Sumandal si Lu Jinnian sa upuan ng sasakyan at ipinikit ang kanyang mga mata. Biglang umilaw ang screen ng kanyang phone at nakita niya na nay inupload si Qiao Anhao sa Weibo.
Hindi niya na pinapasok ang kanyang assistant at inutusan itong ihinto nalang ang sasakyan sa tapat ng bahay ng isa sa mga kapitbahay nila sa Mian Xiu Garden. Lumabas siya ng magisa at naglakad papasok.
Nakalock ang mga gate ng Mian Xiu Garden kaya kinapa niya ang kanyang bulsa at medyo natagalan bago niya tuluyang mahanap ang mga susi. Yun ang mga susing ibinigay sakanya ni Qiao Anhao bago ito bumaba ng sasakyan noong araw na naghiwalay sila. Malinaw pa rin sakanyang alaala kung paano niya ibinigay ang mga susi kay Qiao Anhao noong mga panahong hindi pa sila masyadong malapit sa isa't-isa. Ginawa niya ang lahat para magpanggap na ilag sa takot na ipakita ang tunay na kaligayahan na nararamdaman niya.
Binuksan niya ang lock at itinulak ang bakal na gate para makapasok. Dahil wala na si Madam Chen, kalahating buwan na ring hindi nawawalisan ang bakuran. Tandang tanda niya pa na noong araw na umalis si Qiao Anhao ay punong-puno ang buong bakuran ng mga bulaklak, pero ngayon, lanta na ang mga ito at nagsihulugan na rin sa lupa.
Tumayo si Lu Jinnian sa ibabaw ng mga nalantang bulaklak sa may pintuan ng mansyon. Agad niyang binuksan ang pintuan nang pumasok ang password na inenter niya at naglakad papasok.
Walang kalaman-laman ang mansyon, gaya ng puso niya. Umakyat siya sa kwarto nila sa itaas at parehong-pareho ito noong araw na umalis si Qiao Anhao. Nakasarado ang mga bintana pero dahil nagkaroon ng bagyo noong nakaraang araw, may mga bakas ito ng putik na buhat ng naging pagulan.
Hindi makahinga ng maayos si Lu Jinnian sa sobrang katahimikan. Tinignan niya ang bag na nasa sahig ng changing room at inalala ang sinabi ni Qiao Anhao bago ito umalis: Nasa loob nito ang mga damit na hindi na nito gustong gamitin.
Natigilan siya ng ilang sandali bago niya ito lapitan. Binuksan niya ang bag at isa-isang inilabas ang mga damit na nasa loob nito. Hindi nagtagal, kinuha niya ang hanger mula sakanyang mga damit para isabit ang mga damit nito.
Nasa loob rin ng bag ang ilan sa mga ginagamit na panlinis ni Qiao Anhao. Hinugasan niya ang mga ito sa shower at isa-isang ibinalik sa orihinal nitong posisyon.
Nang maiayos niya na ang lahat, di hamak na mas gumaan na ang pakiramdam ni Lu Jinnian. Pagkabalik niya ng mga naiwang gamit ni Qiao Anhao sa kanya-kanya nitong mga pwesto, naramdamam niya na kasama niya pa rin itong nakatira sa masyon.
-
Simula noong madischarge si Xu Jiamu sa ospital, kalahating buwan na siyang hindi lumalabas sa kanilang bahay. Hindi niya rin magawang makapaglakad kahit sa sarili lang nilang bakuran dahil labis na nangangamba si Han Ruchu o ang mayordoma na muli siyang maaksidente kaya sinisigurado ng mga ito na maraming katulong ang aalalay sakanya.
Malinaw kay Xu Jiamu na tunay ngang nakakainggit ang masaganang buhay na mayroon siya pero kung pakiramdam niya ang pagbabasehan, para siyang nakakulong na hindi maaring gawin ang mga bagay na gusto niya. Isang araw, nakahanap siya ng magandang tiyempo na makalabas ng bahay noong may kinailangang asikasuhin si Han Ruchu sa kumpanya nila samantalang ang mayordoma naman ay abala sa pagluluto.
Bago pa man din tuluyang makalabas ng front door si Xu Jiamu, nakatawag na siya ng taxi kaya wala na siyang problema. Pagkapasok niya ng sasakyan, agad niyang sinubukang tawagan ang ilan sa mga malalapit niyang kaibigan para samahan siya.
Dahil hindi pwedeng uminom si Xu Jiamu, pinagisipan niyang mabuti kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin hanggang sa mapagdesisyunan niyang ipagluto nalang ng masarap na gabihan ang kanyang mga kaibigan sa Mian Xiu Garden.
Pumunta siya sa isang supermarket para bumili ng ilang ingredients at iniwan ang address ng Mian Xiu Garden, kung saan niya gustong maideliver ang mga pinamili niya.
Nagpadala ang Xu family ng taong maglilinis ng Mian Xiu Garden. Dalawang minuto palang ang nakakalipas mula noong nakarating si Xu Jiamu nang dumating sina Qiao Anxia at Chen Yang. Tinawag niya ang dalawa para paupuin ang mga ito pero noong ikukuha niya na sana ng tubig ang mga ito, bigla namag tumunog ang doorbell. Ito ang hinihintay niyang food delivery mula sa supermarket.
Itinuro ni Xu Jiamu ang water dispenser bilang senyas kay Qiao Anxia na kumuha nalang ito ng tubig. Binuksan niya ang pintuan para kunin ang kanyang order mula sa delivery man at noong oras na din na iyon, saktong nakita niya si Lu Jinnian na nakatayo sa balkonahe ng katabing mansyon.