Dumiretso ang heels ni Qiao Anxia sa ulo ni Lin Shiyi kaya biglang namutla ang mukha nito nang maramdaman ang sakit. Biglang pumasok si Lin Shiyi at hinawakan kanyang ulo. "Hindi ko alam!" sigaw ni Lin Shiyi.
"Hindi mo alam?" Madali talagang uminit ang ulo ni Qiao Anxia at ngayon na ayaw pang sumagot ng maayos ni Lin Shiyi kaya hindi na siya nakapagpigil at pumasok na rin siya sa kwarto ni Lin Shiyi at hinablot ang buhok niyo. Sinabunutan muna niya ito at sinampal, sinampal ng maraming beses. "Tutulungan kitang alalahanin!"
Nakatayo lang si Lu Jinnian na mukhang walang intensyon na tulungan si Lin Shiyi.
"Lin Shiyi, saan mo itinago ang sister ko?" Muling sinabunutan ni Qiao Anxia si Lin Shiyi habang sumisigaw at pwinersa niya itong tumungin pataas sa pamamagitan ng pagsabunot rin ng pataas. Ginamit ni Qiao
Anxia ang lahat ng lakas niya para saktan si Lin Shiyi kaya naman ay namula at namaga ang magandang mukha ni Lin Shiyi. Tumngin si Qiao Anxia sa mga mata nito, at galit na nagtanong, "WHERE IS MY SISTER?"
Priness ni Lin Shiyi ang kanyang mga labi at ayaw niyang magsalita ng kahit ano.
Ang pakiramdam ni Qiao Anxia ay parang sasabog na ang laman loob niya sa sobrang galit kaya naglakad lakad siya sa loob ng kwarto at nang nakakita ng fruit knife, walang pagdadalawang isip niyang kinuha ito at itinutok kay Lin Shiyi. "Bibigyan kita ng tatlong segundo, kapag hindi ka pa rin umamin, hihiwain ko ang mukha mo!"
Natatakot na tumingin sa kutsilyo si Lin Shiyi at bumilis ang tibok ng puso niya. Tumingin siya kay Qiao Anxia at sumigaw, "Labag yan sa batas!"
"Batas?" Tumawa si Qiao Anxia na parang biro ang kanyang narinig at agad ding bumalik sa kanyang seryong itsura. Idiniin niya ang kutsilyo
sa mukha ni Lin Shiyi. "Hindi ba ang kidnapping ang bag sa batas? inumpisahan mo, tignan natin kung sino ang mananalo!"
Pagalit na sumigaw si Qiao Anxia, "Tatlo!"
Kinakabahan si Lin Shiyi.
"Dalawa!"
"Isa!"
Walang pagaalinlangang hiniwa ni Qiao Anxia mukha ni Lin Shiyi.
Maliit na hiwa lang pero agad na tumulo ang dugo sa mukha ni Lin Shiyi.
Nagumpisang umiyak si Lin Shiyi sa sobrang takot at nanginging ang boses na sumigaw, "TAMA NA, SASABIHIN KO NA SAYO!"
Agad na huminto si Qiao Anxia.
Nanginig ang mga labi ni Lin Shiyi at nagpatuloy, "Si Qiao Anhao ay nasa kwarto ni Producer Sun…"
Nang marinig ni Lu Jinnian ang sinabi ni Lin Shiyi, bumalot ang galit sa kanyang mga mata at nagmadaling umakyat.
"Smack!"
Muling sinampal ni Qiao Anxia si Lin Shiyi at hinablot ang baba nito, " Lin Shiyi, binabalaan kita, kapag sinubukan mong galawin ulit ang sister ko, pagbabayarin kita ng sampung beses! Mabuti pa ipagdasal mong okay lang siya…" Tumigil ng sadlit si Qiao Anhao at nagpatuloy nang may nanginginig na boses, "Lin Shiyi, gagawin kong impyerno ang buhay mo."