[Kung may kailangan o hindi ka alam, tanungin mo lang ako.]
-
Wala masyadong trabaho si Lu Jinnian sa buong maghapon at habang nagmimeeting, hindi niya namalayan na natulala na siya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kagabi. Parang isang napakagandang panaginip ng lahat.
Pagkatapos ng una niyang meeting, bumalik siya kaagad sa kanyang office at kinuha ang kanyang phone para muling itext si Qiao Anhao. [Gising ka na?]
Saktong pasubo na si Qiao Anhao ng umagahan na binili ni Lu Jinnian bago ito pumasok sa trabaho nang matanggap niya ang text nito. May hawak siyang dough fritters kaya nagvoice message nalang siya. Pabulong siyang sumagot, "Gising na ako."
[Anong ginagawa mo?]
Nagsend si Qiao Anhao kay Lu Jinnian ng picture.
Biglang napanatag si Lu Jinnian nang makita niya ang pamilyar na dining area at ang umagahan na binili niya kaninang umaga.
Hindi siya nananaginip, nagdivorce na nga talaga sina Qiao Anhao at Xu Jiamu. Single na ito ulit at kasalukuyang nakatira sa bahay niya…
Halo halong emosyon ang bigla niyang naramdaman. Kailanman, hindi niya naisip na darating ang araw na makakapasok siya sa puso ni Qiao Anhao, pero ngayon, parang nakita niya na ang liwanag na matagal niya ng hinihintay. Hindi niya pa alam kung anong gagawin niya dahil hindi niya pa rin maiwasang mainsecure.
Si Qiao Anhao ang tanging babaeng minahal niya sa loob ng labintatlong taon. Sumuko lang siya noong nalaman niyang si Xu Jiamu ang mahal nito. Pero ngayong wala na sa eksena ang kanyang kapatid, pakiramdam niya ay ito na ang pagkakataong matagal niya ng hinihintay at handa siyang ialay ang kanyang buong buhay para lang makuha si Qiao Anhao.
Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng sapat na lakas ng loob na ligawan ito dahil natatakot siya na baka sa isang pagkakamali niya lang ay mawala ang lahat.
Para itong isang sugal, at sa ngayon ay wala siyang sapat na lakas ng loob. Pero kahit anong mangyari, hindi siya susuko at gagawin niya ang lahat hanggang sa makuha niya si Qiao Anhao.
Labintatlong taon siyang naghintay…Pagkalipas ng labingtatlong taon, sa wakas dumating na ang tamang pagkakataon.
Masyadong mahaba ang panghabang buhay. Kung hindi niya man makuha si Qiao Anhao ng isang taon, handa siyang sumugal ng isa pang taon, o kaya tatlo o apat na taon… O kahit hanggang sa susunod na labintatlong taon…
-
Bago ang pangalawa niyang meeting sa hapon, muling nagtext si Lu Jinnian kay Qiao Anhao para tanungin kung anong ginagawa nito.
Habang nasa kalagitnaan siya ng meeting, saka lang sumagot si Qiao Anhao ng isa nanamang voice message. Pagkatapat niya ng kanyang phone sa tenga niya, nalaman niyabg nanunuod ito ng TV. Narinig niya rin ang mahinang tunog ng advertisement na pinapanuod nito.
Ibinaba niya ang kanyang phone para muling magtext, [Anong pinapanuod mo?]
Agad na sumagot si Qiao Anhao ng isa pang voice message at kagaya ng una niyang ginawa, muli niyang itinapat ang kanyang phone sa tenga niya, pero sa pagkakataong ito, saktong katatapos lang magpresent ng marketing director kaya tumingin ito sakanya at nagtanong, "Ano sa tingin mo, Mr. Lu?"
Nang hindi siya sumagot, nagtaka ang mga kasama niya kaya nagtinginan ang mga ito sakanya at noong sandaling 'yun, nakita ng lahat na may pinakikinggan siya sakanyang phone.
Kahit na may mga pagkakataon noon na nawawala rin siya sakanyang sarili habang nagmimeeting, ito ang unang beses na ginawa niya ito ng bulgaran. Nagtinginan ang mga directors hanggang sa muling magtanong ang market research director, "Mr. Lu?"
Ibinaba ni Lu Jinnian ang kanyang phone, at ang buong akala ng lahat ay magsasalita na siya pero bigla siyang nagtype.
Umubo ang kanyang assistant na nasa tabi niya sa pagbabakasakaling makuha nito ang atensyon niya pero noong hindi pa rin siya sumagot, hindi na nito napigilang sipain ng malakas ang binti niya na nasa ilalim ng lamesa.
Pero masyadong napalakas ang pagkakasipa nito, kaya nagulat si Lu Jinnian at aksidente niyang napindot ang voice message.