Nang marinig ni Lu Jinnian ang boses ni Qiao Anhao, naging kalmado it. Sa galit niya, halos mawala siya sa sarili niya at ng tawagan niya ito...
Tatanongin sana niya ito kung ayos lang ito.
Simula ng nakalipas na 5 taon, nawalan na siya ng karapatan para mag-alala para sa kanya. Dahil hindi niya maaring mahalin ito, nagpasya siya na huwag ipakita ang kahit katiting ng pagmamahal niya.
Maraming beses niyang gustong lapitan ito, pero tuwing lalapit siya, pinilit niya ang sarili na lumayo sa kanya. Takot siya na mawala siya sa sarili niya. Matapos ng kasal nila, bihira siya umuwi, takot na kung madalas siya bahay at magkasama, magiging mahirap sa kanya ito. Kahit ng malaman niya na malungkot ito, nawawalan siya ng kontrol.
Mahigpit na hawak niya ang telepono at tahimik siya, na gawa niyang kalmahin ang sarili. Pilit na kalamadong sabihin. "Nakita ko ang balita sa Weibo..."
Tama nga, tumawag nga ito dahil sa scandal... Tahimik si Qiao Anhao bago sumagot. "Kahapon, Hindi ko napansin nakuhanan ako ng litrato. Pasyensya na kung na damay ka."
Hindi ito tumawag para sisihin siya sa balita. Saka hindi niya iniisip ang scandal na ito. Ang totoo, natutuwa pa nga siya... Hindi alam ni Lu Jinnian ang sasabihin niya. Hinawakan ni Lu Jinnian ang buhok niya pinadaan ang kamay niya sa inis saka pinalitan ang usapan, "Kagabi, gusto mo ng..."
Nang sabihin niya ang 4 na salita, napagtanto niya kung gaano siya ka pangit magpalit ng usapan. Lalo siyang nainis, niluwagan niya ang neck tie at huminga ng malalim. Walang na siyang sinabi at binaba na ang telepono.
Nawala ang linya, Kumurap si Qiao Anhao, iniisip ang sinabi ni Lu Jinnian, "Kagabi, gusto mo ng..." Sasabihin ba nito kung ano gusto niya kagabi?
Nalungkot siya habang nakatingin sa bintana. Huminga siya ng malalim, tinignan si Zhao Meng at nagtanong, "Kamakailan lang, may mga advertisements ba na mas maganda sa hawak ni Lin Shiyi?"
Nag-isip si Zhao Meng bago sumagot, "Ang narinig ko merong kilalang variety show na nag-imbita sa kanya."
tumango si Qiao Anhao, wala na siyang sinabi. Matapos ng ilang sandali, tumawag siya at nag-type ng message kay Lu Jinnian.
Mahigpit pa rin ang hawak ni Lu Jinnian sa telepono simula ng binaba niya ang telepono. Nang mag-vibrate ang telepono niya. tinignan niya ang maikling message galing kay Qiao Anhao, "Gusto kong maging mag-guest sa variety show na XX sa susunod na linggo."