Disappointed?
Hindi maintindihan ni Qiao Anhao kung anong ibig sabihin ni Lu Jinnian kaya "Mm?" lang ang naisagot niya.
Dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ni Lu Jinnian, medyo nagkalapit ang mga mukha nila. Ngumuso siya at saktong napatingin sakanya si Lu Jinnian, ang mala rosas na kulay ng kanyang mga labi ay bagay na bagay sakanyang mapuputing balat at itim na mga mata kaya lalo pa siyang nagmukhang malinis at kaakit akit.
Biglang pumasok sa isip ni Lu Jinnian ang itsura ni Qiao Anhao na nakatingkayad at hinahalikan ang kanyang mga labi habang nagsisigawan ang lahat noong birthday ni Xu Jiamu. Ang mga labi nito ay malalambot at ang amoy nito ay parang isang matamis na prutas samantalang ang mga mata naman nito ay punong puno ng hiya habang sinasabi, "Brother Jiamu, Happy Birthday!"
Unti-unting nabalot ng malisya ang mga mata ni Lu Jinnian. Mula sa mga narinig niya sa recording pen hanggang sa mga sinabi sakanya ni Qiao Anhao noong birthday party ni Xu Jiamu…ginawa niya ang lahat para pigilan ang kanyang emosyon noong mga oras na 'yun, pero ngayon, hindi niya na talaga kinaya at tuluyan na siyang sumabog. Marahas niyang tinanggal ang kamay ni Qiao Anhao na nakahawak sakanya at hindi siya nagdalawang isip na hhatakin ang peklat na nasa kanyang mukha.
Gamit lang ang isa kamay, bigla niyang iniliko ang manibela sa isang eskinita. Inapakan niya ang accelerator at sa sobrang bilis ay ilang beses na nagdrift ang kanyang sasakyan hanggang tuluyan silang makarating sa walang katao-taong tabing-ilog.
Malinaw na hindi ito ang daan nila pauwi…Nagtatakang tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian at noong akmang tatanungin na sana niya kung bakit doon sila dumaan ay bigla namang huminto ang sasakyan.
Dahil biglaan ang naging pag preno, sumubsob si Qiao Anhao paharap at narinig niya na bumukas ang kanyang safety belt. Pero hindi nagtagal ay hinila rin ni Lu Jinnian ang kanyang balikat at ang katawan niyang na muntik ng tumama sa dashboard ay muling nakasandal sa upuan ng sasakyan. Pagalit na nagsalita si Lu Jinnian, "Tapos na ang panaginip, disappointed ka ba?"
Disappointed nanaman?
Kumunot ang mga kilay ni Qiao Anhao at tumingin kay Lu Jinnian. Natigilan siya at napalunok bago magtanong, "Lu Jinnian, ano bang sinasabi mo? Anong panaginip?
Iba't-ibang emosyon ang bumalot sa mga mata ni Lu Jinnian. Bumulong siya na sa sobrang hina ay parang sarili niya lang ang kanyang kinakausap, "Masaya ka na ngayon, hindi ba? Kasi nakita mo siyang buhay na buhay at hindi nakaratay sa kama na hindi manlang makapagsalita at makatingin sayo…Pero hindi ako siya…"
Sa mga oras na ito, parehong galit at lungkot ang makikita sa mga mata ni Lu Jinnian. Hindi na niya hinintay pang tumingin sa kanya si Qiao Anhao at hinalikan na niya na ito ng sobrang diin na para bang ibinubuhos niya rito ang lahat ng kanyang hinanakit. Nanggigil ang kanyang mga ngipin habang nagsasalita, "Hindi ako siya, hindi ako siya. Bakit siya lang ang nakikita ng mga mata mo at hindi ako? Bakit?"
Masyadong mahina ang boses ni Lu Jinnian at hindi rin malinaw ang pagkakasabi nito kaya hindi ito masyadong maintindihan ni Qiao Anhao at ang kapiranggot na narinig niya lang ay parang 'hindi siya' at 'hindi mo nakikita'?
Kahit gaano niya pa isipin kung anong sinasabi ni Lu Jinnian, hindi niya talaga ito maintindihan kaya lalo pang kumunot ang kanyang mga kilay at sinabi, "Ano bang ibig sabihin mong 'hindi siya'? at anong ibig sabihin mong 'hindi mo nakikita'? Lu Jinnian, ano bang pinasasabi mo?
Nainis si Lu Jinnian sa mga sinabi ni Qiao Anhao at bigla siyang napahinto sa pagsasalita.