Descargar la aplicación
50.25% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 489: Divorce (10)

Capítulo 489: Divorce (10)

Editor: LiberReverieGroup

Gusto sanang magpaliwanag ni Qiao Anhao na magdidivorce na sila ni Xu Jiamu sa loob ng ilang araw, at kapag nangyari 'yun, pwede na siyang makipagdate kay Lu Jinnian kahit kailan niya gustuhin.

Pero sa ngayon, asawa pa rin siya ni Xu Jiamu at kung ipagpapatuloy niya ang pakikipagkita kay Lu Jinnian, siguradong mahihirapan na siyang linisin ang pangalan niya.

Kaya naisipan niya na sakyan nalang ang gustong mangyari ng kanyang aunt para hindi na lumala ang problema. Noong sandali ring iyon, magalang siyang tumungo at sinabi, "Naiintindihan ko po na nagkamali po ako. Magkaklase lang po kami ni Lu Jinnian at wala pong namamagitan sa amin."

Tuluyan ng nakahinga ng maluwag si Mrs. Qiao nang marinig niya ang kasiguraduhan mula kay Qiao Anhao. Marami pa itong sinabi sakanya sakanya na kadalasan ay patungkol sa kung paano maging isang mabuting asawa. Hindi nagtagal, sumunod siya kay Mrs. Qiao pababa para humingi ng tawad kay Han Ruchu. Nangako siya na kahit kailan ay hindi na ito mangyayari muli.

Dahil likas na maayos ang relasyon ng mga Qiao at Xu, pinatawad naman ni Han Ruchu si Qiao Anhao kahit hindi talaga siya natuwa sa nangyari.

Kumpara kanina, medyo mas gumaan na ang pakiramdam sa loob ng mansyon. Para mas sumaya, naisipan ni Mr. Qiao na tawagan si Xu Jiamu para sabay-sabay na silang kumain ng dinner.

-

Pagkatapos nilang kumain, uminom muna ng sandali si Mr. Qiao at si Xu Jiamu, pero hindi nagtagal ay tinawagan na rin nila ang driver para makauwi na sila.

Wala pa ang driver ni Xu Jiamu noong lumabas sila ng bahay ng mga Qiao kaya naisipan muna nilang maglakad lakad. Pero hindi pa man din sila nakakalayo, bigla ng sumakit ang mga paa ni Qiao Anhao kaya umupo nalang sila sa isang bench.

Nakaharap ang bench sa isang maliit na park na may mga batang nag'iice skating.

Habang nanunuod si Qiao Anhao, naalala niya bigla ang kabataan nila inalala niya. Dati, madalas din silang maglaro dito nina Qiao Axia at Xu Jiamu. "Brother Jiamu, naalala mo noong tinuturuan mo ako magice skating dito?"

"Pero hanggang ngayon, hindi mo pa rin kayang magskate ng magisa. Sa tingin ko di ako magaling na teacher."

Ngumiti lang si Qiao Anhao. Iniangat niya ang kanyang ulo para pagmasdan ang poste ng ilaw at muli siyang nagsalita, "Brother Jiamu, pasensya ka na sa mga litrato. Naging katatawanan ka pa tuloy."

"Wala yun. Ano namang kailangan mong ihingi ng tawad? Masyado lang gumagawa ng issue ang nanay ko. Kinailangan ng kapatid kong magpanggap bilang ako at walong buwan kayong naging magasawa. Sa ganun kahabang panahon, kahit nga ata mga hindi magkakilala ay magiging sobrang lapit sa isa't-isa. Isa pa, kumain lang naman kayo at wala ng dapat palakihin, diba? Sana wag mo masyadong dibdibin, mataas lang talaga ang pride ng nanay ko. Pag nagdivorce na tayo, magiging malaya ka na."

Napangiti nalang ulit si Qiao Anhao at habang nakatinngala sa kalangitan ay muli siyang nagtanong, "Brother Jiamu, anong gagawin mo pagkatapos nating magdivirce? Magpapakasal ka ba ulit sa para sa pera?"

Kung may magtatanong kay Xu Jiamu ng kaparehas na tanong bago siya maaksidente, walang dudang sasang ayon siya. 


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C489
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión