Descargar la aplicación
21.37% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 208: Will You Always Love Her? (8)

Capítulo 208: Will You Always Love Her? (8)

Editor: LiberReverieGroup

Sumilip si Lu Jinnian sa screen at nakita niya na kiss scene na pala nila ni Song Xiangsi. Tinignan niya si Qiao Anhao, na lalo pang tumutok sa screen kumpara noong bago siya lumabas ng kwarto.

Tinitigan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao bago siya muling tumingin sa kanyang screen. Mukha talagang dalang dala sa kanilang halikan sina Lu Jinnian at Song Xiangsi na parang binibigay ang buong nilang kaluluwa at katawan.

Pareho silang galing sa entertainment industry at klaro na acting lamang ito, pagpapakita lamang sa publiko. Maraming mag-asawa sa industriya na nakikita ang kanilang asawa na humahalik sa iba. Pero dahil hindi niya naman talaga nahalikan si Song Xiangsi, nakuha lang sa angulo, walang kailangang isipin tungkol dito.

Noong nanuod dati si Lu Jinnian sa sinehan, wala siya masyasong naramdaman habang pinapanuod ang sarili niyang kiss scene pero ngayon na pinapanuod na ito ni Qiao Anhao ng sobra pang tutok, medyo nakaramdam siya ng pagkailang.

Hindi nagsalita si Lu Jinnian para hindi niya maistorbo si Qiao Anhaoat dahan-dahan siyang umupo ulit sa sofa at kinuha ang kanyang laptop. Pagkaenter niya ng passcode para tapusin ang mga natitira niyang trabaho, hindi niya maiwasang tignan ulit ang kiss scene niya sa screen. Habang nakahawak sa kanyang screen ay tanong siya, "Ayos ba?"

Nagtatakang napatingin sa kanya si Qiao Anhao.

Hindi pinaliwanag ni Lu Jinnian ang kanyang tanong, kalmado lang siyang nagswipe ng kanyang touchpad. Hinawakan niya ang kanyang screen at muling nagtype.

Naguguluhan si Qiao Anhao, hindi niya alam kung siya ba ang kinakausap ni Lu Jinnian o ang sarili lang nito. Muli siyang nanood pero bago pa man siya tuluyang makalingon sa screen, biglang nagsalita ulit si Lu Jinnian, "Napakaraming anggulo ng pelikulang yan, walang totoo at wala masyadong papanuurin."

So ang sinasabi niya pala ay tungkol sa kiss scene…tumingin muna si Qiao Anhao sa screen bago sumagot, "Kahit na marami itong anggulo, maganda naman ang visuals nito, plus, nagdagdag yung snow background niyo doon sa emosyon ng kiss. Sobrang ganda panuurin."

Hindi nagsalita si Lu Jinnian at nakatitig lang siya sa kanyang laptop.

Bumalik si Qiao Anhao sa panonood ng pelikula. Naalala niya ang sinabi ni Lu Jinnian na tungkol lamang ito sa anggulo. Sa pagkakataon ding iyon, nalala niya na nabanggit ng direktor na wala pang nahalikang kahit sino si Lu Jinnian at lagi lamang dumedepende sa anggulo para sa kanyang kiss scenes. Hindi niya na napigilan kaya nagtanong na siya, "Hindi totoo ang mga kiss scenes sa pelikula?"

Nanatiling nakatitig si Lu Jinnian sa kanyang laptop, at bumulong, "Yea.."

Napanuod na ni Qiao Anhao ang lahat ng pelikula ni Lu Jinnian. Lahat ay may kiss scenes, at ang iba mukha talagang totoo. Nag'banggit siya ng ilang pelikula para siguraduhin, " Eh sa 'Clouds' at 'Heaven'?"

Tumungo si Lu Jinnian.

Tumalikod si Qiao Anhao habang seryosong nag-isip ng iba pa nitong mga pelikula.

Tumungo ulit si Lu Jinnian.

"Pero sa 'Obsessed' meron doong bed scene…"


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C208
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión