Pero kahit ano pa mang rason ni Qiao Anhao kung bakit nito hinayaang may mangyari sakanila, alam niya pa rin sa sarili niya na hindi yun dahil mahal siya nito.
Siguro marami lang nainom si Qiao Anhao noong gabing iyon kaya napagkamalan siya nito bilang si Xu Jiamu, o baka normal na impluwensya lang din iyon ng alak…Pero kahit ano pa mang dahilan nito ay nangyari na ang nangyari at balewala na rin ang pagiyak sa natapong gatas kaya noong sumunod na araw gumawa siya ng paraan para hindi na ito mapagusapan pa.
Sa totoo lang, alam niya naman na hindi ideya ni Qiao Anhao ang tungkol sa deal nila, pero pinilit niya pa ring magpakatanga at yun ang paniwalaan. Para guminhawa ang pakiramdam niya, itinatak niya sa kanyang isip na hindi naman siya nakipagkasundo ng kahit anong deal dito at kahit kailan ay hindi niya kayang pagtaksilan ang kanyang sariling kapatid na si Xu Jiamu. Sa pagkakataong ito, Qiao Anhao ang nangakit sakanya.
Alam niya sa sarili niya na hindi mabuti ang kanyang intensyon at gagawin niya lang ito para paulit-ulit niyang mailabas kay Qiao Anhao ang kanyang galit.
Pero bandang huli, unti-unting naging mas maayos ang relasyon nila at sobrang iniingatan niya ito. Kalaunan, naisip niya na baka may paggasa pa naman silang maghulog sa isa't-isa kung hahayaan nalang nila na ang tadhana ang kumilos para sakanila.
Pero bigla namang dumating ang recording pen ni Qiao Anxia at nakita niya rin kung paano siya tignan ni Qiao Anhao noong nagpanggap siya bilang si Xu Jiamu…
Bandang huli, isa lang pala itong kalokohang panaginip.
Lagi naman siyang ganun. Malinaw sakanya na niloloko lang siya pero hindi niya pa rin kayang pigilan ang kanyang sarili.
-
Habang inaalala ang mga nakaraan, biglang nakaramdam si Lu Jinnian na para bang may dumagan sa kaliwang parte ng kanyang dibdib kaya hindi napigilang mapahawak dito. Pinatay niya ang sindi ng sigarilyong kanyang hawak ngunit nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan sa tapat ng bintana. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya maglakad papunta sa kanyang lamesa. Hinila niya ang drawer nito at kinuha ang dalawang punit na papel. Sinubukan niyang pagdikiti ang mga ito para mabuo ang kulay gintong greeting card. Nabasa na ng tubig ang mga nakasulat dito pero kaya pa rin namang mabasa kahit papano- "Sayo lang ako masaya"
-
Dahil wala si Madam Chen, ang mansyon ay nabalot ng sobrang kadiliman at maging ang mga ilaw sa labas ay hindi rin nasindihan.
Binuksan ni Qiao Anhao ang mga ilaw at sumilip sa living room pero wala namang tao rito. Pinilit niyang umakyat sa second floor kahit na sobrang bigat na ng buong katawan niya. Pagbukas niya ng pintuan ng kanilang kwarto, natigalan siya nang makita niya ang pader na may mga nakadikit na iba't-ibang kulay ng mga lobo na bumubuo sa mga salitang 'Happy Birthday'.
Hanggang ngayon, naalala niya pa rin ang eksaktong naramdaman niya habang inaayos niya ang kwarto nila noong hapon na yun. Hindi maalis sakanyang isip ang mga posibleng maging reaksyon ni Lu Jinnian sa oras na makita nito ang mga pinaghandaan niya.
Noong mga oras na iyon, kahit siya ang magbibigay ng sorpresa kay Lu Jinnian sobra sobra pa rin ang excitement at saya na kanyang naramdaman.
Matagal na nakatayong blangko si Qiao Anhao sa may pintuan bago siya maglakad papasok. Pinagmasdan niya ang buong kwarto at nakita niya ang mga lobong nakadikit sa apat na pader nito. Hindi nagtagal ay muli nanaman siyang natigilan nang mapatingin siya sa balcony dahil nakita niya ang mga kadilang inayos niya parang maging mga salita. Parang biglang nanghina ang kanyang buong katawan at dahan-dahan siyang napaupo, niyakap niya ang kanyang mga tuhod at iniyuko ang kanyang ulo sa pagitan ng mga ito.
Kahit na hindi siya matalino, malinaw sa kanya na siya ang pinaglabasan ni Lu Jinnian ng galit nito.
Pero kahit gaano niya pa subukang isipin, hindi niya talaga maintindihan kung ano bang nagawa niya para magalit ito sakanya.
Habang sinusubukan niyang alalahanin ang mga nangyari, lalo niya lang nararamdaman na siya talaga ang may kasalanan kaya bandang huli ay hindi niya na kinaya at tuluyan na siyang umiyak.