Pero sa pagkakataong ito…regular kasi silang nagsesex ni Lu Jinnian… araw-
araw… maraming beses…
Binilang niyang maigi kung ilang beses nilang ginawa mula noong nagkita sila
ulit at kung tama ang pagkakaalala niya, mahigit isang buwan na yung pinaka
una at yun pa yung sinundan niya ito sa America… Ibig sabihin, posible ngang
buntis siya.
Dahil wala siyang kamalay-malay na nabuntis siya noon, at nalaman niya pang
may pumatay sa inosente niyang anak, pinangako niya sa sarili niya na mas
magiging maingat siya kapag binigyan ulit siya ng pangalawang pagkakataon,
kaya ngayon na bigla siyang nagkaroon ng kakaibang espekulasyon, hindi na
siya nagdalawang isip na pindutin ang Jingdong para maghanap ng online
drugstore at magorder ng ilang pregnancy test kit.
Hindi pa siya sigurado kung buntis ba talaga siya, pero habang iniisip niya na
malaki talaga ang posibilidad, bigla siyang naging excited na kinakabahan.
Ito kasi ang unang pagkakataon niyang magiging nanay…Isa pa, bunga ito ng
pagmamahalan nila ni Lu Jinnian…
Kahit na hindi pa nasasagot ang malaki niyang katanungan, hindi niya mapigilan
ang sarili niya na himasin ang maliit niyang tyan habang iniisip ang magiging
itsura ng baby nila.
Maaga siyang nangulila, kaya ngayon na posibleng magiging magulang na rin
siya, gusto niyang subaybayan ang paglaki ng magiging anak niya.
Maganda siya at si Lu Jinnian naman ay… tinignan ni Qiao Anhao ang lalaking
natutulog ng mahimbing sa tabi niya. Sa araw-araw nilang magkasama,
masasabi niyang sanay na sanay na siya sa mukha nito… Napaka gwapo ni Lu
Jinnian. Kung babae ang magiging baby, walang duda na magiging sobrang cute
at napakaganda nito, samantalang kung lalaki naman, siguradong magiging
kagaya ito ng papa nito na sobrang gwapo…Kagaya nga ng sinabi niya kanina…
hindi pa siya sigurado pero sobrang saya at excited niya na.
Habang iniisip niya kung anong magiging future ng baby nila, bigla nalang
siyang nalungkot.
Galit sakanya ang buong internet ngayon at pinagbibintangan siyang naging
salawahan. Eh… paano nalang kung lumaki na ang magiging baby nila tapos
ibully ito sa school ng dahil sa scandal niya?
Naalala niya ang kinwento sakanya ng matandang nagpalaki kay Lu Jinnian…
Paano nalang kung iwasan at laitin din ng ibang tao ang magiging anak nila?
Alam niya na masyado pang maaga para pangunahan niya ang lahat pero
natatakot lang siya para sa kapakanan ng magiging baby nila.
Ayaw niyang maranasan ng anak nila kung gaano kasakit ang kayang gawin ng
mga maling tsismis.
Nagtitiwala naman siya kay Lu Jinnian na kaya nitong ayusin ang lahat… pero
sa ngayon, wala silang matibay na ebidensya kaya paano naman nila malilinis
ang mga pangalan nila?
Habang iniisip ni Qiao Anhao ang mga posibilidad, lalo lang siyang natatakot at
nalulungkot para sa mundong naghihintay sa magiging anak nila. Hindi niya
pwedeng pabayaan na kutsain ito ng ibang tao kaya kailangan niyang
magdesisyon…
Kung talagang buntis siya…Pwes kailangan na nilang mag'migrate ni Lu Jinnian
sa lalo't madaling panahon!
Sirang sira na ang pangalan niya sa bansang ito kaya siguradong habang buhay
na siyang pandidirihan ng mga tao. Kung totoo ngang buntis siya, hindi na siya
pwedeng magpasawalang bahala dahil hindi nalang siya at si Lu Jinnian ang
pinaguusapan dito ngayon. Magkakaroon na sila ng munting anghel kaya para
sa kapakanan nito, handa siyang magpakalayo at magumpisa ulit ng bagong
buhay.
-
Sa sobrang dami niyang iniisip, hindi niya na namalayan na nakatulog na siya
ulit kaya pagkagising niya kinabukasan, mataas na ang araw.
Noong nakaraang linggo, inutusan ni Lu Jinnian ang assistant nito na magset up
ng isang interview at nakaschedule ito ng Huwebes, alas tres impunto ng hapon.