Itinuro ni Madam Chen ang lamesa at sinabi, "Tignan mo, hindi na sya
nakakain masyado."
Sinilip ni Lu Jinnian ang pagkain na nasa lamesa bago niya muling tignan si
Qiao Anhao.
Biglang namula si Qiao Anhao nang marinig niya ang sinasabi ni Madam Chen
pero lalo pa siyang namula noong napansin niya na nakatingin sakanya si Lu
Jinnian kaya bigla siyang napayuko at naalala niya na hindi pa pala nila
kinaklaro sa pamilya ang tungkol relasyon nila.
Bago makauwi sina Lu Jinnian, nakapaginit na si Madam Chen ng tubig kaya
agad silang nakaligo pagkabalik nila. Nang matapos silang mag'ayos ng
kanilang mga sarili, tumila na rin ang ulan at umaliwalas na ang kalangitan na
siyang muling nagliwanag sa baryo.
Naglakad si Qiao Anhao pabalik sa kwarto nila na may dalang mainit na
salabat. Pagkapasok niya, bigla nalang nagbago ang kayang itsura nang
makita niyang tumutulo pa ang buhok ni Lu Jinnian sa sobrang pagkabasa.
Agad niyang inilapag ang mainit na salabat sa lamesa para kumuha ng tuyong
tuwalya sa labas.
Habang nakaupo sa kama, hindi inalintana ni Lu Jinnian ang tumutulo niyang
buhok at dahan-dahang humigop ng maiit na salabat.
Hindi nagtagal, naglakad si Qiao Anhao papalapit sakanya na may dalang
tuyong twalya para patuyuin ang buhok niya.
Hindi niya inaasahan na gagawin 'yun sakanya ni Qiao Anhao kaya nang
mapahinto siya sa paghigop, bigla niyang natapunan ang sarili niyang kamay
ng mainit na tsaa. Sobrang namula ang bahagi ng kamay niya na napaso pero
hindi niya ito ininda, at yumuko siya para magpatuloy sa paghigop ng tsaa.
Nabalot ang buong silid ng katahimikan pero hindi nagtagal, biglang nagsalita
si Qiao Anhao, "Nagkamali si Madam Chen ng iniisip."
Hindi kaagad naintindihan n Lu Jinnian ang ibig sabihin ng sinabi ni Qiao
Anhao kaya medyo natagalan siya bago sumagot ng isang mahinang "Oh"
bago niya ilapag ang tasa sa lamesa na nasa tabi niya.
Nang makapa ni Qiao Anhao na medyo tuyo na ang buhok ni Lu Jinnian,
naisipan niyang lumabas muna para isampay ang ginamit niyang tuwalya pero
hindi niya napansin na nakaharang ang paa ni Lu Jinnian kaya napatid siya at
nalaglag sa mga braso nito. Namula ang buong mukha ni Qiao Anhao at dali-
dali niyang sinubukang tumayo pero biglang hinawakan ni Lu Jinnian ang
kamay niya.
Nanigas ang buong katawan ni Qiao Anhao at nang iangat niya ang kanyang
ulo, nagtagpo sila ng mga mata ni Lu Jinnian na saktong nakatingin rin
sakanya.
Noong mga sandaling iyon, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi
niya maintindihan kung anong gagawin niya.
Makalipas ang ilang sandali, naramdaman niya na dahan-dahang iniangat ni
Lu Jinnian ang kamay nito sa may bandang batok niya at hindi nagtagal,
naramdaman niyang papalapit na ito ng papalapit sakanya.
Parang biglang tumigil ang tibok ng kanyang puso. Nanginginig ang mahahaba
niyang mga pilikmata hanggang sa hindi niya na kinaya at tuluyan na siyang
pumikit. Noong mga oras na iyon, ramdam na ramdam niya ang mainit na
hininga ni Lu Jinnian na sobrang lapit sakanya.
Hindi niya na alam kung anong gagawin niya kaya napalunok nalang siya ng
laway niya. Kahit na nakapikit siya ramdam niya na sobrang magkalapit na ng
mga labi nila ni Lu Jinnian…hanggang sa tuluyan na ngang maglapat ang mga
ito.
Biglang naginit ang kanyang buong katawan at lalo pang nanginig ang
mahahaba niyang mga pilikmata.
Matagal na magkalapat ang mga labi nila pero bago siya tuluyang naghalikan
pero noong sandaling ipapasok na sana ni Lu Jinnian ang dila nito sa bibig
niya, bigla namang sumigaw si Madam Chen. "Mr. Lu, Miss Qiao, nandito na
ang sundo niyo!"