Marahil napansin niya na ito. Ngunit para sa isang binata nahihirapan pa siyang maintindihan ang pag-ibig o kung ano ang ibig sabihin nito. Ang alam niya na kalmado siya tuwing nakikita niya ang babae. Kung hindi niya ito makita tila may kulang.
Tahimik niya itong pinagtuunan sa loob ng kalahating taon. Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan at napalapit sa kanya.
Nang makita sila sa isang silong may dala siyang payong. Ngunit, ng makita niya na gamit ng babae ang bag niya. Tinago niya ang payong at sinundan ito sa silong.
Nakikinig siya kay Jay Chou pero pinatay niya ito at habang suot ang earphones rinig niya ang tulo ng ulan. Hindi siya lumingon dahil sa kaunting kaba.
Tumigil ang ulan at handa siya umalis. Nang lumingon siya dito. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil tumitingin ito sa kanya. Mabilis siyang umiwas at agad na umalis.
Matapos ng pangyayari, napalapit ito bilang isang bagong high school student.
Sa totoo lang, ayaw ni Lu Jinnian sa eskwelahan dahil sa kamahalan nito at naubos ang inipon ng kanyang ina. Gayumpaman, nang malaman niya kya Xu Jiamu na mag-aaral ito doon, binenta niya ang alahas ng ina at ang perang kinita niya para sa tuition.
Sinadya ni Lu Jinnian na sumama kay Xu Jiamu ng sila ay mag-ulat sa eskwelahan. Pinakilala siya ni Xu Jiamu pero dahil sa gawing niyang tumango nalang. Si Xu Jiamu ang nagpakilala sa kanya.
Doon sila opisyal nagkakilala. Tuwing magkakasalubong sila binabati siya nito ng "hi", o siya naman ang tatango sa kanya, sasabihin ang pangalan niya. Paborito niya ang school field kaya tuwing gabi na maglalaro sila ng football. Makikita niya itong tumatakbo sa field. Ang field din ang sikretong kung saan sila nag botohan kung sino ang pinakamaganda sa school.
Hindi siya bomoto sa kanya pero siya ang pinakamagandang babae ayon sa mga lalaki sa eskwelahan. Masaya siya para dito, ngunit problemado din dahil ang babae gusto ay maganda din sa iba.