Ramdam na ramdam ni Qiao Anhao ang pagmamahal at sinseridad sa bawat
salitang binitawan ni Lu Jinnian kaya pagkatapos nitong magsalita, hindi niya
napigilan ang isang luha na pumatak mula sakanyang mata.
Tama… bakit niya nga ba masyadong iniisip at dinidibdib ang opinyon sakanya
ng ibang tao?
Kahit na madumihan ang pangalan niya at magalit sakanya ang lahat… ano
naman ngayon?
Mayroon siyang Lu Jinnian na mahal na mahal siya, Lu Jinnian na pinapangrap
ng lahat ng babae sa buong mundo.
Ang Lu Jinnian na kakampi niya at handa siyang alagaan na parang
mamahaling kayamanan kahit pa basura na ang tingin sakanya ng buong
mundo.
Natupad na ang matagal niya ng pangarap kaya kuntento na siya at wala na
siyang iba pang kailangan…
Kumpleto na ang buhay niya ngayon at kahit pa paulit-ulit siyang subukan ng
buhay, ano naman?
Sobrang saya ni Qiao Anhao na si Lu Jinnian ang kasama niya sa kalagitnaan
ng malulungkot niyang araw kaya hindi niya napigilan ang sarili niya na bigla
itong yakapin sa leeg para halikan ang mga labi nito.
Nagulat si Lu Jinnian dahil hindi siya sanay na si Qiao Anhao ang unang
humahalik sakanya, pero sadlit lang siyang natigilan at hinalikan din ito ng mas
madiin.
Kakatapos lang nilang magsex kaya pareho pa silang pagod, pero sa mga oras
na 'to, gusto lang nilang samantalahin ang pagkakataon na iparamdam sa bawat
ang isa ang kanya-kanya nilang pagmamahal.
Napakatahimik ng buong paligid kaya rinig na rinig ang mga ungol nila.
Ilang beses silang nagpalit ng posisyon, pero ang pinaka huli, pumatong si Lu
Jinnian kay Qiao Anhao at gamit ang kanyang buong lakas, pinaranas niya rito
ang langit.
Kung maari lang, gusto niya pa sana ng isang round pero ayaw niya namang
pwersahin si Qiao Anhao dahil ramdam niyang pagod na pagod na ito at hindi
na makagalaw kaya niyakap niya nalang ito ng mahigpit.
Hindi niya maitago ang naguumapaw niyang pagmamahal para kay Qiao Anhao
kaya habang nakapikit ito, hinalikan niya ito sa kilay, sa leeg, at sa tenga, na
dahan-dahan niyang binulungan, "Qiao Qiao, mahal kita."
Napabaluktot si Qiao Anhao nang marinig niya ang bulong ni Lu Jinnian kaya
pagod na pagod siyang humiga sa braso nito at pabulong na sumagot, "Mahal
din kita."
At bago siya tuluyang makatulog, muling hinalikan ni Lu Jinnian ang kanyang
mga labi.
-
Punong puno ng problema ang maghapon ni Qiao Anhao at pagapit naman ng
gabi, sobrang nakakapagod ang mga ginawa nila ni Lu Jinnian kaya ilang
sandali palang siyang nakasandal sa braso nito ay nakatulog na siya kaagad ng
mahimbing.
Sobrang nakakapagod talaga ang sex nila ngayong gabi dahil bukod sa ilang
beses silang nagpalit ng posisyon ay buhos talaga ang emosyon, pero hindi
kagaya ni Qiao Anhao, hindi pa inaantok si Lu Jinnian. Hinintay niya lang na
lumalim ang paghinga nito bago siya muling dumilat at maingat itong ihiga ng
maayos sa unan. Dahan-dahan siyang bumangon at lumabas ng kwarto dala
ang kanyang phone.
Dumiretso siya sa study para manigarilyo pero nagbago ang isip niya dahil
natatakot siya na baka maamoy siya ni Qiao Anhao pagkabalik niya sa kwarto,
kaya bandang huli, binitawan niya nalang ang kaha na kinuha niya at tinawagan
ang kanyang assistant.
Kahit na medyo malalim na ang gabi, sumagot pa rin naman ang kabilang linya
pero bago ito magsalita, may narinig siyang nagsasaradong pintuan. "Mr. Lu."
"En…" sagot ni Lu Jinnian. Wala siyang balak na makipagusap ng matagal kaya
bago pa magtanong ang assistant ay inunahan niya na ito at walang paligoy-
ligoy na nagsalita, "Diba ilang beses akong tinawagan ng XXX station para sa
mainterview, pero hindi ako pumayag? Bukas, kausapin mo sila at
magpaschedule ka ng pinaka maagang interview."