Dahil masyado ng malalim ang gabi, hindi na muna nagreply si Song Xiangsi
kay Qiao Anhao. Kinuha niya ang kanyang phone at bumangon sa kama. Hindi
ito ang unang pagkakataon na nangyari ito na nagising siyang wala si Xu Jiamu
sa tabi niya kaya nagsuot siya ng cardigan at lumabas ng kwarto para silipin ito
sa parte ng apartment niya lagi nitong pinupuntahan – ang balcony.
Nakaharap ito sa bintana habang naninigarilyo at sa dami na ng stick na naubos
nito, kumalat na ang amoy sa buong bahay.
Kaya binuksan niya ang exhaust fan bago siya dahan-dahang naglakad papunta
sa balcony.
Habang may hawak na sigarilyo sa isang kamay, tutok na tutok si Xu Jiamu sa
phone nito, kaya hindi nito napansin na lumapit siya.
Pero base sa boses na narinig niya mula speaker ng phone nito, mukhang
nanunuod ito ng replay ng interview ni Lu Jinnian.
Sa kalagitnaan ng sa zero degrees ang temperatura sa balcony, mapansin niya
na napaka nipis ng damit ni Xu Jiamu kaya dali-dali siyang bumalik sa kwarto
para kunin ang kumot, na itinabing niya rito.
Doon lang napansin ni Xu Jiamu si Song Xiangsi kaya bigla siyang napatingin at
inexit ang video. Muli, humitihit siya ng isang beses at nagtanong, "Bakit gising
ka na?"
Napakunot ng noo si Song Xiangsi nang makita niya kung gaano kakapal ang
usok mula sa sigarilyo nito kaya noong una, gusto niya sanang magalit, pero
bandang huli, hindi niya nalang tinuloy. Alam niya na kahit pinipilit nitong
ngumiti sa harapan niya, may kinikimkim itong mabigat dahil naiipit ito ngayon
sa isang sitwasyon na ang tatlong pinaka mahahalagang tao sa buhay nito ang
sangkot. Kaya para hindi na makadgdag, hinayaan niya nalang muna itong
gawin kung anong makakagaan sa loob nito.
Marami ng nangyari sa nakaraan na kinamumuhian ang mga miyembro ng
pamilya na naglalag sa isa pang miyembro na gumawa ng kasalanan. Pero ang
hindi alam ng lahat, sobrang hirap din nito para sa parte ng miyembro na ang
gusto lang namang mangyari ay maging patas sa lipunan. Nakakatawa lang
dahil kahit piliin man nitong magpatay malisya o gawin ang tama, badang huli,
sila pa rin ang talo.
Mahinahong sumagot si Song Xiangsi, "Hindi kasi kita nakita noong umihi ako
kaya pinuntahan kita dito."
Natigilan siya ng ilang segundo bago muling nagpatuloy, "Ang lamig lamig, bakit
ang nipis ng damit mo? Paano kapag nagkasakit ka?"
Kahit bago pa sila maghiwalay ni Xu Jiamu, alam ng lahat kung gaano kamaldita
si Song Xiangsi, pero sa tuwing nasa harap niya si Xu Jiamu, biglang siyang
tumitiklop at nagiging malambing siya.
Kaya nga sila nagkasundo sa loob ng pitong taon…
Ilang araw palang simula noong nagkaayos sila ni Song Xiangsi at kahit na
naguusap sila, wala pa rin masyadong emosyon kagaya ng dati kaya laking
gulat ni Xu Jiamu nang muli niyang maramdaman ang pagaalala nito.
Medyo nailang si Song Xiangsi sa titig ni Xu Jiamu, kaya dali-dali siyang
tumingin sa malayo. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kaya para
gumaan ang awra, bigla niyang kinuha ang kanyang phone at binuksan ang
nareceive niyang message kay Qiao Anhao. "Paalis na ng bansa ang kapatid mo
at si Qiao Qiao."
"Paalis ng bansa?" Nagtatakang tanong ni Xu Jiamu. Medyo nabigla siya sa
sinabi ni Song Xiangsi kaya tinignan niya screen para basahin ng maigi ang
pinapakita nito, at nang maintindihan niya na ang lahat, bigla siyang namutla.
Ibig sabihin, titira na sila sa ibang bansa?
At hindi na sila babalik dito?
Siguradong dahil ito sa panggigipit na ginawa ng nanay niya, kaya noong
naubusan na ng pagpipilian ang kapatid at best friend niya, naisip nalang ng
mga itong magpakalayo-layo, tama ba?
"Siguro para na rin sa bata. Sa tingin ko, ayaw nilang lumaki ang bata sa
ganitong klaseng sitwasyon."
Hindi na sumagot si Xu Jiamu, at dahan-dahan itong tumingin sa mga
makukulay na ilaw sa harapan nila.
Sa lahat ng tao, si Song Xiangsi lang ang nakakaintindi ng ganun kalalim kay Xu
Jiamu. Alam niya na nalulungkot ito sa balita niya kaya hindi na siya nagsalita at
tahimik nalang itong sinamahan.