
ang pagkakaintindi niya, pero noong magtatanong na siya kung tama ba ang
narinig niya, muli itong nagsalita, "Tsaka….si Little Red Bean… hindi siya three
years old, two and a half pa lang siya…"
At sa pagkakataong ito, tuluyan na siyang nablangko.
"Jiamu, sabi mo diba kapag pagod na ako sa America o kapag hindi ko na
kaya, iuuwi mo ako…." Parang batang nagmamakaawa, nanginginig ang mga
kamay ni Song Xiangsi habang nakahawak ng mahigpit sa manggas ni Xu
Jiamu, at bago siya magpatuloy, huminga muna siya ng malalim. "…Kaya
pwede mo na ba akong iuwi ngayon?"
-
Kagaya ng orihinal na plano, umuwi si Xu Jiamu sa Beijing.
Pero bago siya umalis, hinatid niya muna si Song Xiangsi ng walang imik.
Sa totoo lang, hindi ito ang inaasahang sagot na makuha ni Song Xiangsi, kaya
nang makita niyang kalmado lang ni Xu Jiamu, sobrang kinabahan niya.
Mula noong umuwi ito ng China, hindi na siya ulit kinontak nito.
At hindi niya na rin ito kinontak, dahil kagaya nga ng paninindigan niya, handa
siyang pumusta kahit walang kasiguraduhan… Balik sa dating gawi, nagpatuloy
siya sa pagaalaga kay Little Red Bean, pero minsan, may nga pagkakataon pa
ring natutulala siya.
Pagsapit ng ika-pitong araw mula noong umalis si Xu Jiamu, may biglang
nag'doorbell, pagkatapos na pagkatapos niyang patulugin si Little Red Bean.
Kaya sa takot niyang maistorbo ang bata, dali-dali siyang bumaba.
Pagkabukas niya ng pintuan, sumalubong sakanya si Xu Jiamu.
Kagaya noong unang beses itong kumatok sa pintuan niya, gulat na gulat din
siya pero bago pa siya makapagtanong kung anong nangyari rito, inunahan
siya na nito, "Pinatanggal ko na yung puntod….Pinagawan ko na rin ng
playroom yung bahay natin sa Mian Xiu Garden…. May wedding team na rin
akong tinawagan…. Naimbitahan ko na lahat ng mga kaibigan natin….
Kumpleto na ang lahat, bride nalang ang kulang…"
Ibig sabihin… Noong mga araw na hindi siya kinokontak nito ay abala pala ito
sa paghahanda sa pag'uwi nila?
Dahil dito, sobrang naging emosyunal ni Song Xiangsi.
At walang pagdadalawang isip, iniabot ni Xu Jiamu ang dalawang boarding
pass. "Diba sabi mo gusto mo ng umuwi? Iuuwi na kita…"
Mangiyak-ngiyak na yumuko si Song Xiangsi para tignan ang mga boarding
pass na ibinigay nito. Ang isa ay may pangalang Song Xiangsi at ang isa
naman ay Little Red Bean.
Halos hindi makapaniwala si Song Xiangsi sa nakikita niya….Sa wakas…
makakauwi na siya… kasama ang taong mahal niya….
Pagkalipas ng mahigit limang segundo, muli niyang tinignan si Xu Jiamu, na
may abot tengang ngiti.
Sa loob ng labingisang taon, ngayon lang nakita ni Xu Jiamu na ngumiti ng
ganito si Song Xiangsi, kaya habang tinitignan ito, maging siya ay hindi rin
mapigilang mapangiti sa sobrang saya.