Matagal na umiyak si Qiao Anhao bago niya punasan ang kanyang mga luha
gamit ang kamay niya. Sumilip siya sa pintuan ng mga Qiao pero bigla siyang
naglakad palabas.
Hindi alam ni Qiao Anxia kung anong nangyari kay Qiao Anhao. Noong
dumaan ito sa kinatatayuan niya, dali dali siyang nagtago sa isang gilid. Dahil
sa kanyang pagmamadali, nasugatan siya ng tinik mula sa lantang rosas.
Hinawakan niya ang kanyang sugat at pinilit niyang huwag gumawa ng kahit
anong ingay hanggang sa makalampas si Qiao Anhao. Nang masiguro niyang
malayo na ang kanyang pinsan, lumabas siya sakanyang pinagtataguan at
nagtataka itong sinundan ng tingin.
"Xia Xia?" Nahimasmasan lang si Qiao Anxia noong narinig niya ang boses
ni Chen Yang, na hindi niya namalayan na nakahawak na sakanyang braso.
"Anong tinitignan mo?" Mahinahon nitong tanong habang nakatingin sa
direksyon ng tinitignan ng poste na nasa gilid ng walang katao taong kalsada.
Kumunot ang noo nito at nattatakang nagtanong, "Nasaan si Qiao Qiao?"
"Umalis na siya." Namumutla ang mukha ni Qiao Anxia noong sumagot siya
ng nakangiti kay Chen Yang.
"Anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?" Hinawakan siya ni Chen
Yang ng mahigpit sa sobrang pagaalala. Noong sandali ring iyon, nakita nito
ang parte ng kanyang kamay na tinatakpan niya kaya muling kumunot ang
noo nito at nagaalalang nagtanong, "Nasugatan ka? Paano yan nangyari?"
"Wala lang ito. Aksidente lang na nasugatan ako." Hindi nagtagal, parang
biglang nakaramdam ng pagod si Qiao Anxia kaya yumakap siya sa braso ni
Chen Yang at sumandal sa balikat nito.
"Bakit kasi hindi ka nagiingat? Naiinis na tanong ni Chen yang habang
niyayakap ang likod ni Qiao Anxia na para bang nasasasaktan din ito habang
nakikitang nasasaktan siya.
Hindi na sumagot si Qiao Anxia, pero habang nakasandal siya sa balikat nito,
hindi niya na napigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha.
-
Walang ideya si Qiao Anhao kung saan siya pupunta pero tuloy tuloy lang
siya sa paglalakad.
Sa kalaliman ng New Year's Eve, wala ng katao tao sa klasada at madalang
lang ding may dumaan na sasakyan.
Sa mga oras na ito, ang nakasanayan niyang buhay na buhay na mga
tindahan sa gilid ng kalsada ay kasalukuyang nakasarado. Wala siyang ibang
marinig kundi ang sunod sunod na tunog ng paputok na minsan ay nanggaling
sa malapit at minsan naman ay mula sa malayo.
Matagal na naglakad si Qiao Anhao bago siya huminto. Malalim na ang gabi
kaya wala ng mga taxi na pumapasada at ang tanging paraan para makauwi
siya ay ang magantay ng bus.
Sampung minuto palang siyang naghihintay pero nainip na siya kaya
napagdesisyunan sukuan na ang paghihintay ng bus. Sakto, noong mga oras
na 'yun, may nakita siyang matandang babae na tumatawid ng kalsada.
Halatang matanda na talaga ang babae dahil sa puti nitong buhok, pero
kayang kaya pa nitong maglakad ng mabilis.
Noong malapit na ang matanda sa parte ng kalsada kung nasaan si Qiao
Anhao, sakto namang may dumaan na isang motor na kumakaripas ng takbo.
Hindi natamaan ang matandang babae pero sa nagulat ito sa nangyari.
Sa takot ng matanda, nawalan ito ng balanse at natumba sa sahig.
Imbes na tumigil ang motor ay lalo pa itong kumaripas ng takbo at sa isang
iglap lang ay nawala ito na parang bula.
Nakaupo lang ang matanda sa kalsada at hindi tumatayo. Marami ng
napanuod na balita si Qiao Anhao na may mabubuting puso na tumutulong sa
isang matanda na natumba rin, pero bandang huli ay manloloko pala ito, kaya
natatakot siya na baka isa itong modus.
Pero noong naalala niya na ngayon ay New Year's Eve, bigla siyang
nakaramdam ng awa sa matanda dahil sa sitwasyon nito na magisa sa
kalsada sa kalaliman ng gabi.
Medyo nagalangan pa si Qiao Anhao noong una, pero bandang huli desido
siyang tulungan ang matanda kaya tumayo siya at naglakad papalapit dito.
Tatanungin niya sana kung kamusta ang pakiramdam ng matandang babae
nang bigla itong magsalita na halatang sobrang saya.
"Jinnian?"