"Paano mo magagawang tumingin kay Xu Jiamu, na minsan ng nagligtas ng buhay mo? Sa loob ng maraming taon, wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mabait sayo, nakalimutan mo na ba? May puso ka ba!"
Si Lu Jinnian, na kanina pa nanahimik, ay hindi na nakapagpigil kaya kahit hindi pa tapos si Han Ruchu sa sinasabi nito ay bigla siyang nagsalita, "Mrs. Han, nasabi mo na ba ang lahat ng gusto mong sabhin?"
Bago pa makasagot si Han Ruchu, muli nanamang nagsalita si Lu Jinnian at sa pagkakataong ito, tuluyan ng natiglan ang nasa kabilang linya….
Hindi na kayang manahimik ni Lu Jinnian kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita na di hamak na mas kalmado ngunit halata pa ring may diin ng pagkasuklam. "Pwede kong sabihin kay Xu Jiamu na malinis ang konsensya ko! Eh ikaw? Mrs. Han, kaya mo rin bang gawin 'yun? Bilang isang nanay, kaya mo bang maging tapat at sabihing ginawa mo ang lahat ng may malinis na konsensya?"
"Nagbibiro ka ba! Ninakaw mo ang lahat kay Jiamu. Sinasabi mo ngayon na malinis ang konsensya mo, pero nakalimutan mo na ba na isa kalang hampas lupa na dapat na hindi na ipinanganak sa mundong ito! Ang nanay mo ay isang nakakahiyang kirida at bilang nanay ni Jiamu, bakit naman ako makokonsensya?"
Matapos manakaw ni Lu Jinnian sa loob ng isang araw ang Xu Enterprise na dugo't pawis na pinaghirapan ni Han Ruchu, nagawa pa rin nitong magsalita na parang walang nangyari. Nagpatulooy ito sa pangiinsulto kina Lu Jinnian at sa nanay nito. "Ipapaalala ko lang sayo, na kahit mapasayo pa ang Xu Enterprise, hinding hindi mo pa rin mababago na isa ka lang hampas lupat at hindi mo maitatanggi ang katotohanan na ang nanay mo ay isang pokpok!"
Napakunot ang noo ni Lu Jinnian sa sobrang galit. Napahawak siya ng mahigpit sakanyang phone at sinabi, "Oo. Tama ka. Isa ngang pokpok ang nanay ko. Ang nanay ko ay isang kirida na nagbigay ng buhay sa akin. Ngayon palang naming natanggap ang hustisyang kailangan namin. Kahit na mahirap lang ang nanay ko, bilang anak niya, naging mabuti pa rin siyang ina, isang napakagaling na ina at hindi kagaya mo na isang kriminal!
Biglang natigilan si Han Ruchu. "Anong ibig mong sabihin?"
Hanggat maari, walang balak si Lu Jinnian na pagsalitain si Han Ruchu kaya muli siyang nagtanong na para bang naghahamon, "Iniisip ko nga kung alam nab a ni Jiamu na ang kamay ng nanay niya ay punong puno ng dugo. Hindi na ito naawa sa isang dalawang buwang taong gulang na bata…. Ang kayang magiging tingin niya sayo sa oras na mamulat siya sa katotohanan?"
Matalino si Han Ruchu kaya nakakutob na siya kaagad noong unang beses palang na magsalita si Lu Jinnian. Ngayon na direkta na siyang tinanong nito, agad niyang naintindihan ang gusto nitong sabihin, "So alam mo na pala."
"Oo, alam ko na. Dahil sa sleeping pills na nilagay mo sa swallow's nest ni Qiao Anhao kaya siya nakunan. Mrs. Han, sobrang pinaghandaan mo ang lahat, pero nakakahiya ka dahil ikaw mismo ang gumawa ng paraan para mapahamak ka."
"Kailan mo nalaman?" Tanong ni Han Ruchu.
Hindi sumagot si Lu Jinnian.
Makalipas ang ilang sandali, muling nagsalita si Han Ruchu, "Kaya pala napurnada ang investment ko na nagkakahalaga ng ilang bilyon ay dahil minanipula mo ito? Ikaw din ang dahilan kung bakit lalong bumagsak ang stocks ng Xu Enterprise? Gusto mong agawin ang Xu Enterprise para maghirap kami ni Wanli, tama ba ako?"