Naranasan niya na ring mamatayan ng nanay, kaya naiintindihan niya kung
gaano kasakit para kay Song Xiangsi ang naging pagkawala ng tatay nito. Sa
totoo lang, alam niyang walang salitang sasapat para gumaan ang
pakiramdam nito, pero hindi niya rin naman kayang hayaan nalang itong
daingin ang sakit ng magisa, kaya kahit alam niyang baka itaboy lang siya nito,
dahan-dahan siyang nagpatuloy sa paglalakad.
Nang marinig ni Song Xiangsi na may papalapit sakanya, gulat na gulat siyang
napatingin kay Xu Jiamu, na para bang nagtatanong ang kanyang namumugto
mga mata kung paano siya nahanap nito.
Wala itong sinabing kahit ano, bagkus, hinawakan lang nito ang kanyang
kamay at hinila siya patayo, at bago niya pa man maproseso ang nangyayari,
bigla siyang niyakap nito at bumulong, "Sige lang, umiyak ka lang."
Habang nagsasalita si Xu Jiamu , ramdam niya na ang paghigpit ng yakap nito
sakanya.. "Kung gusto mong umiyak, nandito lang ako para sayo."
Dalawang oras ng umiiyak si Song Xiangsi, at tumahan na rin siya, pero
matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Xu Jiamu, muli nanaman siyang
naging emosyunal, at sa pagkakataong ito, hinayaan niya lang ang sarili
niyang ilabas ang lahat ng gusto niyang ilabas.
Palakas ng palakas ang ulan, kaya ang magkakasabay na sipol ng hangin,
ulan, kidlat at iyak ni Song Xiangsi ay pantay-pantay na naririnig ni Xu Jiamu.
Mula upisa hanggang dulo, hindi nagsalita si Xu Jiamu at niyakap lang si Song
Xiangsi ng mahigpit.
Naalala niya noong gabing namatay ang mama niya, hinayaan lang din siya ni
Song Xiangsi na ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya habang nasa
tabi nito para hindi niya maramdaman na mag'isa lang siya.
Noong gabing 'yun, dahil sa presensya nito, medyo nabawasan ang bigat ng
puso niya.
Ngayon, kagaya ng ginawa nito sakanya noon, sisiguraduhin niyang hindi rin
niya hahayaang maramdaman nito na mag'isa nalang ito.
Medyo matagal din bago tumahan si Song Xiangsi, pero sa kabila nito, walang
bakas ng kahit anong pagmamadali kay Xu Jiamu, kaya halos sampung minuto
pa silang nanatiling magkayakap, bago siya yumuko para dahan-dahang
punasan ang mga natira nitong luha. Pagkatapos, nang masigurado niyang
mas kalmado na si Song Xiangsi, hinawakan niya ang kamay nito, at sabay
silang naglakad palabas ng mini forest.
Ang Song Xiangsi, na kilala ng lahat na mayabang at mapagmataas, ay wala
pa ring pinagbago… Kung gaano siya ka'masunurin at ka'bait pagdating kay Xu
Jiamu… Ganun pa rin siya hanggang ngayon… Sadyang may mga bagay lang
siyang dapat gawin para hindi na siya masaktan… Pero matapos niyang
maramdaman ang pagaalala nito sakanya, hindi na siya pumalag at hinayaan
nalang itong hilain siya pauwi.
Pagkarating nila sa bahay ng mga Song, dali-daling nagpainit si Xu Jiamu ng
tubig para makaligo si Song Xiangsi bago siya magluto ng ginger soup.
Sa pagkakataong ito, hindi na pumalag si Song Xiangsi habang sinusubuan ni
Xu Jiamu.
At nang maubos niya na ang buong mangkok, mahinahong nagtanong si Xu
Jiamu, "May gusto ka bang kainin?"
Tumungo si Song Xiangsi.
"Anong gusto mong kainin?" Nakangiting tanong ni Xu Jiamu.
"Sweet and sour fish…" Pagkatapos itong sabihin ni Song Xiangsi, bigla siyang
natigilan, at gusto niya pa sanang baguhin ang sinabi niya, pero tumungo na si
Xu Jiamu at mahinahong sumagot, "Sige, paglulutuan kita."
Habang nakaupo sa sala, nakatitig lang si Song Xiangsi kay Xu Jiamu, na
nagmamadaling magluto kahit basang basa pa ang damit.
-
Mabilis na sinerve ni Xu Jiamu ang sweet and sour fish na nirequest ni Song
Xiangsi. Sa takot na baka sobrang nagugutom na ito, dali-dali niya itong
binigyan ng isang pares ng chospticks at habang kumakain ito, maya't-maya
niya rin itong pinaalalahanan na mag'ingat sa tinik.
Mula umpisa hanggang dulo, tahimik lang na kumakain lang si Song Xiangsi
habang hinihimayan ni Xu Jiamu, pero noong patapos na siya at nakitang
gusto pa nitong magligpit, tinignan niya ng diretso sa mga mata at sinabi,
"Magshower ka na."
"Sige." Walang tutol na tumungo si Xu Jiamu, pero bago siya tumayo at
maglakad papunta sa CR, halos kalahating minuto pa siyang nanatili
sakanyang kinauupuan habang nakatitig kay Song Xiangsi, na nagpatuloy sa
pagkain.
Pagkatapos niyang magshower, wala na si Song Xiangsi sa dining table, at ang
tanging naiwan nalang ay ang kalahati ng isdang kinakain nito kanina, at ang
pares ng chopsticks na mukhang biglang nabitawan.