"Anong charity gala?" Halata sa pagbaba ng boses ni Lu Jinnian na medyo
nainis siya sa mga sinabi ng assistant. "Pwede mo bang ipaliwanag kung
anong sinasabi mo?"
Akala ng assistant noong una nagbibiro lang ang amo niya, pero base sa
pagtatanong nito ngayon, nakumpirma niya na hndi talaga ito ang nasa likod
ng insidente sa charity gala.
Base sa karanasan niya, ramdam niya na magkakaroon ng tensyon kung
magpapaligoy –ligoy pa siya kaya dali-dali niyang idinetalye ang mga nangyari:
"Ganito kasi yun Mr. Lu… Nabalitaan ko lang 'to sa asawa ko. May isa siyang
coursemate sa university na nagpakasal kay Chief Liang ng Wanhe, two years
ago. Ngayong gabi, umattend yun ng annual charity gala ng Beijing at
kinuwento asawa ko na Xu family raw ang nanalo sa bidding ng final item pero
pagkaakyat ni Madam Xu para tanggapin ang rewad, may biglang nagplay sa
background na boses ng lalaki. Ang recording ay tungkol sa pagpatay ni
Madam Xu sa anak ni Miss Qiao…"
Habang nagsasalita ang assistant, biglang kumunot ang noo ni Lu Jinnian.
"Tinanong ko yung asawa ko kung anong mga narinig niya sa recording. Hindi
na kumpleto ang pagkakakwento niya, pero sigurado ako na 'yun ang recording
ng paguusap niyo ni Han Ruchu. Yung phone call niyo….Diba pagkatapos kong
ilipat yun sa recording pen, ibinigay ko sayo 'yun kaagad? Kaya akala ko ikaw
ang nasa likod ng mga nangyari kanina…"
Dahil sa paliwanag ng assistant, malinaw na kay Lu Jinnian ang lahat.
"Mr. Lu, siguradong sobrang lala ng naging reaksyon ni Han Ruchu habang
napapahiya siya sa harap ng maraming tao! Sayang naman hindi natin
napanuod!" Nanghihinayang na pagpapatuloy ng assistant.
Pagkatapos ng matagal na pananahimik habang nakikinig sa assistant, biglang
nagtanong si Lu Jinnian, "Tungkol sa recording pen, bukod sakin at sayo, may
iba pa bang nakakaalam ng tungkol dun?"
Nagulat ang assistant sa tanong ni Lu Jinnian kaya natigilan siya ng ilang
sandali bago siya nakasagot, na para bang may bigla siyang naalala, "Miss
Qiao."
Kasabay ng assistant, binaybay din ni Lu Jinnian ang parehong pangalan,
"Qiao Qiao."
Tama! Siya nga!
Tama ang sinabi ng assistant, iisa lang ang recording pen at sigurado siya na
itinago niya 'yun sa isang cabinet sa Mian Xiu Garden. Doon din nakatira si
Qiao Anhao kaya malaki ang posibilidad na nabuksan nito na nahanap nito ang
pinagtataguan niya. Isa pa, galing nga ito sa isang charity gala…
Kaya naman pala… bigla nalang itong nagpaliwanag ng mga nangyari noong
nakaraang Valentine's day. Sinabi rin nito na hindi ito ang nagtext sakanya ng
mga natanggap niyang message. Masyado siyang napangunahan ng saya at
kilig kaya nakalimutan niyang itanong ang pinaka mahalagang tanong;
nacomatose si Qiao Qiao kaya paano nga naman nito malalaman ang tungkol
sa mga text messages? Maliban nalang kung nabuksan rin nito ang kanyang
phone…
Pero higit sa lahat, pinahiya nito si Han Ruchu sa harap ng pinaka mayayama
at sikat na tao ng Beijing!
Hindi ba si Han Ruchu ang nanay ng taong minahal nito mula pagkabata?
Sa totoo lang, hanggang ngayon naman si Xu Jiamu pa rin ang pinaka
importanteng tao sa buhay nito…
Pero pinili nitong isuko si Xu Jiamu para sa anak nila…para ipaglaban ang
kasal nila…
Yung babaeng nagngangalang Qiao Anhao… gaano pa ba karami ang itinatago
nitong mga sorpresa?
"Mr Lu? Mr. Lu?" paninigurado ng assistant na nasa linya pa ang kausap niya.
Doon lang din nahimasmasan si Lu Jinnian at tuloy-tuloy niyang sinabi, "Ibook
mo ako ng ticket pauwi, yung pinaka maagang flight."
Hindi pa man din nakakasagot ang assistant, bigla niyang pinutol ang tawag at
nagmamadaling nag'empake.