Hindi nagtagal, yumuko si Lu Jinnian para kunin ang bote ng orange juice at ang
sukli nito.
Dali daling isinuksok ni Qiao Anhao ang box sakanyang bulsa at hinawakan niya
ang basong walang laman para maitago ang pill na inilagay niya.
Pagkabalik ni Lu Jinnian dala ang inuming pinabili niya, binuksan muna nito ang
bote bago iabot sakanya.
Pagkakuha niya ng bote, una niyang sinalinan ang baso na may pill, at doon
palang siya nakahinga ng maluwag. Kumuha siya ng isa pang basong walang
laman na nilagyan niya rin ng orange juice.
Inilapag muna ni Qiao Anhao ang natirang orange juice sa lamesa bago niya
ibigay kay Lu Jinnian ang baso na nilagyan niya ng pill. Habang nakatingin sa
mga mata nito, kumurap siya at malambing na sinabi, "Para sayo."
Ang mga kadalasang iniinom ni Lu Jinnian ay kape, tsaa, o kaya simpleng tubig
lang. Hindi talaga siya mahilig sa mga matatamis na inumin kaya nang makita
niya ang juice, walang pagdadalawang isip siyang umiling bilang pagtanggi.
"Ayoko niyan."
Medyo nagalangan siya sa una niyang sinabi kaya muli siyang nagsalita para
hindi naman gaanong masakit ang dating kay Qiao Anhao. "Sayo nalang."
Sa loob loob niya, natatawa nalang siya sakanya sarili dahil kahit sobra na
siyang nasaktan ni Qiao Anhao noon, gusto niya pa ring pasayahin ito sa tuwing
nararamdaman niyang malungkot ito.
Hindi umimik si Qiao Anhao at nakahawak pa rin sa baso habang nakatitig sa
mga mata ni Lu Jinnian na parang inosenteng bata.
Nang lumaon, hindi na kinaya ni Lu Jinnian ang titig ni Qiao Anhao kaya wala na
siyang nagawa kundi kunin ang inumin mula sa kamay nito.
Ngumiti si Qiao Anhao at sa sobrang saya, maging ang kanyang mga mata ay
naghugis cresent moon. Kinuha niya ang kanyang baso at pinatama sa baso ni
Lu Jinnian bago niya ito tunggain ng walang hingahan.
Nakatitig lang si Lu Jinnian sa masayang ngiti ni Qiao Anhao. Pagkababa nito
ng baso, napansin nitong hindi pa siya umiinom kaya nagtanong ito sakanya.
Dahil hindi talaga siya makatanggi, yumuko nalang siya at tumikim ng kaunti.
Ang juice ay matamis na maasim. Kahit kailan ay hindi talaga nagustuhan ni Lu
Jinnian ang mga ganitong lasa, pero noong ilalapag niya na sana sa lamesa ang
baso, nakita niya na nakatitig pa rin sakanya si Qiao Anhao. Ilang sandali rin
siyang nagdalawang isip bago siya mapilitang tunggain ang buong laman ng
baso.
Nakatitig lang si Qiao Anhao kay Lu Jinnian habang hinihintay niyang maubos
nito ang laman ng baso bago niya muling kunin ang kanyang chopsticks para
magpatuloy sa pagkain. Sa loob loob niya, sobrang kinakabahan siya.
Ang pagkakasabi sakanya ni Zhao Meng ay kalahating oras daw bago umepekto
ang pill.. Ibig sabihin, kailangan na nilang makabalik sa hotel sa lalong madaling
panahon…
Nagmamadaling inubos ni Qiao Anhao ang pagkain na nasa kanyang bowl bago
siya muling tumingin kay Lu Jinnian na nakatitig nanaman sa bintana at sinabi,
"Tapos na ako."
Biglang ibinaling ni Lu Jinnian ang kanyang tingin. Walang imik niyang kinuha
ang kanyang wallet at naglakad papunta sa cashier.
Nang makalabas na sila sa restaurant, agad silang kumuha ng taxi at bumalik sa
hotel.
Pagkapasok nila sa elevator papunta sa pinaka itaas na palapag, nagumpisa ng
mamula ang mukha ni Lu Jinnian ay bumilis ang kanyang paghinga. Bigla ring
naging mapusok ang titig nito na para bang nagpipigil ng labis na pananabik.
Nang makalabas sila ng elevator, nagmamadaling naglakad si Lu Jinnian para
iwasan si Qiao Anhao.
Ramdam na ramdam ni Qiao Anhao ang naging pagbabago sa kilos ni Lu
Jinnian kaya hindi niya ito hinayaang makalayo at dali dali siyang tumakbo para
habulin ito. Habang binubuksan ni Lu Jinnian ang pintuan ng kwarto nito, bigla
siyang sumulpot sa harap kaya napayakap ito sakanya.