Descargar la aplicación
39.36% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 383: Saan ba ako nagkulang? (13)

Capítulo 383: Saan ba ako nagkulang? (13)

Editor: LiberReverieGroup

Hindi maipaliwanag ni Qiao Anhao ang nararamdaman niya noong sandaling iyon. Matagal ng nakaalis ang nurse pero pakiramdam niya ay kasama niya pa rin ito dahil paulit ulit niya pa ring naririnig ang mga sinabi nito na dumurog sa kanyang puso.

Matagal siyang nablangko habang nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan hanggang sa may dumating na isa pang sasakyan. Dahil masyadong makitid ang eskinita, binusinahan siya nito at bigla siyang nahimasmasan dahil sa nakakabinging ingay na ginawa nito. Pagkaangat niya ng kanyang ulo, nakita niya na nakagawa ng paraan ang sasakyan at lumampas na ito sakanya. 

Hindi nagtagal, may narinig siyang isang pamilyar na tunog. Narealize niya lang na may tumatawag sakanya nang tuluyan ng makalagpas ang sasakyan. Yumuko siya para tignan ag kanyang screen at nakita niya ang pangalang 'Lu Jinnian'.

Nang makita niya ang dalawang salitang ito, pakiramdam niya ay may karayom na tumutusok ng marahas sakanyang puso. Dumaloy hanggang sa kanyang mga daliri ang sakit kaya kinailangan niyang gumamit ng maraming lakas para lang maiangat ang kanyang phone. Bandang huli, si Zhao Meng pala ang tumatawag sakanya.

Sinagot ni Qiao Anhao ang tawag pero bago pa man din siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Zhao Meng na sobrang nagaalala para sakanya. "Qiao Qiao, saan ka ba nagpunta? Hinihintay ka ng buong crew…"

Ikinibit lang ni Qiao Anhao ang kanyang mga labi at hindi sumagot. Hindi nagtagal, bigla niyang narinig ang kalmado at nagaalalang boses ni Lu Jinnian. "Nasan ka?"

Biglang pumakla ang panlasa niya. Iginalaw niya ng bahagya ang kanyang dila at nang mas maging kalmado na ay sinabi niya, "May biglang pinaasikaso sa akin si uncle kaya hindi na ako nakapagpaalam sainyo."

Walang intensyon si Lu Jinnian na pagalitan siya. "Tapos ka na ba?"

"Oo, kakatapos ko lang."

"Hintayin mo ako jan, susunduin kita."

"Huwag na, may dala akong sasakyan…"

Hindi pa tapos magsalita si Qiao Anhao nang muli nanamang magsalita si Lu Jinnian. "Nacancel ang mga eksena para sa araw na 'to at may mga gustong makipagkita sayo ngayong hapon mula sa commercial na tinanggap mo."

Ibinaba ni Qiao Anhao ang tawag at nang silipin niya ang kanyang sarili sa rear view mirror, nakita niya ang mukha niyang nabalot ng luha. Agad niya itong pinunasan at huminga ng malalim. Noong nakita niyang bumalik na sa normal ang kayang itsura, binuksan niya na ang kanyang sasakyan at inapakan ang accelerator ngunit muli nanamang namula ang kanyang mga mata.

-

Naghihintay si Lu Jinnian kay Qiao Anhao sa ibaba ng mall na malapit sa ari-arian ng mga Qiao at halos sampung minuto na noong dumating ito. Mula sa rear view mirror, nakita ni Qiao Anhao na paparating ang sasakyan ni Lu Jinnian. Dahan-dahan itong huminto sa tabi niya at tuloy-tuloy ang pagilaw ng hazard lights nito.

Nakababa na si Lu Jinnian bago pa man lumabas ang kanyang assistant para mapagbuksan sana siya ng pinto. Naglakad siya papunta sa sasakyan ni Qiao Anhao para binuksan ang pintuan nito at napanatag lang siya nang makita niyang maayos ang lagay nito habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Mahinahon siyang nagtanong, "Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako." Pinilit ni Qiao Anhao na ngumiti kay Lu Jinnian. Kinuha niya ang kanyang bag at bumaba ng sasakyan.

Nagmadali ring bumaba si Zhao Meng ng sasakyan at tumakbo papalapit kay Qiao Anhao. Hinila nito ang braso niya at pinagalitan siya dahil umalis siya ng hindi nagpapaalam pero bigla itong pinigilan ni Lu Jinnian, "Ikaw na ang magdala ng sasakyan pabalik sa set. Ako na ang magdadala sakanya sa mga business partners."

Ginawa ni Qiao Anhao ang lahat para magmukhang maayos ang lahat. Nakapagbiro pa nga siya habang kumakain sila pero matapos niyang ibuhos ang lahat ng kanyang lakas para makisama, nakaramdam siya ng sobrang pagod.

Pagkasakay niya sa sasakyan, agad siyang sumandal at ipinikit ang kanyang mga mata. Nang unti-unti ng umandar na itong umandar, muli niya nanamang naalala ang pangalan ni Lu Jinnian na nakapirma sa abortion papers.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C383
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión