Hindi niya akalain na sobrang daming mangyayari dahil sa ginawa niya…
Simple lang naman ang gusto niya kung bakit niloko niya si Han Ruchu at yun
ay dahil ayaw niyang magpakasal kay Xu Jiamu.
Kahit kailan, hindi niya ginusto ang mga nangyari kaya sobrang nakokonsensya
siya…
Noong nakita niyang masaya si Qiao Anhao, akala niya nainlove na it okay Xu
Jiamy kaya para sa kapakanan ng pinsan niya, sinugod niya si Lu Jinnian para
pagbantaan itong lumayo…
Akala niya, ginagawan niya ng pabor si Qiao Anhao, pero sa totoo lang, mali
pala siya… maling mali…
At hindi niya inaasahan na ang isang simpleng pagkakamali ay maging isang
malaking krimen….
Sa totoo lang, siya mismo ay hindi niya mapatawad ang sarili niya kaya paano
pa siya magkakaroon ng lakas ng loob na humingi ng tawad sa mga taong
nasaktan niya?
"Qiao Qiao, hindi mo kailangang maging malungkot, at kung mamatay man ako
ngayon, aksidente to… at kabayaran ito sa mga utang ko sayo."
"Hindi…" Pinipilit ni Qiao Anhao na magpakatatag sa harapan ni Qiao Anxia.
"Hindi ka mamatay, kahit pa may ginawa kang masama sa akin, alam ko
namang hindi mo yun ginusto. Naalala mo pa? Mula pagkabata natin, lagi mo
akong pinagtatanggol at sa tuwing may nambubully sa akin sa school, lagi mo
silang inaaway para sa akin… Kaya kailangan mong lumaban kasi
ipagtatanggol mo pa ako…"
Parte talaga ng buhay ang mga pagkakamali, at kasalasan, hindi ito
sinasadya…
Pero may mga pagkakamali rin naman na kusang loob na ginawa…
Kaya kahit na nalaman ni Qiao Anhao ang lahat ng ginawa ni Qiao Anxia,
sigurado siya na mahal na mahal siya nito dahil kahit kailan hindi nito
pinaramdam na kawawa siya dahil maaga siyang naulila at sa halip, trinato siya
nito bilang tunay na kapatid…
Kasi kung hindi… hindi nito isasanggalang ang sarili nito mailigtas lang siya.
Kung kutsilyo ang usapan, siguradong buhay ang kapalit kung gusto ng isang
tao na magligtas ng iba….Pero ang tunay na nagmamahal lang kayang gumawa
ng ganitong sakripisyo…
Habang patagal ng patagal, lalong kinakabahan si Qiao Anhao na baka hindi na
talaga kayanin ni Qiao Anxia kaya nagaalala siyag tumingin kay Lu Jinnian,
"Nasan na ang ambulanysa? Bakit hindi pa sila dumadating? Nasaan na ang
ambulansya?"
Kaya biglang lumuhod si Lu Jinnian para yakapin si Qiao Anhao, at gamit ang
kanyang mga mata, sinensyasan niya ang kanyang assistant, kaya
nagmamadali itong lumabas para tawagan ulit ang ambulansya.
Bago humingi ng tawad si Qiao Anxia, sobrang bigat ng dinadala niya sa
kanyang dibdib, kaya ngayon na nasabi niya na ang lahat ng kailangan niyang
sabihin, sobrang gumaan ang pakiramdam niya.
Kanina niya pa nararamdaman ang pamilyar na init na nakahawak sa isa niyang
kamay.
Noong naghahanap siya ng bakante sa underground parking, natatakot siyang
umakyat dahil kay Chen Yang, at hanggang ngayon na nagaagaw buhay na
siya, hindi niya pa rin kayang tumingin dito.
Sa oras na ito, medyo marami ng nawalang dugo sakanya kaya sa pagpatak ng
bawat segundo, lalo pang nababawasan ang lakas niya. Habang
pinakikiramdaman niya ang init ng mga kamay nito, dahan-dahan niyang
tinignan si Chen Yang, na namamaga na ang mata kakaiyak.
Umiiyak ito dahil sakanya… Ibig sabihin, mahal pa rin siya nito?
Tinignan niya ito ng diretso sa mga mata at dahan-dahang binuksan ang
kanyang mga labi, "Chen Yang…"
Kahit na halos hangin nalang ito, alam ni Chen Yang na tinatawag siya ni Qiao
Anxia.
Kaya dali-dali siyang yumuko para ilapit ang tenga niya sa bibig nito.
"Patawarin mo ako, alam ko na nagkamali ako.
"Pinalitan ko na yung pangalan niya sa phone ko…
"At…kahit matagal na tayong magkasama, kahit kailan, hindi ko pa nasasabi
sayo na gusto kita."
Huminto ng sandali si Qiao Anhao bago siya magpatuloy, "Hindi lang kita gusto,
mahal kita."