Pagkalapit niya kay Lu Jinnian, napansin nito kaagad na may bakas ng inis sa
pagitan ng kanyang mga kilay kaya bigla ring kumunot ang noo nito at
nagtanong, "Anong nangyari?"
Sa mga normal na araw, pinaka mababa na ang kalahating kapag nagbyahe
mula Mian Xiu Garden papuntang sa set ni Qiao Anhao kahit pa walang traffic.
Ang sinabi nito sa phone ay maghintay siya ng twenty minutes, na hindi niya
naman masyadong sinersyoso kaya laking gulat niya na eksaktong labing-apat
na minuto palang ang lumimipas pero dumating na ito kaagad.
At siguro sa sobrang pagmamadali ni Lu Jinnian na puntahan siy, hindi nito
napansin medyo gusot pa ang kwelyo nito.
Dahil dun, bigla tuloy naramdaman ni Qiao Anhao na masyado siyang naging
isip bata. Ano naman kung iniinsulto siya ng ibang tao? Kailangan niya ba
talagang palakihin pa ang gulo at papuntahin si Lu Jinnian?
Nang makita ni Lu Jinnian na nakatitig lang sakanya si Qiao Anhao at parang
natatakot itong magsalita, lalo pang kumunot ang kanyang noo. Iniangat niya
ang kanyang ulo at isa-isa niyang tinignan ng masama ang mga taong nasa loob
ng make up room. Naramdaman niya kaagad may mga naiilang sakanya kaya
nasiguro niyang may nangyari talaga. Hindi nagtagal, muli siyang yumuko para
tanungin ulit si Qiao Anhao, "Ano ba talagang nangyari? May umaway ba sayo?"
Sa totoo lang, hindi naman talaga siya inaway… Gusto lang talaga siyang
pikunin ni Lin Shiyi, pero lalo lang siyang naipit dahil masyadong matalim ang
dila ni Zhao Meng noong pinagtanggol siya nito.
Higit sa lahat, noong tumawag siya kay Lu Jinnian, hindi manlang siya tinanong
nito at nagmadali talaga itong pumunta sa set.
Kapit pa sobrang sama ng loob niya, pakiramdam niya talaga na hindi dapat siya
nagsumbong kay Lu Jinnian. Sobrang nahihiya siya rito kaya imbes na
magkwento ay dahan-dahan siyang umiling.
Alam ni Lu Jinnian na may nangyaring hindi maganda kay Qiao Anhao pero
kahit gaano pa siya katalino ay hindi niya naman kayang hulaan kung ano ba
talagang nangyari. Natatakot siya na baka may namisikal dito kaya dali dali niya
itong tinignan mula ulo hanggang paa. Nang masigurado niyang wala naman
itong anumang galos, maingat niyang isiksik sa tenga nito ang buhok na
nagkalat sa mukha nito at mahinahong sinabi, Sabihin mo sa akin, sinong
umaway sayo?"
Nang marinig ng direktor ang tanong ni Lu Jinnian, doon lang siya nagising sa
katotohanan kaya dali-dali siyang ngumiti. Nagmamadali siyang naglakad
papunta sa dalawa at malambing na sinabi, "Mr. Lu, sa totoo lang wala naman
talagang nambubully kay Miss Qiao, nagkaroon kang ng konting hindi
pagkakaintindihan…"
Bago pa matapos ang direktor sa pagsasalita, si Lu Jinnian na malambing na
nakatingin kay Qiao Anhao ay biglang tumingin ng masama sa direktor. Sobrang
nakakatakot talaga ang kanyang itsura at noong sandaling magsalita na siya,
kahit sino ata ay mawawalan ng lakas ng loob na kumilos. "Tinatanong ba kita?"
Nanigas ang buong katawan ng direktor nang makita niya ang istura ni Lu
Jinnian habang nagsasalita. Sobrang natatakot siyang lumapit kaya huminto
siya sa paglalakad at ang masaya niyang ngiti ay napalitan ng pagka'ilang.
Buo na talaga ang loob ni Qiao Anhao na mapahiya sa harap ni Lu Jinnian, pero
ngayon na tinatanong na siya nito ay napayuko nalang siya dahil sa hiya.
Muling tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao para hintayin itong magsalita.
Dahil sa naging asta ni Lu Jinnian sa direktor, wala ng ibang naglakas loob na
magsalita at ang lahat ng nasa make up room ay tahimik nalang na naghintay ng
sunod na mangyayari.
At dahil dun, nabalot ng matinding katahimikan ang buong make up room.
Dahil sa sobrang pananahimik ni Qiao Anhao, lalo lang naramdaman ni Lu
Jinnian na mas malala pa ang nangyari kumpara sa una niyang inakala. Ayaw
niyang may nanakit dito kaya sa sobrang inis niya ay muli niyang iniangat ang
kanyang ulo para tignan si Zhao Meng at sinabi, "Sabihin mo sa akin kung
anong nangyari."