Sa sobrang pagkablangko ni Xu Jiamu, hindi niya na namalayang sinundan pala siya ni
Qiao Anhao habang nagungulit kung ayos lang ba siya, at nagdire-diretso lang siya sa
kanyang sasakyan, na walang pagdadalawang isip niyang hinarurot ng takbo palabas
ng Mian Xiu Garden.
Ilang beses ding nagring ang kanyang phone na nakalapag sa passenger seat. Si Lu
Jinnian ang tumatawag… Malamang sinabi ni Qiao Anhao na mukhang may problema
siya, pero… sobrang gulo pa ng isip niya sa ngayon… at hindi pa siya handang
makipagusap kahit kanino… oo… kahit kay Lu Jinnian… kaya nang muli itong mag'ring,
na hindi niya na mabilang kung pang ilang beses na, bigla niya itong kinuha para
idinecline ang tawag, at ioff ang kanyang phone.
Pagkalipas ng dalawang oras, huminto ang kanyang sasakyan sa isang napaka dilim na
lugar.
Pagkababa niya, binalibag niya ang pintuan ng driver's seat at parang isang baliw,
nagdire-diretso siya sa paanan ng bundok.
Lakad lang siya ng lakad, na para bang hindi niya alintana kung may nakaharang sa
harapan niya na pwede siyang mabangga, hanggang sa makarating siya sa isang
partikular na puntod.... Ilang minuto rin siyang nakatayo sa harapan nito na nakatulala
lang, habang ang kanyang mga mata'y hindi niya namalayang napuno na ng mga
naipong luha, na kanina niya pa pinipigilan….
"Baby… nakita ni Daddy si Mommy kanina…"
Pagtapos ng mga salitang ito, hindi na alam ni Xu Jiamu kung paano niya itutuloy ang
iba niya pang gustong sabihin.
Kung hindi niya sana nakita ang katotohanan gamit ang dalawa niyang mga mata….
Hindi siguro siya masasaktan ng ganito… ayaw niyang maniwala… at gustong gusto
niyang kumbinsihin ang sarili niya na isang masamang panigip lang ang lahat….
Tatlong taon… kahit tatlong taon na silang magkahiwalay, alam ng Diyos na walang
minutong lumipas na hindi niya pinangarap na magkabalikan sila….
Ang dami niyang plano… at sa totoo lang, yun nalang ang laman ng isip niya… kaya
hindi niya inaasahan na sa sunod nilang pagkikita ay malalaman niyang kasal na ito sa
ibang lalaki…
"Baby, sobrang laki ng ipinayat ng mommy mo. Hindi ba siya nakakakain ng maayos sa
America? Pero ang ganda niya pa rin baby… sobrang ganda…" At habang patagal ng
patagal, lalo lang nagiging emosyunal si Xu Jiamu. "Baby, ayaw na ni mommy kay
daddy."
"Baby, alam mo ba? Hindi naman talaga ganung klaseng tao si Daddy eh…. Pero
noong nalaman kong wala ka na, sobrang nagalit ako… Hindi mo alam kung gaano
kasaya si Daddy noong nalaman kong parating ka na sa buhay namin, pero hindi ko
maintindihan kung bakit ayaw sayo ng Mommy mo…
"Sobrang nagsisi si Daddy noong iniwanan niya si Mommy, pero pag balik ko, wala na
pala si Mommy…
Sa totoo lang, hindi naman talaga sinadya ni Xu Jiamu ang mga nagawa niya…
Noong araw na 'yun, sobrang nagalit siya sa ginawa ni Song Xiangsi… Nawala na ang
mama niya, at mukhang wala ring balak bumalik ang papa niya… kaya si Song Xiangsi
at ang magiging baby nalang sana nila ang makakasama niya… Kaya sa galit niya,
walang pagdadalawang isip niyang itinapon ang singsing na binili niya sa basurahan.
Pagkatapos, dumiretso siya sa bar at nilunod ang sarili niya sa alak… Oo… Lasing na
lasing siya noong gabing 'yun, pero natatandaan niya ang lahat…
Malinaw sakanya na pinalaglag nito ang anak niya, pero alam niya rin sa sarili niya na
kahit ganun ang nangyari ay gustong gusto niya pa rin itong balikan…
Kaya kahit pasuray-suray, pinilit niyang pumara ng taxi at magpahatid sa Su Yuan
apartment.
Pagkababang pagkababa niya, kinalkal niya ang basurahan hanggang sa mahanap
niya ang singsing. Pagkatapos, pinilit niyang umakyat, at dala ng sobrang kalasingan,
ilang beses niyang sinubukang ienter ang passcode bago niya tuluyang mabuksan ang
pintuan.
At doon muling sumalubong sakanya ang napaka gulong sala na iniwanan niya…
Hindi nagtagal, umihip ang malakas na hangin, at sa lahat ba naman ng papel na
pwedeng liparin palapit sakanya ay ang form pa na may mga salitang 'Painless surgical
abortion'.
Oo… nagalit siya… sobrang nagalit siya… pero bumalik siya par asana makipag'ayos…
kaso nakaalis na ito….Umalis ito ng walang pasabi ng ganun ganun nalang kadali…
Habang inaalala ang nangyari noong gabing 'yun, tuluyan ng bumuhos ang luha sa mga
mata ni Xu Jiamu. "Baby, ayaw naman talaga ni mommy kay daddy noong una palang
diba?"