Kahit na pinaguusapan na siya, nagawa niya pang makinig at natatawa lang siya sa biglang pagbabago ng itsura ng mga babae noong lapitan ang mga ito ni Lu Jinnian.
Noong mga sandaling iyon, hindi niya napigilan ang sarili niya na mapangiti.
Pero pagkabalik ni Lu Jinnian sa upuan nito, halatang hindi ito mapalagay at nagaalalang sinabi sakanya, "Qiao Qiao, wag kang makinig sakanila…" Noong mga oras na 'yun, bigla nalang siyang natigilan at napahinto sa pagkakangiti.
Naalala niya ang mga nangyari kagabi sa Beijing hotel. Kitang kita niya na kinaladkad ni Lu Jinnian si Xu Jiamu papunta sa CR at ang mga narinig niyang sinabi nito sa assistant habang nasa phone. Habang iniisip niya ang mga ginawa ni Lu Jinnian para sakanya, hindi niya na napigilan ang sarili niyang maiyak.
Hindi alam ni Lu Jinnian ang gagawin niya pero buti nalang dumating na ang mga pagkain. Walang pagdadalawang isip niyang hinila ang tissue na nakabalot sa chopsticks at dali-daling ibigay kay Qiao Anhao. "Hindi ka ba nagugutom? Kumain ka na. Anong gusto mong kainin?"
Pagklatapos na pagkatapos niyang magtanong, napansin niya na nakatingin si Qiao Anhao sa roasted chicken kaya nagmamadali siyang kumuha nito oara lagyan ang bowl ni Qiao Anhao.
Noong mga sandaling iyon, tuloy tuloy na sa pagiyak Qiao Anhao.
Hindi mapakali si Lu Jinnian kaya nabitawan niya ang chopsticks na nasa kamay niya. Dali dali siyang yumuko para pulutin ito sa sahig pero noong hawak niya na ito, may bigla siyang naalala kaya agad niya itong binitawan at nagmamadaling nagabot ng tissue kay Qiao Anhao ng tissue.
Pinagmamasdan ni Qiao Anhao ang kilos ni Lu Jinnian at kitang kita niya ang mga kapalpakan nito kaya hindi niya napigilang matawa noong kinuha niya ang tissue. Habang pinupunasan ang kanyang luha niya, nakangiti niyang sinabi, "Lu Jinnian, bakit mo ibinalik ang chopsticks sa sahig?"
Hindi pa marerealize ni Lu Jinnian ang mga ginawa niya kung hindi pa sinabi ito nagtanong sakanya. Ngumiti lang siya habang patuloy na nakatingin kay Qiao Anhao sa sobrang pagaalala.
Nagbuntong hininga si Qiao Anhao para kalmahin ang sobra saya na nararamdaman niya. Kinuha niya ang bote ng wine at nilagyan ang mga baso nila. Pagkabigay niya kay Lu Jinnian ng isang baso, itinaas niya ang kanya at sinabi, "Cheers!"
Walang pagdadalawang isip na inubos ni Qiao Anhao ang laman ng baso niya.
Habang pinagmamasdan si Qiao Anhao, biglang napalunok si Lu Jinnian ng laway niya at dali dali niya ring inubos ang laman ng kanyang baso.
Muling kinuha ni Qiao Anhao ang bote ng wine para lagyan ulit ang mga baso nila. Sa pagkakataong ito, hindi niya muna ininom ang wine niya, bagkus, tumingin siya kay Lu Jinnian at seryosong sinabi, "Lu Jinnian, ang unang baso ay pasasalamat ko sayo para sa lahat ng ginawa mo para sa akin."
"At ang basong ito naman ay para icelebrate ang pagbalik ko sa pagiging single." Habang masayang nakangiti, bahagya niyang pinagtama ang mga baso nila ni Lu Jinnian at muli niya nanamang inubos ang kanyang wine.
Ang pangalawang baso ay para icelebrate ang pagbalik sa pagiging single…Anong ibig nitong sabihin? Biglang kumunit ang noo ni Lu Jinnian at nakatitig lang siya kay Qiao Anhao.
Pagkababa ni Qiao Anhao ng kanyang baso, agad niyang pinunasan ang mga natirang wine sa kanyang mga labi pero nang makita niyang hindi ginalaw ni Lu Jinnian ang alak nito, nagtataka siyang nagtanong, "Bakit hindi ka uminom?"
Kumurap si Lu Jinnian at hindi pinansin ang tanong nito. "Anong ibig sabihin ng sinabi mo?"
Tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian ng diretso sa mga mata at nagpaliwanag, "Kagaya ng sinabi ko, nagdivorce na kami ni Xu Jiamu kanina."