Dahil sa reminder ni Lu Jinnian, doon lang naalala ni Qiao Anhao ang mga importante niyang sasabihin. Natigilan siya sa paglalagay ng eye cream at tumungo. Dali-dali niyang kinalat ang cream at tumingin kay Lu Jinnian.
Itinikom niya ang kanyang mga labi bago magsalita, "Tumawag si Mrs. Xu kanina, nabanggit niya na birthday na ni Jiamu sa next Friday at magkakaroon daw sila ng celebratory party…"
Napahinto si Qiao Anhao at hindi niya natapos ang kanyang sinasabi…Gusto ni Mrs. Xu na umarte si Lu Jinnian bilang si Xu Jiamu para pagpanggapin itong asawa niya pero hindi niya ito kayang ituloy.
Kahit na hindi natapos ni Qiao Anhao ang sasabihin niya, alam na ni Lu Jinnian ang gusto niyang sabihin pagkarinig na pagkarinig palang nito ng birthday ni Xu Jiamu. Tumungo lang siya at walang buhay na sumagot ng "oh"
Noong mga oras na yun, sakto kay Lu Jinnian ang sinag ng ilaw na mula sa kisame kaya hindi masyadong makita ang gwapo nitong mukha.
Matagal na nakatingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian para siguraduhing hindi ito malungkot; bigla siyang napanatag noong nakita niyang okay lang ito. Muli siyang tumingin sa salamin para magsuklay ng kanyang buhok at hindi nagtagal ay muli siyang nagsalita, "Naikwento na sa akin ni Zhao Meng ang nangyari kahapon, thank you."
Nanatiling kalmado si Lu Jinnian habang nanunuod ng TV at sumagot lang ng mahinang "mhm"
"At regarding din pala kay Lin Shiyi at Producer Sun, thank you."
Nagulat si Lu Jinnian na alam na ni Qiao Anhao ang mga ito, kinuha niya ang remote ng medyo nanginginig ang kanyang mga daliri at tumungo.
Pagkatapos magsuklay ni Qiao Anhao, nagaalangan niyang dagdag, "Actually, hindi mo naman kailangang tanggalin ang investment ni Producer Sun, iiwasan ko nalang siya. Kung hindi magiging maganda ang 'Alluring Times', masasayang lang yung pera mo."
Napatigil si Lu Jinnian na kasalukuyang nilalaro ang remote control noong mga oras na yun pero nanatili siyang nakatigin sa TV. Medyo matagal siyang hindi nagsalita bago tumingin at sumagot kay Qiao Anhao. . "I've already settled that issue."
"Oh," malumanay na sagot ni Qiao Anhao. Tumayo ito para muli siyang tignan bago ito pumunta sa kama.
Narinig ni Lu Jinnian na naglakad ito kaya sumilip siya sa kama. Nakita niya si Qiao Anhao na nakahiga na pero nagulat siya dahil hindi nito dala ang malaking teddy bear na paborito nito. Pinatay niya ang mga ilaw at pinahinaan ang volume ng TV.
Biglang tumahimik ang kapaligiran at nagtalukbong si Qiao Anhao ng kumot. Habang nakapikit, sobrang daming bagay ang tumakbo sa isip niya at hindi rin nagtagal ay naramdaman niya na lumubog ang side ng kama ni Lu Jinnian. Kagaya ng dati, nakahiga sila sa magkabilang dulo ng kama, malayo sa isa't-isa pero pakiramdam nila parang mas lumaki at lumuwag ang kama dahil wala ang bear na laging nasa pagitan nila.
Habang lumalalim ang gabi, naririnig niya ang paghinga ni Lu Jinnian at naamoy niya rin ang pamilyar nitong pabango.
Hindi siya gumagalaw at pinapakiramdaman lang ang kilos ni Lu Jinnian.