Sa utos ng gynecologist, ang parehong nurse na sumundo sakanila kanina, ay hinatid
din sila pabalik sa underground parking. Pagkasakay na pagkasakay nila sa loob, atat
na atat na inilabas ni Zhao Meng ang kanyang phone at tumingin kay Qiao Anhao,
"Qiao Qiao, noong nagbabayad ako kanina, may nadaanan akong TV at nakita ko na
may broadcast tungkol sayo at kay Lu Jinnian, at noong chineck ko sa internet, may
interview nga siya ngayon!"
Biglang kumunot ang noo ni Qiao Anhao at nagtatakang nagtanong, "Interview?
Anong klaseng interview?"
"Basta ang pamagat niya ay 'Appointment with Great God'... teka ito 'yun…"
Habang nagsasalita si Zhao Meng, hinahanap niya ang website ng live
broadcast na tunutukoy niya.
Pero dahil nasa underground parking lot sila, medyo mahina ang signal kaya
paputol-putol ang video, at dahil likas na mainipin si Zhao Meng, naiinis niyang
itinabi ang kanyang phone at nagmamadaling nagmaneho palabas. Noong nasa
kalsada na sila, humanap siya ng lugar na wala masyadong sasakyan at
huminto muna sa isang gilid para panuurin ang live stream ng interview ni Lu
Jinnian.
Pagkalipas ng kalahating minuto, sabay nilang narinig ang boses ng host,
"Okay, ngayon na tapos na nating pagusapan ang plano ni Mr. Lu sa Huan Ying
Entertainment, itanong naman natin ang plano niya bilang isang aktor. Mr. Lu,
may plano ka bang bumida sa isang bagong proyekto?"
Para mas maging maayos ang panunuod nila, inilagay ni Zhao Meng ang
kanyang phone sa phone stand ng sasakyan. Kitang-kita ni Qiao Anhao sa
screen si Lu Jinnian na nakasuot ng fitted at kulay itim na suit. Naka de-otso ito
habang nakaupo sa kaliwa at tamang-tama lang ang anggulo ng camera para
mahighlight ang napaka gwapo nitong mukha. Tipikal na Lu Jinnian... Hindi ito
ngumingiti habang kausap ang host kaya lalo pa itong nagmukhang misteryoso,
pero hindi naman mayabang.
Pagkatapos magtanong ng host, halos dalawang segundo itong natigilan bago
sumagot, "Sa ngayon, wala pa akong plano."
"Ohhh… Nakakalungkot naman yan, Mr. Lu! Ang dami pa namang local viewers
na umaasang mapapanuod ka ulit." Ramdam sa boses ng host ang sobrang
pagkadismaya, pero dahil bayad ang bawat minuto, hindi na rin nito masyadong
pinalaki ang usapan at muling nagtanong, "Alam ng lahat na halos kalahating
taon na simula noong ipamahala mo sa iba ang kumpanya. Ngayon ang tanong
ko naman sayo Mr. Lu ay, purong bakasyon ba ang ginawa mo sa lumipas na
anim na buwan o mayniluluto kang bagong proyekto?"
"Hindi naman bagong proyekto, pero naglalaro ako ngayon sa stock market."
Walang kayabang-yabang na sagot ni Lu Jinnian.
"Stock market? Balita ko medyo bagsak ang stock market ngayon ah? May ilan
kasi akong mga kaibigan na naglalaro din jan, pero ang huli kong balita sakanila
ay lagi silang natatalo. Eh ikaw Mr. Lu, madalas ka bang nanalo o may
pakakataon na natatalo ka rin?"
Isa sa pinaka minahal ng tao kay Lu Jinnian ay ang pagiging mababang loob
niya kahit pa totoo namang magaling siya. "Siguro maswerte ako kasi mula
noong nagumpisa ako, hindi pa ako natatalo."
"Mr. Lu, pwede ba kaming makitsismis kung magkano na ang napanalunan mo
sa ngayon?"
"Sa tingin ko, doble na."
"Doble na?" Hindi makapaniwalang tanong ng host. "Mr. Lu, pwede mo bang
ibahagi sa amin kung magkano yang nadoble mo?"
Walang plano si Lu Jinnian na magmayabang kaya yumuko nalang siya at hindi
sinagot ang tanong ng host.
Halatang beterano ang host sa larangan ng pagiinterview dahil imbes na
mailang ay nakahanap ito kaagad ng segway para hindi mabago ang awra. "Oo
nga naman, masyado ng personal ang tanong na 'to, pero hihirit lang ako ng isa,
Mr. Lu, saan mo ba planong gamitin ang mga iniipon mong pera?"
Sa totoo lang, patanong lang ang pagkakasabi ng host pero hindi naman talaga
siya umaasang sasagot si Lu Jinnian kaya pagkatapos niyang magsalita ay
ibinaba niya ang hawak niyang microphone para tignan ang susunod na tanong.
Kaya laking gulat niya nang biglang nagsalita si Lu Jinnian, na kilala ng lahat
bilang isang napaka personal na tao, "Para kay Qiao Qiao."