Hindi na sumagot si Qiao Anhao, tumungo nalang siya at kinain ang ubas
habang tutok na tutok sa TV.
Sa pagkakataong ito, ginamit naman si Lu Jinnian ang toothpick para
kumuha ng melon, "Qiao Qiao, paano ako naging tatay?"
Hindi makapaniwala si Qiao Anhao na may ganitong ugali pala sa likod ng
isang napaka supladong Lu Jinnian kaya biglang siyang napamasahe ng
kanyang ulo sa sobrang stress.
Nang makita nito ang ginagawa niya, dali-dali nitong binitawan ang hawak
nitong toothpick para tulungan siyang masahiin ang kanyang ulo, "Qiao
Qiao, masama ba ang pakiramdam mo? Kailangan mo bang magpachek up?
Kailangan mong tandaan na hindi ka nalang iisang tao ngayon…"
Sa inis niya, bigla niyang hinawi ang kamay nito at pasinghal na sinabi, "Ano
ba Lu Jinnian?! Simula noong nalaman mong buntis ako, paulit-ulit ka na."
Tinignan niya ito ng masama bago siya tumayo at maglakad papunta sa CR.
Nagmamadaling tumayo si Lu Jinnain, "Qiao Qiao."
"Wag mo na akong kausapin!" Sa sobrang pagkairita ni Qiao Anhao, bigla
niyang dinuro si Lu Jinnian at nagpatuloy, "Lu Jinnain, isa pa ha! Kapag mas
nagaalala ka pa sa baby kesa sa akin, sasabihin ko talaga sakanya kapag
pinanganak na siya na pagkatapos natin siyang gawin, pinainom no ako ng
contraceptives para mamatay siya!"
Napanganga nalang si Lu Jinnian sa sinabi ni Qiao Anhao, at unti-unting
nagbilang pabalik…. tama… nabuo nga ang baby noong gabing nagsex sila
sa America… Noong oras na 'yun, parang biglang lumabas ang kaluluwa
niya sa kahihiyan kay Qiao Anhao kaya dali-dali niya itong tinignan para
suyuin, pero huli na siya dahil nakapasok na ito sa CR.
Pagkatapos maligo ni Qiao Anhao, hindi niya pa rin pinapansin si Lu Jinnian
at nagdire-diretso siya sa kama. Sa takot na baka kulitin nanaman siya nito,
nagmamadali siyang nagtalukbong at pumikit.
Noong nakita ni Lu Jinnian na matutulog na si Qiao Anhao, nagmamadali
siyang naligo bago siya humiga sa tabi nito.
Sa tulong ng liwanag na nanggaling sakanilang lampshade, pinagmasdan
niya si Qiao Anhao at dahan-dahang hinawakan ang kamay nito, pero bigla
siya nitong hinawi kaya muli niya itong hinawakan ng mahigpit.
Maingat niyang minasahe ang maganda nitong kamay at malambing na
sinabi, "Qiao Qiao, sobrang saya ko lang… Wag ka ng magalit."
Hindi naman talaga galit si Qiao Anhao, alam niya naman kasi na ganito ang
magiging reaksyon ni Lu Jinnian kapag nalaman na nitong magiging tatay na
ito, pero ang hindi niya inaasahan ay ang magiging bukambibig nito ay lagi
nalang tungkol sa baby at hindi sakanya, kaya medyo nagselos siya.
Pero kagaya ng tipikal na babae, gusto niya lang ding magpalambing kay Lu
Jinnian at kahit na gusto niya na itong patawarin kaagad ay kinikilig siya
kapag sinusuyo nito kaya hinayaan niya lang itong bumawi, "Mmh."
Lumapit ito sakanya at noong hindi siya lumayo, dahan-dahan siya nitong
niyakap ng mahigpit at nangako, "Qiao Qiao, pangako magiging mabuting
tatay ako, pero ngayon, hayaan mo muna akong maging mabuting asawa
sayo."
Sinasabi ba ni Lu Jinnian na kahit maipanganak na ang baby ay priority pa
rin siya nito?
Niyakap niya rin ito ng mas mahigpit at mahinahong sinabi, "Alam ko naman
na nagaalala ka lang kasi unang baby natin to kaya mali na nagalit ako
sayo."