"Yun ang unang beses na nag-away kami kaya akala ko madadaanan ko pag
nag galit-galitan ako, kaya lumabas ako. Naghintay ako sa labas ng
apartment niya ng ilang oras, pero hindi siya lumabas… Kaya galit na galit
akong nagdrive, at sa sobrang bilis, naaksidente ako…
"Pitong buwan akong na'comatose, at pagkagising na pagkagising ko,
tinignan ko kaagad ang phone ko, pero wala ni isang text o tawag galing
sakanya.
"Siguro wala na siyang pakielam kahit mamatay ako…
"Pagkalabas ko ng ospital, nagkita kami, pero nag'away lang din kami.
"Pagkatapos, nagkaroon ako ng family problem, kaya noong wala na akong
matakbuhan, lumapit ako sakanya, at tinanggap niya ako…
"Para akong nasa isang bangungot noong mga panahon na 'yun, pero alam
mo ba? Hindi niya ako iniwanan.
"Naisip ko nga eh… Paano kaya kung wala siya? Kinaya ko kaya yung mga
problema ko noon?
"Alam mo ba? Simula 'nun, nagbago na ang pananaw ko… Ayoko na ng fixed
marriage, o maging pinaka magiling na negosyante, at ang gusto ko lang ay
mapangasawa siya at mamuhay ng simple… Noong araw na magpo'propose
sana ako sakanya, binilhan ko siya ng singsing, pero nauna niya ako…
binigyan niya ako ng abortion letter…"
Kinuwento ni Xu Jiamu ang lahat ng gusto niyang ikwento tungkol sa mga
nangyari sakanila ni Song Xiangsi, habang si Yang Sisi naman ay nakikinig
lang ng mabuti. Nakatitig lang siya kay Xu Jiamu, at ngayon napagtanto niya
na sa kabila ng kalmado nitong ngiti, ay isang emosyong punong-puno ng
lungkot…
"Doon nagtapos ang kwento namin. Naghiwalay kami at sa loob ng tatlong
taon, wala ni isa samin ang kumontak sa isa't-isa.
"Base sa kwento ko, parang siya yung walang puso no?" Natatawang
pagpapatuloy ni Xu Jiamu. "Yun din ang akala ko eh… Naniwala ako na
sobrang sama niya at wala siyang puso…Tapos nagkita kami ulit sa Beijing,
hindi niya ako pinansin… at kahit galit ako sakanya, nasaktan pa rin ako.
"Dahil dun, inisip ko na wala siyang puso at hindi ko na dapat siya
pag'aksayahan ng oras.
"Sobrang lungkot ko at hindi ko na alam ang gagawin ko…
"Gusto ko lang naman magkaroon ng asawa… isang simpleng babae…
magkaroon ng anak, at mamuhay ng mapayapa."
Sa puntong ito, mukhang nasaggot na ang tanong ni Yang Sisi. "Kaya mo ba
kinuha ang number ko?"
Walang pagdadalawang isip na tumungo si Xu Jiamu. "Inaamin ko… ang
pangalan mo ang dahil kung bakit ako nakipag kaibigan sayo, pero hindi
kagaya ng sinabi mo kanina, hindi kita trinatong substitute…. Kasi alam ng
puso ko na kahit kailan hindi mo siya mapapalitan… Kaya hindi ko kayang
hawakan ang kamay mo, halikan ka, o ibigay ang iba mo pang gustong
mangyari…
"Pero sa totoo lang, sinubukan ko…
"Pinilit ko yung sarili ko na iwasan lahat ng mga nakasanayan kong gawin
noong magkasama pa kami. Itinigil ko ang pagsusuot ng blue, ang pagkain sa
paborito naming mushroom restaurant, o kahit ang paborito niyang cake…. At
sinubukan kong palitan yun ng mga gusto mo…
"Gustong gusto kong subukang mahalin ka… pero hindi ko talaga kaya."
Hinawakan ni Xu Jiamu ang kanyang dibdib at nakangiting nagpatuloy, "Kasi
puno na 'to, at wala ng space para sa iba."