Takot lumapit si Zhao Meng dahil kay Lu Jinnian pero ng makita niya na minulat ni Qiao Anhao ang mata niya. Tinanong niya ito, "Qiao Qiao, ayos ka lang ba?"
Lumingon si Lu Jinnian si Qiao Anhao ng magtanong si Zhao Meng tungkol sa kalagayan nito. Nag-aalala niyang tinignan kung meron itong malalang sugat. Huminga siya ng maluwag ng makita na wala naman.
Sa kisap mata bumalik sa pagiging kalmado si Lu Jinnian at nawala ang mga emosyon na pinakita niya.
Ang bilis nawala nito, nang tignan siya ni Qiao Anhao wala na itong makita bakas ng pagkabahala at pagka-lito sa ekspresyon niya.
Lumingon si Qiao Anhao kay Zhao Meng at sinabi niya, "Ayos lang ako."
Lumingon ulit siya kay Lu Jinnian. Kung titignan ang mukha nito tila walang nangyari. Marahil ito ay kanyang imahinasyon lang nang imulat niya ang kanyang mata.
"Sigurado kang ayos ka?" Hindi maiwasan magtanong ni Song Xiangsi. "Nasaktan ka ba? Tumayo ka nga at maglakad."
Natanto lang ni Qiao Anhao na hawak siya ni Lu Jinnian nang magtanong si Song Xiangsi. Namula siya at agad na tumayo. Lumayo siya ng kaunti at sinabi, "Oo, Ayos lang ako."
"Mabuti naman. Tinakot mo kami kanina. Kung na hulog ka ng ganon kataas maaring masama ang bagsak mo at maparalisa ang katawan mo. Masuwete ka na salo ka ni Lu Jinnian."
Malinaw na bigla din si Song Xiangsi sa nangyari at naka hinga ito ng maluwag.
Tumignin si Qiao Anhao sa mata ni Lu Jinnian. Kinagat niya ang labi niya at mahinang nagpasalamat," Mr. Lu, maraming salamat."
Hindi nagsalita si Lu Jinnian. Bagkus, tinukod niya ang kamay niya sa lupa at dahan-dahan tumayo dahil sa matagal na pagkakaupo.
Sakto naman na dumating ang direktor at handa na ang sasakyan. Bumalik ito ng pawis na pawis at hinihingal nang sinabi nito, "Mr. Lu handa na ang sasakyan..."
Kalagitnaan nito, nakita niya naka tayo si Qiao Anhao. Nagtanong siya, "Xiao Qiao, ayos ka lang ba?"
Tumango si Qiao Anhao.
"Gusto mo ba pumunta sa ospital?"
Agad na umiling si Qiao Anhao. "Okay lang, maayos naman ako."
"Maganda pa rin kung pumunta ka sa ospital para sigurado," sabi ni Song Xiangsi, "Saka, nagdudugo ang noo mo. Huwag mong hayaan na magkaroon ng peklat yan..."