Nagising si Qiao Anhao matapos ang 1 oras dahil sa hindi ayos na tulog niya sa sofa. Pag-gising niya tumingin siya paligid at nagbalik sa kanya nasa kuwarto siya ni Lu Jinnian.
Dahan-dahan siya tumayo. Nalaglag sa sofa ang kumot niya.
Patay na ang TV at tahimik ang buong kuwarto. Wala na rin ang tunog ng photocopier. Marahil tapos na ang kopya ng script.
Papunta si Qiao Anhao sa bedroom pero napansin niya ang manapis na kumot na tapakan niya. Nagulat siya ng makuha ito.
Kinumutan ba siya ni Lu Jinnian habang tulog?
Napuno ng saya ang puso ni Qiao Anhao kahit na alam niya na wala ito ibig sabihin. Kita ang ngiti sa labi niya habang hawak ang kumot at maingat na pumunta sa bedroom.
Bahagyang bukas ang pinto ng bedroom. Naamoy niya ang sigarilyo sa kuwarto. Na ngunot ang noo niya ng makita si Lu Jinnian na tulog sa ibabaw ng lamesa.
Bilang pag-galang ni Qiao Anhao kumatok siya. Ngunit, hindi sumagot si Lu Jinnian, kaya kumatok siya at tinawag ito, "Mr. Lu."
Nang hindi ito sumagot. Maingat na pumasok si Qiao Anhao at binuksan ang bintana. Pumasok ang hangin kaya ng mapansin na short sleeve ang suot ni Lu Jinnian, maingat niyang kinumutan ito.
Hindi makita ni Qiao Anhao ang mukha ni Lu Jinnian kaya tinignan niya ito. Dahan-dahan kinuha niya ang script para umalis.
Nang na hawak na niya ang script bigla nagising si Lu Jinnian na Kina-gulat ni Qiao Anhao kaya agad siyang nagpaliwanag. "Kumatok ako pero hindi ka sumagot, kaya pumasok na ako."
Walang sinabi si Lu Jinnian. Lumingon lang ito sa bukas na bintana at sa kumot niya.
Kinabahan si Qiao Anhao, mabilis siyang nagpaliwanag dahil sa kilos nito. "Mausok kasi yung kuwarto kaya binuksan ko yung bintana. Saka kinumutan kita baka kasi sipunin ka."