Pagkatayo ni Lu Jinnian, napapatitig siya sa mukha ni Qiao Anhao. Gulat na gulat din itong nakatingin sa kanya, kaya nagkatitigan silang dalawa.
Biglang hindi maipaliwanag ang naging mood ng buong kwarto.
Habang mas tumitindi ang pagtitig ni Lu Jinnian, lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao.
Biglang hinawakan ni Lu Jinnian ang mukha ni Qiao Anhao. Hindi maintindihan ni Qiao Anhao kung ano ang gagawin niya bago nito tuluyan ipinikit ang mga mata nito. Dahan-dahang hinaplos ng mga maiinit na daliri ni Lu Jinnian ang mukha ni Qiao Anhao.
Biglang nanginig ang mga pilikmata ni Qiao Anhao nang maramdaman niyang pinupunasan ni Lu Jinnian ang mga natirang gatas sa kanyang labi. Pagkadilat ng kanyang mga mata, nakita niya ang mga malalambing na mata ni Lu Jinnian.
Nanatili ang kamay ni Lu Jinnian na nakahawak sa ulo ni Qiao Anhao ng ilang minuto at mukhang hindi niya na alam kung anong sunod niyang gagawin. Bandang huli, tinapik niya ito ng mahina at naglakad pabalik sa sofa.
Parang tumigil ang mundo ni Qiao Anhao; tulala lang siyang nakatitig sa kisame. Nahimasmasan lang siya noong biglang namatay ang mga ilaw. Pagtalikod niya, mejo naaninag niya ang hugis ng katawan ni Lu Jinnian na nakahiga sa sofa dahil sa konting ilaw na nanggagaling sa bintana.
Tenderness and warmth filled her.
Pagkataklob niya ng kumot, naamoy niya ang hindi malinaw pero pamilyar na pabango ni Lu Jinnian. Parehong pareho ang amoy na ito sa amoy ni Lu Jinnian five years ago noong natulog din sila sa iisang kwarto.
Pareho silang hindi makatulog kahit sobrang lalim na ng gabi, pero walang ni isa sakanila ang nagsasalita.
Nanatiling tahimik ang kwarto at tanging ang mga hininga lang nila at ang minsang tunog ng mga crickets na pumapasok sa kwarto ang naririnig.
Hindi namalayan ni Qiao Anhao na nakatulog na pala siya dahil sa sobrang pagod.
Noong tuluyan ng lumalim ang gabi, bumangon si Lu Jinnian at naglakad papunta sa kama para silipin si Qiao Anhao. Nagiging mukhang kalmado ang mukha nito kapag natutulog kaya lalo pa itong nagmumukhang mapayapa.
Pagkatapos ng ilang sandali, hinawakan niya ang malambot mukha ni Qiao Anhao. Yumuko siya para dahan-dahang mahalikan ang noo nito. Medyo matagal din siyang nandoon bago siya lumabas ng kwarto na may dalang isang kaha ng sigarilyo.
Ang injury sa sa likod ni Lu Jinnian ay tuluyang gumaling lamang pagkalipas ng apat na araw.
Sa loob ng apat na araw na yun, nanatili si Qiao Anhao sa mansyon para samahan siya.
Ang apat na araw na yun ang pinakamatagal na panahong naging magkasama sila, at ito rin ang pagkakataon na nakapagusap sila ng ganoon karami sa loob ng thirteen years.
Sa ikalimang araw, tumawag ang assistant ni Lu Jinnian sa kanya at sinabing may importante raw siyang meeting kaya naman noong araw yun, sabay silang umalis ng mansyon.
Nasa city ang sasakyan ni Lu Jinnian, kaya drinive niya muna ang sasakyan ni Qiao Anhao.
Nagdrive hanggang sa Huan Ying Entertainment. Pagkababa niya, ibinigay niya ang susi kay Qiao Anhao at hinintay muna itong makaalis bago siya sumakay ng elevator. Ang hindi nila alam, sa hindi kalayuan ay may tao palang nakakita ng lahat.