Tumalikod si Lu Jinnian at papunta sa gilid ng kalsada. Itinaas niya ang kanyang kamay at agad din namang may humintong cab sa tapat niya. Mabilis siyang pumasok dito na hindi nagtagal ay umalis na rin.
Wala pang dalawang minuto mula noong umalis si Lu Jinnian simula noong dumating siya. Umalis siya ng hindi man lang nagsalita ng kahit ano na para bang nandun lang talaga siya para makisabay.
May eksena si Qiao Anhao noong gabing iyon kaya kailangan niyang bumalik kaagad sa set. Umalis na siya agad dahil ayaw niyang makaabala kina Qiao Anxia at Cheng Yang at para hayaan na rin ang mga ito na tumuloy sa original plan nilang magdinner. Drinive ni Qiao Anhao ang nawasak na sasakyan pabalik sa mountain lodge.
-
Pagkatapos na pagkatapos magdinner, bumalik na agad si Qiao Anhao sa set para makapagpalit ng damit at makapag makeup. Halos kalahating oras pa ang natitira sakanya bago magumpisa magfilm.
Naghahanda pa ang mga crew ng mga props na gagamitin kaya napakagulo ng set. Hindi pa rin tapos maghanda ang ibang artista at si Zhao Meng naman ay nagpunta sa banyo dahil biglang sumakit ang tyan nito. Dahil naiinip na si Qiao Anhao, naikot-ikot muna siya.
Nasa itaas ng isang sikat na mountainous region sa labas ng bayan ng Beijing ang mountain lodge. Napaka ganda ng tanawin dito at kapag sumasapit na ang gabi, nagbubukas ang mga makukulay na ilaw kaya nagmumukha itong fairytale. Dahan-dahang tumungtong si Qiao Anhao sa mga bato at nakita niya na mag-isang nakatayo si Lu Jinnian habang nakatingin sa lighthouse na nasa gitna ng lake na para bang may malalim na iniisip.
Hindi naman nagulat si Qiao Anhao na makita si Lu Jinnian dahil alam niyang may panggabing eksena rin ito.
Napahinto siya at napatitig kay Lu Jinnian. Medyo nagaalangan siya bago dahan dahang umakyat sa hagdanan papunta sa pavilion.
Nang maramdaman ni Lu Jinnian na may parating, agad siyang lumingon at nang makita niya si Qiao Anhao, nagulat siya at pinatay ang sigarilyong hawak niya.
Hindi kailanman sumubok si Qaio Anhao noon na istorbohin si Lu Jinnian, pero matapos nilang magsama noong nainjured ito, mukhang mas naging komportable at napalapit siya rito. Hindi na sila ganun kailang kagaya ng dati na para bang bumalik sila sa kanilang High School days. Kahit na hindi naman sila ganoon kaclose, kahit papaano nakakapagusap pa rin sila.
Noong halos isang metro nalang ang layo ni Qiao Anhao ay bigla siyang huminto. Habang hawak niya ang skirt niya, medyo kinakabahan siyang ngumiti kay Lu Jinnian at mahinahong sinabi, "Tapos ka na magprepare?"
Nagulat si Lu Jinnian na naunang nakipag-usap si Qiao Anhao sakanya. Tumungo siya at malumanay na sumagot, "Yeah." Hindi nagtagal ay muli siyang nagsalita, "Guys are usually faster."
Kahit na limang salita lang ang sinabi ni Lu Jinnian, hindi pa rin mapigilan ni Qiao Anhao ang sayang naramdaman niya. Parang noong nasa High School palang sila, lagi rin siyang nagpupunta sa mga pinupuntahan ni Lu Jinnian at kapag makakasalubong niya ito ay masaya niya itong binabati. Sa tuwing sasagot si Lu Jinnian, sobra ang sayang nararamdaman ni Qiao Anhao na kagaya rin ng nangyari ngayon.
"Kahit walang makeup, maganda ka pa din."
Ngumiti si Lu Jinnian at tumingin kay Qiao Anhao na napapaligiran ng makukulay na ilaw at bigla siyang nagtanong, "This afternoon, narinig ko kay Cheng Yang na nagkaroon daw kayo ni Qiao Anxia ng car accident?"