Descargar la aplicación
93.83% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 913: Pagkatapos (30)

Capítulo 913: Pagkatapos (30)

Editor: LiberReverieGroup

Kinabukasan, tumawag si Yang Sisi kay Xu Jiamu para magpasalamat at para

makabawi, nilibre siya nito ng lunch.

Bilang lalaki, ramdam ni Xu Jiamu na interasado sakanya si Yang Sisi, kaya

alam niya na sa tuwing lalabas sila ay binibigyan nito ng ibig sabihin.

Malinaw na wala siyang gusto rito… Pero kahit kailan, hindi niya ito

tinanggihan, at sa totoo lang, sinusubukan niyang kilalanin ito… Hindi niya

alam kung bakit pero gusto niyang magkaroon ng asawa, magkaanak…. at higit

sa lahat, magkaroon ng normal na buhay.

Kaya pumayag siyang makipaglunch dito.

Pagkatapos noong araw na 'yun, kahit na hindi nagkaroon ng ligawan at

sagutan, mas naging 'official' ang relasyon nila.

Nagkaroon si Yang Sisi ng pagkatataon na makita si Xu Jiamu ng mas

madalas. Walang pinakita si Xu Jiamu kay Yang Sisi kundi kabutihan….

Kagaya ng mga normal na lalaki, sinasamahan niya rin itong magshopping,

binibilhan ng mga damit at bag na alam niyang gusto nito, dinedate tuwing

weekends, at hinahayaan ding pumunta sa office niya. Minsan, kapag

nagoovertime siya, hinahayaan niya itong matulog sa sofa ng kanyang office at

kinukumutan pa ito…. Higit sa lahat, noong sinabi nito na tumigil na siya sa

paninigarilyo, hindi man niya itinigil talaga, pero sa tuwing magkasama sila ay

hindi talaga siya nagsisigarilyo.

Sa kabuuhan, sobrang perfect niyang boyfriend.

Pero sa kabila nito… alam niya sa sarili niya na may kulang talaga sa buhay

niya, na hindi kayang punan ni Yang Sisi…. Hindi pa rin talaga siya maka'move

on kay Song Xiangsi, tama?

Isang sabado, dinala niya si Yang Sisi sa isang hot spring sa isang baryon a

malayo sa siyudad.

Kumuha siya ng dalawang kwarto. Alas diyes na ng gabi noong umahon sila sa

hot spring. Dali-dali, nagshower si Yang Sisi at imbes na matulog na ito

kaagad sa sarili nitong kwarto, kumatok ito sakanya para manuod 'daw' ng

pelikula.

Hindi siya tumanggi.

Hindi na sila mga bata, kaya alam niya kung anong tunay na pakay nito.

Sinadya ni Yang Sisi na pumili ng pelikulang marming sex scene.

Muli, hindi tumanggi si Xu Jiamu. Sinamahan niya itong manuod, pero hindi

kagaya ng inaasahan nito, literal na nanuod lang talaga siya, kaya nang

mabagalan na si Yang Sisi sakanya, ito na mismo ang gumawa ng first move.

Pasimple, gumapang ang kamay nito papalapit sa kamay niya, pero nang

sandaling dumampi ang palad nito sa likod ng kanyang kamay, dali-dali siyang

umilag.

Halatang halata ang pagtanggi niya, kaya noong oras na 'yun ang Yang Sisi na

sabik na sabik sana sa 'next move' ay biglang napahiya.

Wala ni isa sakanila ang nagsasalita…

At bilang babae, sobrang naging emosyunal si Yang Sisi.

Aminado siya na gusto niya talaga si Xu Jiamu kahit na magkaiba ang mga

mundo nila… Pero, una sa lahat, ito ang nagtanong ng pangalan niya, humingi

sa number niya, at kahit na siya ang unang nagtext, kahit kailan ay hindi siya

tinanggihan nito…

Magiisang buwan silang magkakilala ngayon, pero kahit kailan, hindi pa sila

nagsesex. Sa totoo lang, kapag naglalakad sila sa kalsada, kahit pa muntik na

siyang masagasaan, hindi talaga nito hinahawakan ang kamay niya, at kung

swertihing mahawakan, lang siyang tinutulak nito sa braso.

Sa kabila ng nangyari, hindi iniimik ni Xu Jiamu si Yang Sisi, pero nang makita

niya itong umiiyak, gusto niya sanang humingi ng tawad - hindi dahil nagsisi

siya, kundi para lang matapos na ang lahat. Pero buti nakang biglang nagring

ang kanyang phone kaya dali-dali niya itong kinuha para sagutin.

Si Chief Luo ang tumatawag dahil nagkaproblema raw habang nagshushooting

para sa commercial.

Noong sinagot ni Xu Jiamu ang kanyang phone, pinatay ni Yang Sisi ang TV.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C913
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión