Pagkalipas ng ilang segundo, hindi siya makapaniwalang nagtanong, "Paano
siya namatay?"
"Nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagputol ng dila niya." Huminto ng
bahagya si Lu Jinnian para bigyan ng pagkakataon si Qiao Anhao na
maproseso ang balita, "Kahapon siya namatay at kagabi siya nilibing."
Sa totoo lang, noong isang araw pa ito namatay, noong mismong araw ng
kasal nila, pero pinili ni Xu Jiamu na iatras ng isang araw ang libing nito.
Hindi na nakapagsalita si Qiao Anhao.
Maraming nagawang kasalanan si Han Ruchu – pinatay nito ang anak nila,
sinaksak si Qiao Anxia, na ngayo'y hindi pwedeng magbuntis, at nagudyok kay
Lu Jinnian na magpakamatay… At habang iniisip niya ang mga ito, aminado
siyang gusto niya itong patayin… Pero ngayong nabalitaan niyang, patay na
talaga ito, maging siya ay nalungkot din.
Kahit gaano pa kasama ang mga naging kahapon nila, hinding hindi magiging
magandang balita ang kamatayan, at dahil dito, nawalan na ng gana si Qiao
Anhao na magshopping kaya nagyaya nalang siyang umuwi sa Mian Xiu
Garden.
Habang nasa byahe, hindi maalis sa isip niya ang malungkot na balita kaya
muli siyang nagsalita, "Kahit kailan, hindi ko inasam na mamatay siya ng
ganun kalala kahit na sobrang galit ako sakanya."
Hinayaan lang ni Lu Jinnian na maglabas ng sama ng loob si Qiao Anhao at
hindi na sumagot.
-
Pagkatapos ng kasal, isa lang ang tungkulin ni Qiao Anhao – ang alagaan ang
sarili nito para sa bata.
At Si Qiao Anxia naman ay ang magpagaling kaagad.
Hindi naman maselan ang pagbubuntis ni Lu Jinnian pero dahil sa kagustuhan
niyang mabantayan si Qiao Anhao ng bente kwatro oras, nagdesisyon siyang
iuwi nalang ang karamihan sa mga trabaho niya, at hanapin ulit si Madam
Chen para maging katuwang nila sa gawaing bahay.
Si Xu Jiamu naman, bumalik na rin sa trabaho tatlong araw pagkatapos
mamatay ng kanyang mama.
Sa loob lang ng ilang araw, tuluyan ng bumalik sa normal ang lahat – o ang
mas bagay na salita ay: masaya na ang lahat ngayon.
Sa ikapitong araw ng pagpanaw ni Han Ruchu, pumunta si Xu Jiamu sa
sementeryo na may dalang bulaklak para mag tirik ng insenso, kaya alas
nuebe na ng gabi noong nakauwi siya sa Su Yuan apartment.
Pagkabukas niya ng pintuan, sumalubong sakanya ang tunog ng TV. Nakita
niya si Song Xiangsi na nakahiga sa sofa at nakatalukbong ng manipis na
kumot. Para sakanya, sobrang nakakawala ng pagod ang imaheng ito kaya
pagkalapag niya ng susi ng kanyang sasakyan sa kabinet, kalmado siyang
naglakad palapit dito.
"Kumain ka na?" Pagkatapos niyang magtanong, napansin niyang nakatulog
na pala ito.
'Huh… maaga pa naman ah.. Bakit nakatulog na siya kaagad?'
Dahan-dahan siyang yumuko para titigan ang mukha nito.
Ilang segundo niya ring tinitigan ang napakaganda nitong mukha bago siya
tumayo para maingat na buhatin ito papunta sa kwarto. Nang maihiga niya na
ito sa kama, kinumutan niya na ito para hindi ginawin, pero noong sandali ring
iyon, bigla itong dumilat at antok na antok na nagtanong, "Nakauwi ka na?"
"Mmh."
Dahan-dahang umupo si Song Xiangsi. "Kumain ka na?"
Umiling si Xu Jiamu.
Tinirhan kita ng pagkain. Iniwan ko sa flask." Sagot ni Song Xiangsi habang
hinahawi ang kumot.
Pero bigla siyang hinawakan ni Xu Jiamu para pigilan, "Ako na, matulog ka
na."
"Okay lang, nakatulog na rin naman ako ng mahaba." Siguro dahil sa
pagbubuntis niya, lagi talaga siyang inaantok nitong mga nakaraang araw,
pagod man o hindi.
Sa totoo lang, gusto rin naman ni Xu Jiamu na makausap muna si Song
Xiangsi kaya hindi na siya tumanggi. Habang iniit nito ang pagkain, sumandal
siya sa pader, at hindi niya namalayang nakangiti na pala siya habang
pinagmamasdan ito.
Nakapag'gabihan na si Song Xiangsi, pero sinamahan niya pa rin si Xu Jiamu
sa dining table habang kumakain.