Pagkatapos kumain ni Qiao Anhao, inilagay niya ang mga natirang pagkain sa basurahan, inilabas ito sa entrance hall at umakyat.
Nakaupo si Lu Jinnian sa kanyang sofa habang may nakapatong na notebook sa kanyang tuhod. Kumatok ng mabilis si Qiao Anhao itong gamit ang kanyang dalawa kamay.
Ang katok ay para paalalahan si Lu Jinnian, pumasok si Qiao Anhao sa kwarto nito at kinuha ang gamot na binili niya sa pharmacy at inabot ito kay Lu Jinnian na nasa sofa.
Itinuro nito ang anti-inflammatory pills at sinabi, "Ito ang mga anti-inflammatory pills. Wag mong kakalimutang inumin ito. Kilangan mong uminom ng apat" Pagkatapos ay itinuro niya nag rubbing ointment, "Ito ay inaapply sa balat. Kapag kailangan mo nito, babalik ako bukas para lagyan ka. Kung hindi naman, pwede mong tawagin ang assistant mo."
Kinuha ni Lu Jinnian ang kanyang computer, at bahagyang napatigil dahil sa mga sinabi ni Qiao Anhao at tumango.
Pagkatapos ay tumango rin si Qiao Anhao at tumahimik ng sandali, sinabi niya, "So gumagabi na, aalis muna ako."
Hindi nagsalita si Lu Jinnian. Naghintay ng ilang sandali si Qiao Anhao bago muling magsalita, "Paalam" kinuha niya ang kanyang bag at lumabas ng kwarto ni Lu Jinnian.
Si Lu Jinnian ay nakaupo lang sa sofa, hindi gumagalaw. Dati, lagi lang siyang mag-isa sa villa, pero kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng lungkot. Pero noong umalis si Qiao Anhao, pakiramdam niya biglang nawalan ng laman ang kanyang villa.
Habang naririnig niyang nagsstart ang sasakyan sa baba , kinuha ni Lu Jinnian ang kanyang laptop. Tumayo siya at naglakad papunta sa kama at hinanap ang kanyang phone.
May tinawagan siya at sinabing, "Yeah, pakisara ang exit, at pagpahingahin muna ang mga nakaduty ng isa't kalahating oras. Yeah, salamat."
Pagkababa niya ng kanyang phone, kalmadong naglakad si Lu Jinnian pabalik sa sofa. Umupo siya at agad na kinuha ang kanyang laptop upang magpatuloy kanyang kailangang gagawin na urgent documents na kakapadala lang ng company ngayong araw.
Sa bawat letra na kanyang tinatype, sinusulyapan ni Lu Jinnian sa kanyang phone na nasa tabi niya. Sa ikalabing limang beses niyang pagsulyap, biglang umilaw ang kanyang phone dahil sa isang tawag na galing kay Qiao Anhao.
Hindi agad sinagot ni Lu Jinnian at nagpatuloy sakanyang pagtatype pagkatapos ay unti-unti niyang inabot ang kanyang phone at sinagot ang tawag ni Qiao Anhao at nagtanong, "Anong meron?"
"Sarado ang gates villa mo at walang kahit sinong nakaduty. May access card ka ba?" Malumanay na tanong ni Qiao Anhao.
"Yeah", sagot ni Lu Jinnian. Tumayo at nagkunwaring tumitingin-tingin. Gumawa rin siya ng mga ingay para marinig ni Qiao Anhao. Pagkatapos ay hinanap niya ang kanyang access card, medyo matagal niya rin itong hinanap, at nagsinungaling over the phone, "Oh, ngayon ko lang naalala. Two days ago, naiwan ko pala yunsa hotel doon sa set noong nagpalit ako ng damit at hindi ko pa nakukuha ulit."
"Ah?" napasigaw sa gulat si Qiao Anhao. "So paano ako lalabas?"
Hindi nagsalita si Lu Jinnian, sa totoo lang nag-iisip siya isang plano. Pagkatapos ng ilang sadlit, sinabi niya ang planong naisip niya, "Bumalik ka muna. Kung hindi
ka makakaalis ngayong gabi, dito ka nalang muna."
Si Qiao Anhao, na hindi makalabas ng villa, ay naisip na rin pala ito pero naghihintay lang siya na sabihin ito ni Lu Jinnian, kaya sumagot siya ng "oh"
Hindi nagsalita si Lu Jinnian at agad na ibinaba ang phone.