Hindi sinagot ni Xu Jiamu ang tanong ng bellboy, bagkus, dahan-dahan niyang
inalis ang naipit niyang kamay at parang walang nangyari na isinarado ang
pintuan ng driver's seat. Pagkatapos, ibigay ang susi ng kanyang sasakyan at
walang emosyon na sinabi, "Pwede bang pakipark ng sasakyan ko? Salamat."
Walang pagdadalawang isip namang kinuha ng bellboy ang susi, pero bago
nito iparada ang sasakyan, sinamahan muna nito si Xu Jiamu papasok sa
entrance ng China World Hotel.
Dumiretso siya sa elevator, at parang isang robot, nakatulala lang siya sa
harapan niya. Gamit ang kabila niyang kamay, hinimas niya ang naipit niyang
kamay. Sobrang lala ng pasa nito at hindi kagaya kanina, ramdam na ramdam
niya na ngayon ang pagkabhugbog nito, pero kumpara sa sakit na
nararamdaman ng puso niya, walang wala ito.
Totoong deisidido na siyang kalimutan si Song Xiangsi kaya nga kahit paunti-
unti, pinilipit niyang bumalik sa normal niyang buhay… Kagaya kanina,
nagdesisyson na rin siyang itigil na ang pagsuot ng blue na suit sa kagustuhan
niyang gumaling na siya kaagad… Pero sa tuwing makikita niya ito, hindi niya
pa rin mapigilan ang sarili niyang mapatulala… Nakakalungkot lang kasi
nagtapos ang kwento nila bilang estranghero sa isa't-isa na kahit 'hello' ay
hindi na nila pwedeng sabihin…
Pero alam niya na darating ang araw na hindi na siya matutulala rito… Sa
ngayon, kailangan niya lang ng oras at nirerespeto niya ang sakit na
nararamdaman ng kanyang puso.
-
Habang nasa party, magiliw siyang nakisama sa lahat. Kilala niya man o hindi,
nginingitian niya ang mga ngumingiti sakanya at kinakausap ang mga
kumakausap sakanya. Para sa mata ng lahat, sobrang perpekto niya kagay ni
Lu Jinnian…
May mangilan-ngilan ding mayayaman na babaeng lumalapit sakanya para
makipagusap, at sa totoo nga lang, may isa o dalawang babae na ilang beses
na nagpapansin sakanya.
Noon, balewala lang kay Xu Jiamu ang mga ganitong pangyayari kaya kahit
sinong babae ay game na game niya lang na kinakausap, pero ngayong gabi,
siya mismo ang dumidistanya sa mga ito at sa tuwing may lumalapit sakanyang
mga babae, tumatabi siya sa mga kalalakihan para matapos agad ang usapan.
Sa kalagitnaan ng party, nagpaalam siya sa mga kasama niya para
magsigarilyo muna sa balcony, pero hindi niya pa man din niya nakakakalahati
ang isang stick nang may biglang lumabas sa pintuan, na nasa likuran niya
lang, at lumapit sakanya.
Kaya bigla siyang napalingon, at doon niya nakita ang isang dalaga.
Base sa reaksyon ng mukha nito, mukhang nagulat ito na may tao sa balcony,
kaya dali-dali itong ngumiti at humingi ng pasensya. "Sorry, wala kasi akong
kakilala dito."
Pero parang walang narinig, hindi sumagot si Xu Jiamu. Kalmado niyang
pinatay ang sindi ng hawak niyang sigarilyo, at walang imik na tumalikod para
maglakad pabalik sa hall.
Pero nang sandaling hawakan niya ang pintuan, muling nagsalita ang babae sa
sobrang pagaalala nang makita nito ang pasa niya sa kamay. "Sir, mukhang
bugbog na bugbog yang kamay mo ha? Ginamot mo na ba yan?"
Dahil dito, sinilip ni Xu Jiamu ang kamay niya na naipit sa pintuan, at bilang
respeto, tinignan niya ang babae, tumungo at nagpasalamat.
Pero pagkalabas niya at saktong isasarado na sana muli ang pintuan, dali-
daling naglabas ang babae ng ointment mula sa bag nito at binigay sakanya.
"Ginagamit ang ointment na to para gumamot ng mga pasa. Kunin mo na."
Pero imbes na kunin, tinignan niya lang ulit ang babae. Sa totoo lang, hindi ito
kagandahan at kahit gaano kakapal ang suot nitong make up, mukhang
ordinaryo pa rin ang itsura nito. Oo… malayo sa type niya….
Pero siguro dahil sa titig niya, biglang nailang ang babae at nahihiyang
nagatuloy, "Pasensya na. Doktor kasi ako kaya pag may nakikita akong
nasasaktan, hindi talaga ako mapakali."
At dali-dali, ibinaba ng babae ang kamay nito.